"Aww. Wag ka na iyak, Rayne." Sabi ng isang gangmate ni Nathan at akmang yayakapin nila ako nang biglang humarang si Nathan sa harap ko at siya ang nayakap nila. Epic. :D
"Off limits mga brad. Taken yan." Mayabang na sabi nito. Possessive.
Ang daming reklamo ang narinig ko mula sa mga tropa niya pero hindi niya yon pinansin at dinala lamang ako sa lugar kung nasaan ang family namin.
Natunaw naman ako sa ngiti nila.
Pinunasan ni Dad ang luha ko bago ako niyakap at hinalikan sa ulo.
"Happy birthday my princess."
Sinuklian ko ang yakap niya and the next thing I knew, niyayakap na nila akong lahat. I felt so loved by this people.
"H-hindi na po ako makahinga." Nagtawanan sila sa inusal ko.
Isa-isa nila akong binati at niyakap. Medyo awkward pa nga noong ang parents na ni Nathan ang yumakap sa akin e.
"Mabuti pa maupo na tayo at kumain, nakakagutom kayang magprepare." Sabi ni Shayne at sinang-ayunan naman nila.
Ni hindi ko napansin na naka-ayos ang buong resto. Ang ganda ng design, blue and white ang theme, my favorite colors. Tapos sa nakahanda sa buffet table ang mga pagkaing... let's say cute. May mga design kasi e. Ang daming characters ang binuo nila tapos ang iba namang ulam ang ganda ng plating. I wonder kung ilang oras nilang ginawa ang lahat ng 'to or baka nag-hire sila ng cook.
"Do you like it?" Tanong ni Nathan na nasa tabi ko. Kami na lang ang nandito since nakaupo na ang iba sa isang mahabang table malapit sa main table.
"Sinong may pakulo nito?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang mga taong nasa likod ng celebration na ito.
"Ako." Napatingin ako sa kanya. Weh? "What? Tingin mo ba hindi ko kayang mag-effort para sa'yo? Kulang pa nga ito e, ako dapat ang magluluto kaso naka-cast ang kamay ko." Heto na naman ang puso ko. Hindi ako makapagsalita. Ang sweet kasi ng dating e. Argh! Ayokong nagiging sweet siya! Nai-in love lalo ako! Pogi pogi nya e tapos ang pogi pa ng boses ahuhu!
"Hindi mo ba nagustuhan?" Malungkot na tanong niya nang hindi ako nagsalita. Napangiti ako at hinalikan siya sa pisngi.
"I love it. I love you." Napangiti rin siya at hinatak ako palapit sa kanya. I felt his lips upon my forehead. Ewan ko, everytime na ginagawa niya 'yon, nakukuryente ako.
"I love you more, baby."
"HOY KAYONG DALAWA DIYAN, WALA BA KAYONG BALAK LUMAPIT DITO? GUTOM NA KAMI!" Natawa ako sa sigaw ni dad na matalim na nakatingin sa kumakamot sa ulong si Nathan. Ang kyut lang.
Pagkatapos ng nobela nilang prayer, nagkwentuhan lang kami or more like, sila. Mga parents lang namin ang nag-uusap na parang matagal silang hindi nagkita. Tahimik lang si Shayne at Jilliane, kapatid ni Nathan. Humiwalay ng table ang mga barkada ni Nathan. Kailangan daw kasi namin ng privacy as family. Dami nilang kaechosan e.
Kami ng baby ko? Sinusubuan ko siya dahil ayaw niyang bitawan ang kamay ko na nasa ilalim ng lamesa. Feeling ko tuloy isang kamay ko lang ang nagfu-function para sa aming dalawa.
"*ehem* uhh.. May sasabihin sana ako." Nagulat ako sa biglang pagbasag ni Nathan sa kaguluhang ginagawa ng pagkukwentahan ng mga magulang namin. Napatingin sila sa aming dalawa at hinihintay ang sasabihin niya. Biglang itinaas ni Nathan ang kamay naming magkahawak kanina pa. "Girlfriend ko na po si Jazlyn Rayne Venetia." Nakangiting sabi nito.
Parang hindi agad nag-process sa utak ng family ko at ni Jill ang sinabi niya dahil naka-nganga lahat ng reaction nila habang ang future parents-in-law ko (ahihihi kilig me there) ang lapad ng ngiti.
BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Spiritual"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...
