Trouble 36: Team Conquest

164 16 0
                                        

Everything went well after that revelation except that I rarely feel Nathan's presence these passed few days. Minsan na lamang niya ako sabayang pumasok and we didn't have any communication except those rare time Jill updated me about him. Kapag kasama ko naman siya, tahimik lang siya na parang tinitimbang palagi ang sitwasyon. It feels like he's being distant to me.

Midterms done. Wala pang resulta at wala akong pakialam sa resulta, okay na sa akin ang makapasa.

Napagkasunduan din ng klase na Audiovisual presentation (AVP) na lamang ang gawing introduction ng bawat group. Kanya-kanyang labas na lang ng creativity kung paano magiging maganda ang avp na may magkakaparehong tanong na kailangang sagutin tungkol sa main theme ng Pool of Talents na ito which is LOVE.

"Where do you want to join, music team or hip hop?" Iyel asked. We're now choosing our part in the whole class performance.

"Are you seriously asking that question?" He just laugh at me as if he knew what would I answer. Funny thing is that we really became friends again. We may not be that close like before but at least we're trying to be.

"Hiphop kami ni Ayen." Sabi ni Iyel sabay taas ng kanyang kamay na tinanguan lamang ng kakambal niya na nasa unahan ngayon. Ibinalik nga pala namin ang tawagan ng nicknames namin noong mga bata pa kami.

"Nangaasar ka ba, Iyel!?" Asar na tanong ko sa kanya na tinawanan lamang niya.

"Ayyyiiieee. Ang sweet ng endearment."

"Awtsu. May nagkakadevelopan!"

"Team AyEl for real!" Napairap ako sa pangaasar ng mga kaklase namin. Tungunu. May boyfriend po ako, bakit nyo naman ako ili-link sa babaerong 'yan!?

"Magsitigil nga kayo!!" Sabay pa naming sabi kaya mas lalong lumakas ang kantyawan nila.

"QUIET!" Malakas na utos ni Christian habang pinipukpok ang lamesa para patahimikin ang mga kaklase ko.

"Oy, joke lang brad. Drums pa rin ako siyempre. Si Ayen baka gusto talaga sa hiphop." Pang-aasar niya pa pero inirapan ko na lamang siya.

"Oy Al, saan ka?" Tanong ko kay Aldrin na nasa may bandang likod ko.

"Keyboard." Sagot niya habang nakahalumbaba sa table niya at nilalaro ang ballpen niya. Napasimangot ako, gusto ko sanang magkeyboard na lang kaso priority nila sa music team ang banda ng klase kaasar tsk

"Ako Rayne, hindi ako tutugtog. Kung gusto mo ikaw na lang sa lead guitar." Suggestion ni Sean. Sounds good kesa naman ipain ako ni Iyel sa hiphop. Hindi nga ako marunong sumayaw, tapos hip hop? Makakasira lang ako sa kanila.

"Lead ako." Sabi ko kay Christian na tinanguan niya lamang at nagsulat nang muli. Mabuti na lamang pala duo ang nabunot ko, pwede kasing mamili ng position ang mga solo at duo tsaka ang Igknights. In the end, apat na vocals ang napili, dalawang babae at dalawang lalaki which are, Kim, Lianna, Sean at Christian. Tapos rhythm si Cedric at Iyel then I and Al for melody. Igknights pa rin naman, nadagdagan lang ng mga babae. The rest are in charged with their choreography. This will really be a tiring second sem.

Pagkatapos ng meeting ay napagdesisyonan naming humanap ng magiging regular practice venue namin kaya magkakasama kami ngayon dito sa lagoon. Yes, napilitan si Iyel na papasukin sila sa tambayan niya kaya hanggang ngayon ay yamot pa rin siya, ako kasi ang nagsuggest. Nyahaha!

"Okay team! Gather muna tayo saglit before we start our first practice in this beautiful place na ipinagdadamot ni Chris." Sabi ni Kim na nakatayo sa platform sa gilid ng lagoon kaya lumapit kami sa kanya. Sinenyasan niya kaming maupo sa damuhan at kami namang mga uto uto ay sumunod. "First of all, I want to acknowledge the presence of every person who's here. So now, I officially declare that this place is ours." Everyone rejoiced except for Iyel. He didn't say a thing pero bakas sa mukha niya ang hindi pagsangayon sa sinabi ni Kim pero wala siyang magagawa.

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon