Past nine na nang mapagpasyahan naming umuwi na sa bahay nila. Baka daw kasi malate kami. Kung saan? Hindi ko rin alam.
"Nathan, sa tingin mo, may multo dito?" Curious na tanong ko habang nilalandas ang daan patungo sa bahay nila.
"Meron." Seryosong sabi niya.
"Yah! Your hand!" Reklamo ko nang binitawan niya ang kamay ko at medyo tumigil sa paglalakad.
"Sino yang kasama mo?" He said in the creepiest way he can habang iniilawan ang mukha niya.
"Umayos ka nga Nathan!" Naiinis na sabi ko at kinuha ang ilaw na hawak niya.
"Sinong Nathan?" Ang creepy ng bulong niya huhuhu! Kahit alam kong si Nathan ang kasama ko at inaasar lang ako, hindi ko maiwasang kabahan. Biglang may kamay na gumapang sa kabila kong balikat.
"Ano ba, Nathan! Hindi na kasi nakikipagbiruan!" Inis na sigaw ko sa kanya at padabog na naglakad pauna sa kanya nang biglang may kumaluskos sa gilid ko kaya napatakbo ako pabalik sa kanya. "N-Nathan naman eh!" Nanginginig na ako sa takot. Oo na, duwag talaga ako sa mga ganitong pagkakataon!
Narinig ko ang mahinang tawa niya habang nakayakap ako sa braso niya. Buset talaga.
"Tara na nga." Sabi niya bago hinawakan ang kamay ko at sabay kaming tumakbo. Naiimagine ko na may ninja na humahabol samin at sinasabayan kaming tumakbo kaya mas hinigpitan ko pa ang hawak kay Nathan. Nagpapadala lang ako sa pagtakbo ni Nathan habang nakapikit ang mga mata ko. Baka kasi paglingon ko biglang may iba pa kaming kasabay tumakbo. Ayoko na huhuhu!
Hinihingal kami pareho nang makarating sa loob ng bahay nila. Nang umayos na ang aking paghinga, pinaghahampas ko siya.
"Nakakainis ka! Nakakainis ka!" Sabi ko pa habang hinahampas siya na sinasalag lamang niya. Sinakal ko siya nang mapaupo siya sa sofa habang tawa siya nang tawa at pinapatigil ako. Magdusa siya!
"*ehem*" napatigil ako sa pagsakal kay Nathan na ngayon ay naghahabol ng hininga niya at ngayon ko lang narealize na nakaupo ako sa tiyan niya habang minamurder siya. Shocks! Naabutan kami ng parents niya sa ganoong posisyon. Sinenyasan naman agad ako ni Nathan na bumaba kaya dali-dali akong sumunod. Napakagat na lang ako sa labi ko at tumungo dahil sa hiya.
Hinila ako ni Nathan palapit sa bagong dating niyang pamilya at binati ang mga ito kaya ginaya ko siya. Waahh! Ang awkward pa rin sa'kin every time na yayakapin nila ako.
"Ate Yen! Parang kanina lang naabutan pa kita sa bahay niyo ah. Sana sinabi mong dito ka pupunta para nakisabay na lang ako sa'yo." Nangaasar na sabi ni Jill at kumapit sa braso ko habang pabalik kami sa sofa. Hindi ko nga expected na pupunta ako dito e hayst. "Alam mo ba ate, ilang beses kong nahuling umiiyak si kuya simula ng nagbreak kayo." Natatawa pang dugtong nito at nakita ko naman si Nathan na pinandilatan siya ng mata.
"Tama na yan, Jill. Wag mong ikwento kay Rayne kung gaano siya kaiyakin, nakaka-turn off." Saway ng Papa nila kaya nagprotesta si Nathan hahaha!
"Papa, hindi naman kasi talaga iyakin si kuya, nagiging iyakin lang talaga siya dahil kay ate Yen." Napatawa ako. Ngayon ko nga lang din narealize na halos every time na nag-aaway kami, umiiyak siya hahaha! Hindi naman maipinta ang mukha ni Nathan.
"Kayong dalawa, wag nyo ngang pagtulungan si kuya, ok? Wag sa harap ni girlfriend na palagi niyang iniiyakan." Saway naman ng mama nila. Nagpout na lang si Nathan, siguro sanay na siyang pinagtutulungang asarin ng pamilya niya. "Mabuti pa, magbihis na kayong dalawa and kuya, pwedeng pakuha ng pagkain sa kotse?" Tumalima naman agad si Nathan at isinama ako palabas. Mabuti naman naisipan niyang isama ako, hindi ko ata kakayaning makipagkwentuhan sa pamilya niya na parang normal lang ang lahat.
BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Espiritual"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...
