"What's your greatest fear, Ayen?"
"To be left behind." I whispered. "You?"
"Wala. Anak kasi ako ng Lord." Natatawa at may halong kayabangang sabi ni Iyel kaya napairap ako. "Why would you be afraid if He already said, 'Fear not, for I am with you; Be not dismayed, for I am your God.'?"
God.
I'm not questioning His existence anymore. Wala din naman akong mapapala sa pagkwestyon sa kanya kundi ang makasira ng relationship ko sa ibang tao.
Mas palaisipan sa akin kung gaano Siya ka-powerful. Hanggang saan ba ang kaya Niyang gawin para pabalikin ang mga taong minsan na Siyang pinagsilbihan? Hanggang saan ang kaya Niyang gawin para iligtas ang sangkatauhan? O hanggang saan ang kaya Niyang gawin para patunayan ang pagmamahal Niya sa bawat isa?
Gusto kong itanong sa mga tao sa paligid ko pero natatakot ako. Hindi ko alam kung anong pumipigil sa akin para kilalanin pa Siya in a deeper way. Sapat na naman siguro ang pananahimik at pakikinig sa mga alagad Niya at ang minsang pagbuklat at pag-aaral sa Bibliya.
Siguro dahil naninibago lang ako sa mga pinapagawa sa akin upang mas makilala pa Siya pero makakasanayan ko rin sa paglipas ng araw.
"Prove it then." Sagot ko kay Iyel at hinila siya sa may wooden hanging bridge na makitid lang at isang maling tapak mo lang ay mahuhulog ka. Malalim at may kalumaan na rin ang tulay na ito pero nakakasiguro naman akong hindi ito bibigay.
Tiningnan ako ni Iyel na parang waley na joke ang sinabi ko pero tinaasan ko lang siya ng kilay at itinulak-tulak siya palapit sa hanging bridge.
"Wala kang kinatatakutan di ba?" Paghahamon ko pa sa kanya kaya hindi maipinta ang mukha niya. Napaka-priceless hahaha!
Wala siyang nagawa kundi ang dahan-dahang manulay habang maingat ang bawat tapak at mahigpit ang kapit sa lubid. Napapansin ko rin ang panginginig ng tuhod niya.
"Waaaahhhh!" Sigaw ko kaya napalingon siya sakin na hindi umaalis sa pwesto ko kanina.
Click!
Ang epic ng mukha niya nang makuhanan ko siya ng picture. Iniisip ko na kung ibebenta ko ito sa mga babae niya, yayaman siguro ako hahaha! On the second thought, wag na lang pala, mas gusto kong ako lang ang nakakakita na ganito siya.
"T-tama na, Ayen!" Pagmamakaawa niya nang tumapak na rin ako sa hanging bridge at niyugyog ito. Tawa ako nang tawa sa reaction niya kaya hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin at niyakap ako kaya muntik na kaming matumba.
"Yah! Baka mahulog tayo!" Hindi ako takot sa mataas na lugar since I overcame it already with the help of some friends.
"I won't mind falling if you will fall with me."
"I-Iyel." Ang higpit ng yakap niya at nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Ganon ba siya natakot?
"Let it be. Just fall for me." Bulong niya pero sapat na para unti-unting mawala sa normal na tibok ang puso ko.
Bakit iba ang interpretasyon ko?
"Sorry. Gusto ko lang malaman kung hindi ka na takot sa matataas na lugar." Ginulo niya ang buhok ko pagkalayo niya sa'kin.
"Hindi ako takot sa matataas na lugar basta may harness. But I think kaya ko nang tawirin ang tulay na ito ngayon. I'm not afraid anymore." He smiled at me at nagpatuloy na sa paglalakad, this time with me.
Sa dulo ng hanging bridge ay naghihintay ang isang helicopter sa landing area nito at ang isang magandang paraiso.
Green. Forest. Nature. It's relaxing. Hindi ko naiwasang mamangha at kuhanan ng pictures ang bawat sulok nito. Mabuti na lang pala dinala ko ang DSLR ko. I took selfies too and of course, pictures namin ni Iyel together sa phone ko.
BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Spirituale"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...