Trouble 48: Unforgettable

177 10 0
                                    

Nag-alarm ako ng alas-singko nang umaga para may time pa akong gawin ang mga dapat kong gawin bago kami gumala ni Iyel.

I whispered a silent prayer and did my devotion. Itinuro sa akin ni Nathan iyon at binigyan niya rin ako ng journal notebook para makapag-start na agad. Napag-usapan din namin ni Nathan na sabay naming gagawin ang magdevotion at ia-update ang isa't isa about sa word na nareceive namin today kaya heto, katawagan ko siya ngayon.

"Nga pala, Nate. M-may hindi ako nasabi sa'yo kagabi." Medyo kinakabahang sabi ko habang nakasandal pa rin sa headboard ng kama ko. Waah! Pano ba to? Nakalimutan kong sabihin sa kanya, naalala ko lang pagka-pasok ko sa loob ng bahay at naka-alis na siya.

"Ano yon, hon?" Potek. Feel na feel niya talagang tawagin akong hon. Ang sagwa huhuhu.

"Tigilan mo nga ako sa kaka-'hon' mo. Sagwa e." Reklamo ko at napatawa naman siya sa kabilang linya.

"Oo na po, mahal ko. Ano bang sasabihin mo?" Napakagat labi na lang ako. Paano ko ba sisimulan?

"Ahhm. M-may lakad ako ngayon." Medyo tensed na sabi ko.

"Oh. Gusto mo samahan kita? Aabsent na lang ako sa ojt ko." Sabi nito kaya kahit hindi niya nakikita ay napailing talaga ako.

"I'm with Iyel." Mahabang katahimikan kaya siniguro ko munang nasa kabilang linya pa siya. "H-hon." Napamura ako bigla sa utak ko dahil sa sinabi ko. Sorry, Lord.

"O-okay lang naman di ba?" Tanong ko kahit obvious ang sagot. Ilang minuto pang katahimikan bago siya sumagot.

"Okay." Tipid na sagot nito. Sabi ko nga hindi okay sa kanya e! Dapat talaga nagpaalam ako nang maayos sa kanya kagabi. Awtsu.

"Ehhh. Baby, naka-oo na kasi ako kahapon. Sige naa. Payag ka na please tsaka miss na miss ko na best friend ko, kahapon lang ulit kami nagkitang dalawa, di pa kami nakakapag-bonding. Payag ka na baby. Papasalubungan na lang kita." Pangungulit ko pa na parang bata sa kanya.

"Saan ba punta niyo?" Seryosong sabi nito at napaisip naman ako. Wala naman kasi siyang sinabi kung saan e.

"Hindi ko alam." Mahinang tugon ko dito kaya napabuntong hininga siya.

"Just take care of yourself." He said in defeat. Hindi naman talaga siya nakipagtalo though alam kong hindi siya sang-ayon na lalabas ako with Iyel.

"Thank you, Nathan. Don't worry, hindi kita ipagpapalit hehehe." Masiglang sabi ko. I heard him chuckled.

"I trust you. Sabihin mo kay Chris, ingatan ka. Babalatan ko siya nang buhay kapag nagalusan ka." Napatawa ako sa banta niya.

"Yes, sir. I love you." Excited na sagot ko.

"I love you more, baby. I miss you." He said as we ended the call. Kaagad akong bumangon at nagtungo sa CR.

Hindi ko alam kung bakit, basta nararamdaman ng buong katawan ko ang excitement. Ngayon lang ulit kami magkakasama ni Iyel at hindi ko maiwasang mapangiti dahil nagpa-flashback sa utak ko lahat ng riot naming dalawa. Siguro kung noong mga nakaraang buwan ko maalala ang mga ito, nanggigil na naman ako sa galit sa kanya at nagpaplano na para itorture siya lol.

'Andito na ako sa labas ng bahay niyo.' Nagnotify sa phone ko ang message ni Iyel kaya nagmadali na akong mag-ayos ng sarili ko.

Sabi niya, wear something comfortable kaya nagsuot lang ako ng black na sando na pinatungan ko ng denim jacket tapos yung army pants na suot namin noong showcase, sayang naman kasi kung hindi ko mapapakinabangan kaya sinuot ko na lang, tapos white sneakers. Naka-ponytail ang mahaba kong buhok habang hinayaan ko namang nakababa lang ang side bangs ko. Napangiti ako sa reflection ko sa salamin, that's how I wanted it, simple.

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon