Trouble 25: Aftermath

200 17 0
                                    

Masakit pala kapag akala mo siya na ang para sa'yo tapos sa hindi inaasahang pagkakataon, mawawala na lang siya bigla.

Hindi ko napigilan ang isang luhang kumawala sa mata ko. Akala ko ok na pero palagi na lang may twist.

I thought if you risk everything, you will receive your own everything. Akala ko happy ending na pero bakit kailangang palaging may mang-iiwan?

Buset na ending 'to, nakakaasar. Ang uto-uto niya. -.-

Pinatay ko ang tv sa harap ko nang nagsimulang mag-akyatan ang mga pangalan ng mga karakter at prodyuser hudyat na tapos na ang palabas na pinapanuod ko.

Hindi ako maka-move on, kung sa akin kasi nangyari 'yon, hindi ko alam irereact ko. All her life, kasinungalingan lahat ng pinaniwalaan niya. Pwe!

Pero siguro nga ganon talaga, kapag sobra mong mahal ang isang tao, magagawa mong maging selfish para mag-stay siya sa tabi mo. Kahit ang lokohin ito at ikulong sa puder mo not knowing na nasasaktan mo na pala siya. Napabuntong-hininga ako.


Pero bahagya rin akong napangiti nang napatingin ako sa lalaking nakahiga sa lap ko ngayon at mahimbing na natutulog. My own everything. Akala ko mawawala siya sa akin.

Hinaplos ko ang buong mukha niya. Ang pogi niya pa rin kahit may dalawang gumagaling nang sugat ang naka-marka dito. Hinawakan ko ang sugat niya sa pisngi, ang sugat na natamo niya nang protektahan niya ako sa gitna ng pakikipaglaban namin. Bumabalik sa akin ang lahat ng nangyarari.

Mahigit isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang makipaglaban kami sa tradition war ni Nathan.

Buong akala ko si Nathan ang binaril ni Mikhaila but it turned out na ang ama pala niya. Hindi man lang sumagi sa isip ko kung gaano kamahal ni Mikhaila si Nathan para mas piliin ito kesa sa sarili niyang kadugo.

Mas matindi ang pagmamahal niya kay Nathan kesa sa akin. Kaya niya i-give up ang nag-iisang taong kakampi nya para lang kay Nathan. Samantalang ako, wala akong ibang ginawa kundi ang saktan at ipahamak siya.

"Thank you, baby." I said those after kissing him on his forehead. Thank you for not leaving me. Alam mong ikaw lang ang kayang mag-tame sa akin at kung mawawala ka, baka mawalan na talaga ako ng kontrol sa sarili ko at magpakain sa galit. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nawala ang taong ito sa akin.

"You're crying." Umayos siya ng upo sa tabi ko at pinunasan ang mga luhang hindi ko alam na lumalandas na pala sa mukha ko.

"I miss you, baby." I hugged him tight. Sa totoo lang, ngayon lamang ulit kami nagkita simula noong naospital siya.

"Sweet naman ng baby ko." Natatawang sagot nito at niyakap din ako nang mahigpit. "You didn't know how much I miss you, baby." He kissed my head after saying those. I wanted to cry again but his embrace comforts me.

Ang saya ko lang na yakap ko na siyang muli.

"Baby, ligo ka na. Ambaho mo na." Napasimangot ako sa sinabi niya.

"Tch. Ok lang yan, mahal mo pa rin naman ako e." Napatawa siya sa inusal ko.

"Inaabuso mo pagmamahal ko ha. Pasalamat ka talaga, mahal na mahal kita."

"Salamat." Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"hahaha! Pero seryoso baby, maligo ka na. Magdi-date tayo. Baka masira pa ang kinabukasan natin kapag nagstay tayo pareho sa kwarto mo." Unti-unti niyang tinanggal ang yakap ko sa kanya. "Hihintayin kita sa living room niyo." He kissed my forehead before leaving my room.

Ni-lock ko kaagad ang pinto pagkalabas niya, mahirap na baka biglang pumasok ang isang yon. Hindi pa naman uso sa kanya ang pagkatok. Nagulat nga ako kanina paggising ko, katabi ko na siya at yakap niya ako. Tapos nag-aaya siyang manuod ng sine e alas siyete pa lang ng umaga. Saan naman kami makakahanap ng bukas na sinehan ng ganong oras? -.-

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon