I managed to go home after that scenario but as I saw my room, my tears began to fall again. This room was filled with our memories together. Nilapitan ko ang teddy bear na pinaghirapan niyang kuhanin sa arcade noong Christmas Eve.
"Break na kami ng Daddy mo." I must be insane talking to a stuff toy but there's no one beside me now. Wala na ang magpapagaan ng loob ko kapag nasasaktan ako, wala na ang taong yayakapin ako para icomfort ako. Realizing those things made me cry once more. Pumayag siya na tapusin na namin ito. Funny, ilang beses kong tinangkang makipaghiwalay sa kanya pero sa pagkakataong ito, pumayag na siya.
See? I was right. He will also give up on me. Because I'm hopeless. Because I am selfish hardheaded brat and couldn't be tamed by anyone.
Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa cellphone ko. Panira ng tulog. Kumirot ang ulo ko nang bumangon ako but I managed to answer the call.
"Hoy babae! Baka nakakalimutan mong may practice tayo ngayon!? Andito ako sa bahay nyo para sunduin ka. Ten mins at hindi ka pa bumababa dito, papasukin ko talaga kwarto mo." Pagbabanta ni Iyel bago ako pinagbabaan ng tawag. Loko yon ah!
Hinilot ko ang sentido ko. Mukha akong may hang over ngayon. Nakatulugan ko na pala ang pag-iyak kagabi. Napabuntong hininga ako bago dumiretso sa banyo.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko. Ang laki na pala ng pinagbago ko simula nang maging kami ni Nathan. Tinitigan ko ang sarili ko, hindi na ito ang Rayne na nakilala ko.
Malakas ka Rayne. You can conceal that pain. It's time to bring back your old self, the emotionless one. It's time to wear your mask again. With one last look at myself, I get out of my room to face the world.
Nadatnan ko sa living room ang isang nakasimangot na Iyel. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ok na naman line up at prezi natin ah, bakit kailangan pang mag-practice?"
"We also need to rehearse kaya tara na kasi ala-una na." Padabog siyang lumabas ng bahay na sinundan ko din naman agad. Napatingin ako sa orasan at tama siya, 1pm na. Buti na lang pala walang pasok ngayon.
Tahimik lang ang byahe papunta sa bahay nila. Nagpanggap akong natutulog para hindi niya ako guluhin. Ewan. Feeling ko kapag nagsalita pa ako iiyak na naman ako sa kanya. Ayoko ng mangyari yon. Marahan niyang tinapik ang pisngi ko para gisingin ako pero hindi naman talaga ako tulog kaya nagpanggap na lang ako na bagong gising.
"Saan na tayo?" Maang na tanong ko. Gusto kong iuntog ang sarili ko, malamang nasa bahay nila. Imbes na sagutin ako ay lumabas na siya ng kotse at himala ata na pinagbuksan niya ako ng pinto.
Sinalubong agad kami ng Syberian husky niyang aso kaya napatago ako sa likod niya.
"Relax. Kagatin mo din kapag kinagat ka." Pabirong sabi nito kaya kinurot siya na nagpadaing sa kanya. Wrong move, tinahulan ako ng aso niya. Bias itong aso na 'to! Hindi tuloy ako makabitaw sa amo niya.
Wala na namang gaanong ginawa since ok na naman talaga. Sa sobrang tagal ng time naming magpractice ewan ko lang kapag hindi pa naging polido ang magiging performance namin sa Friday, halos buong sem ginawan talaga ng paraan na makapag-practice kahit after class lang.
"Gala tayo." Pagaalok ni Iyel na nag-uunat pa.
"Saan naman punta natin?" Tinatamad na sagot ko. Sa totoo lang, gusto ko ng umuwi. Feeling ko pagod na pagod na ako kahit magta-tatlong oras pa lang akong nawawala sa bahay.
"Hmmn. Gusto ko ng Korean Ice cream. Ano nga yon? Bingsu?" Pagkasabi pa lang niya ng katagang iyon ay napatayo na ako.
"Arat! Libre mo ah." Nauna na ako palabas ng bahay nila hahaha!
![](https://img.wattpad.com/cover/33544913-288-k185880.jpg)
BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Spiritual"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...