Trouble 30: La Luna Sangre Episode of Them

173 15 0
                                    

"What are you doing here!?" Inis na tanong ko nang makita ang pagmumukha ni Chris Gabriel sa sala namin na at home na at home habang kumakain ng cookies.

"Good morning miss sungit." Masayang bati nito na parang hindi narinig ang tanong ko. Nakahiga siya sa mahabang sofa habang nakataas ang paa sa sandalan at relaxed na relaxed. Srsly. Ang kapal talaga ng mukha ng isang ito.

"Pinalayas ka ba sa bahay niyo at nandito ka na naman!?" Naiinis ako sa pagmumukha niya kaya itinulak ko siya paalis ng sofang hinihigaan niya.

"Aw. That hurts babe." Mas nainis pa ako nang ngisihan niya ako. Ang sarap niyang iuntog nang paulit-ulit sa sa sahig na inuupuan niya ngayon.

Umalis siya agad kahapon nang walang pasabi matapos kong mag-effort sa paghahanda kung paano ko siya haharapin matapos ng pangyayari noong umaga tapos hindi naman pala siya dito maga-almusal tapos heto na naman siya ngayon, guguluhin ang buhay ko at sisirain ang araw ko. Gusto ko siyang patayin in the most brutal way.

"Yen! What are you doing!?" Napatigil ako sa akmang paghampas ng bagay na hawak ko kay Chris na nakahanda na para salagin ang pag-atake ko nang dumating si mommy na may dalang tray ng pagkain.

"May langaw kasing nakapasok sa bahay. Lamuyon? Ang sarap niyang hampasin nang paulit-ulit hanggang mamatay siya." Sinamaan ko ng tingin ang nakangisi nang muli na hayup na Chris Gabriel. Naiirita talaga ako sa pagmu-mukha niya.

"Manners, Yen." Napairap ako sa sinabi niya. Manners!? Mukha bang may manners ang lalaking ito? "You should be nice with your guest. Sorry for that hijo." Tf. Karespe-respeto ba ang isang ito!?

"It's okay, tita. Sanay na po ako sa kanya." Ngumiti siya kay mommy na naging ngisi ng tiningnan niya ako. Napataas tuloy ako ng middle finger sa kanya at sinuway ako ni mommy. Pwe! Magkampihan sila! Padabog akong umakyat sa kwarto ko. I'd rather stay there forever than see that jerk.

"Oy! Wala pa tayong napa-practice for Humanities. Bumalik ka rito!" Sigaw niya bago ako makapasok ng kwarto ko. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol sa bagay na iyon. The fvck! Buong sem kong makakasalamuha ang pagmumukha ng asungot na iyon!? Buset talaga.

Got my phone back! Hi, baby. I love you.

Baby, I miss you.

Asan ka? Answer my call.

Jazlyn.

:(

Naiwan ko pala sa kwarto ko ang phone ko at ngayon ko lang nabasa ang mga texts ni Nathan. Pagtingin ko sa call log, 24 missed calls. Last missed call was 7:30. Napatingin ako sa digital clock na nasa study table ko, 9am na. Saan na kaya yon? Nireplyan ko siya habang pababa sa living room.

Slr. Naiwan ko kasi phone ko, galing ako sa puntod ni kuya. Kakarating ko lang. I'll call you.

Dialing...

"Good morning." Masayang bati ko pagka-sagot niya ng tawag ko. Sinamaan ko ng tingin si Chris nang sumagot siya ng 'Good morning too.' Nakita naman siguro niyang may kausap ako sa phone.

"Who's this?" Sagot ng nasa kabilang linya. Napakunot ang noo ko at tiningnan kung tamang number ang tinawagan ko. It's Nathan's. Pero babae ang sumagot.

"Nathan's girlfriend. Who.are.you?" May diin sa bawat salitang binitawan ko. Ramdam ko ang pagtitig ni Chris habang umuupo ako sa upuan sa may paanan niya.

"Funny. I'm his fiancé." Maarteng sabi nito. May tumawag bigla sa kanya. "Love, phone ko ba 'yan?" Nathan's voice. Love? "Sino 'yan, Love? Fvck! Bakit mo sinagot!?" Maririnig ang ingay sa background na parang may nag-aagawan ng phone. Ayokong umiyak lalo na sa harap ni Chris. Not now. "Sorry for that, baby."

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon