"'Wag yan, madumihin ang kulay." Puna ni Nathan sa hawak ko kaya binitawan ko na lang. Cute pa naman.
"Eto na lang para kamukha mo." Itinabi ko sa mukha niya ang isang unggoy na stuffed toy para ipagkompara.
Pagkatapos ng kadramahang ginawa namin sa rooftop ay dinala ako ni Nathan sa Blue Magic at pinapipili ng stuffed toy na gusto ko. Pero seriously, lahat ng pinipili ko, ang dami niyang side comments. Gusto ko nang isigaw ang, 'SINO BANG PINAPIPILI MO, AKO O IKAW!?' Nagpapapili pero parang siya naman talaga ang namimili. Nakakaasar e. At pansin ko lang, ang daming word na 'pili' sa paragraph na ito. xD
"Ha ha ha. 'Wag yan, panget." Napairap na lang ako at padabog na ibinaba ang unggoy na hawak ko. Makakasapak ako mamaya ng isa. Niyakap ko naman ang isang baboy na stuffed toy na sobrang cute at lambot.
"May naalala ako sa baboy na 'to ahihihi. Nakita mo ba yung mga baboy sa room ko? Blue magic din 'yon e bigay ni Iyel para daw maalala ko siya palagi. Sobrang taba niya kasi dati parang 'tong baboy na ito lang hahaha!" Every birthday ko ata stuffed toy na baboy ang bigay niya e kasi siya daw yon kaya palaki nang palaki ang ibinibigay niya. Naalala ko pa, dinikitan ko ng wig ang isa sa kanila kasi long haired si Briel para kamukha niya na talaga haha.
"Ahh. Ayaw mo bang palitan ang mga 'yon? Sige." May halong bitterness sa boses niya at hindi siya nakangiti kahit tawang-tawa ako sa sinabi ko. Tinalikuran niya ako at dire-diretsong lumabas ng store. Tingnan mo talaga ang moods wings ng lalaking ito. Gusto ko talagang dagdagan ang sugat sa mukha niya or ibalik na lang ang sugat sa labi niya noong mga nakaraang araw. -.-
"Selos ka?" Curious na tanong ko nang maabutan ko siya.
"Mahal mo ba siya?" Napanganga ako sa tanong niya. Sabi ko kasi sa'yo Rayne, 'wag kang magtatanong dahil tanong lang din ang makukuha mo. I cleared my throat before answering.
"Mahal kita."
"Tapos mahal mo din siya, ganon?" Sarcastic na sagot nito. I slapped him. Kahit ako nagulat sa ginawa ko.
"Hanggang ngayon pala pinagdududahan mo pa rin ako. Hahaha! Dmn it." Akala ko tapos na kami sa issue na ito. Akala ko malinaw sa kanya kung sino si Iyel sa buhay ko. And that guy was dead already for Pete's sake! Napaka-nonsense niya. Iniwan ko na lang siya doon kasi nakakaasar. Nakakafrustrate.
Bakit ba hindi ata matatapos ang isang araw nang hindi kami nagtatalong dalawa!? Nakakairita e.
Nakakaasar! At mas nakakaasar na hindi ko alam kung saan ni-park ni Nathan ang kotse ko. Buset! Bakit kasi ang daming tao dito!? At bakit kasi ang hina ko pagdating sa direksyon!? Hindi ko matandaan kung saan kami pumasok kanina. Kanina pa ako paikot-ikot dito at masakit na ang paa ko.
Pumasok ako sa National bookstore pagkakita ko dito. Kailangan kong kumalma para makapag-focus sa paghahanap kung saan naka-park ang kotse ko.
Dumiretso ako sa crafts and arts section at nagtingin ng mga makukulay na bagay dito. Wala pa pala akong pangregalo sa kanila, ngayon ko lang naalala. Ngayon lang ulit ako magreregalo matapos ang ilang taong pagi-inarte ko kaya siguro naman pwede na kahit hindi ganon mag-effort. Pasalamat nga sila magbibigay ako ng regalo e tch
Minutes passed at wala pa rin akong napipili. Pwede na ba ang journal notebook o planner na lang? Maganda yong journal na walang lines pero maganda rin ang mga nakikita kong planner. Itinaas kong pareho ang journal at planner na hawak ko para pagkomparahin. Arrghh! Huwag na nga lang! Naiinis lang ako lalo na kapag naaalala ko ang pagmumukha ng lalaking 'yon tss
"Oy, Third!" Biglang may umakbay sa akin pagkalabas ko ng bookstore. Lumabas ako na walang nabili kahit ano. "Bakit mag-isa ka? Mukha kang nawawalang kuting." Binali ko ang braso niyang nakaakbay sa akin sa likod niya na nagpadaing naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Spiritual"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...
