Hinatak ko agad si Nathan palabas ng Cuneta Astrodome pagkatapos ng Victory song. Iniwan namin ang mga kaklase ko doon since may meeting pa ata sila at wala akong balak makisali. Dumiretso kami ni Nathan sa MOA pagkatapos ng Sunday Celebration.
"Nagtext si tita Mich, sabay daw tayo sa kanila mag-lunch." Sabi ni Nathan habang nagpa-park ng sasakyan. Napa-roll eyes na naman ako. Mas pinili pa talaga nilang itext ang lalaking ito kesa sa sarili nilang anak?
"Sabihin mo ayoko. Gusto ko mag-date tayo." This may be the last time na magkakasama kami ng ganito. Napangisi si Nathan at lumapit sa akin kaya napapitlag ako.
"Minsan talaga gusto ko ang pagiging selfish mo." Nagulat pa talaga ako nang bigla niya akong halikan sa cheek bago lumabas ng kotse niya at pagbuksan ako ng pinto. Isinandal niya ang mga braso niya sa kotse niya para i-corner ako pagkalabas ko.
I met his gaze, ang ganda ng mata niya na sobrang expressive. Ang ganda rin ng lips niyang naka-ngiti ngayon. Hindi ko talaga masisisi kung bakit ang daming nagkakadarapa sa kanya.
"Let's spend this day as if it's our last, baby." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Iyon naman talaga ang plano ko e, ang sulitin ang araw na ito na parang hindi na kami sisikatan ng araw kinabukasan.
We entered the mall holding each other's hand. At kanina pa kami paikot-ikot dito.
"Baby, saan ba talaga tayo kakain? I'm hungry." Reklamo ni Nathan sa tabi ko. Lahat kasi ng suggestions niya, tinatanggihan ko kaya ang resulta, gutom na kami pareho -.-
Napadaan kami sa isang Korean BBQ House. Napatigil ako saglit sa may entrance para pakinggan ang kanta at bigla akong nabuhayan ng katawang lupa nang marinig ang boses ni JB. Shocks! Fan girl alert!
"Babe! Dito tayo kumain!" Kinikilig na sabi ko at kahit hindi pa siya nakakasang ayon ay hinila ko na siya papasok. Hampogi ng boses ni JB at Jinyoung oppa 😍
"Somebody let me know, tell me which way to go coz I don't, don't, don't know." Sinabayan ko ang english part ng kanta nilang Tomorrow, Today.
Hindi ko talaga macontain ang kilig ko kaya medyo napatili ako. Binitawan ni Nathan ang kamay ko at medyo ibinaba ang cap na suot niya at saka tumungo na parang ipinaparating niya na ikinakahiya niya akong kasama kaya kinuha ko ang cap niya.
"Yah! Panira ka ng mood!" Inis na sabi ko na tinawanan niya lang tsaka sinuot muli ang cap. Kaasar. Pero nagswitch agad ang mood ko nang tumunog ang As If It's Your Last ng Blackpink.
Hinawakan ko ang kamay ni Nathan at pinatingin sa akin habang kinakanta ko ang Chorus. Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong magpaka-sarcastic at sabihing, 'Babe, akala ko ba isipin nating last day na natin ngayon? Bakit ang sweet sweet mo?' Pero idinaan ko na lang sa pagkanta at pagrarap.
"Oppa, saranghae." I said those in a sweet voice habang nagpapa-cute sa kanya pero tiningnan niya lang ako na parang ako ang pinaka-wierd na tao sa mundo kaya napasimangot ako. "Argh! Kaasar ka talaga!" Pinaghahampas ko siya.
"Aray naman babe! Wala naman akong ginagawa a!" Hinahampas ko pa rin siya habang siya naman sinasalag lang ang bawat hampas ko. "Tama na! Sige ka, hindi kita ililibre." Nag-pout ako at sinamaan siya ng tingin. "Wag kang mag-ganyan, baka hindi ako makapag-pigil at mahalikan kita diyan."
Tinalikuran ko siya na busy sa pagpili ng kakainin namin na siya rin naman ang magluluto.
Biglang may umupo sa harap namin at tinikman ang pagkain namin. Waw. Nauna pa si koya sa aming kumain. -.-
"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Al na hawak ang chopsticks ko.
"Paki-alam mo?" Ayos din talaga minsan ang kakapalan ng mukha ng isang ito e. Ang galing manira ng sira mo ng mood. Hayyssst
BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Espiritual"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...
