"Greater love has no one than this: to lay down one's life for one's friends. (John 15:13)"
Lumitaw si Chris sa screen na sobrang lapit ng mukha habang inaayos ang buhok na akala mo'y salamin ang kaharap niya sabay ngiti nang napakalawak kaya nagtilian ang mga kakabaihan sa loob.
"Hi everyone!" Hawak ni Chris ngayon ang camera habang nililibot ang paborito niyang lugar, ang lagoon.
"Hi Chrrriiss!!" Sagot naman nila kahit sa video presentation lamang naman sila nito binati. Wala, gwapo e. Kinagat ni Chris ang labi niya sabay kindat kaya nagtilian na naman sila at napatawa naman siya na parang ini-expect niya na ganoon ang magiging reaksyon ng mga kababaihan sa ginawa niya.
Inagaw ni Rayne ang camera kay Chris at siya naman ang naging focus nito. Ito yung mga panahong good mood si Rayne at sinakyan niya ang trip ni Chris. Nagpa-cute si Rayne sa camera kaya naghiyawan din ang mga kalalakihan at natawa siya sa pinaggagawa niya kaya kahit ang mga babae ay natuwa sa kanya. Minsan lang ngumiti si Rayne at marahil ito ang unang pagkakataon na nakita nila itong hindi nakakatakot.
"Annyeong." Bati ni Rayne gamit ang cute niyang boses.
"Kyoti ni Rayne!"
"Ang cute ng soft side niya!"
"Bagay sila! Potek!"
"Kakainlove pare!"
Kanya-kanya na namang komento ang mga estudyante. Ngunit sa isang banda ay naroon ang kanyang mga magulang habang emosyonal na pinapanuod ang avp nila. Ibang-iba ito sa Rayne na kasama nila sa bahay. Ibinaba ni Rayne ang camerang hawak niya at ngayon ay nakasteady na at kita na silang pareho ni Chris.
Tumikhim muna si Chris bago nagsalita. "Ang totoo niyan, wala talaga kaming plano for this audiovisual presentation kaya hindi ito bongga katulad ng sa mga kaklase namin. Ahmm wala kasi kaming maisip gawin at sobrang kj ng kapartner ko --- aww!" Napahimas siya sa brasong sinapak ni Rayne kaya nagtawanan ang mga nanunuod. Same old Rayne.
"Wanna know a story?" Baling ni Chris sa camera. "We'll tell you one." Namatay ang camera hudyat na narration na lamang ang mangyayari.
Lumabas ang mga pictures nila simula noong bata sila habang nagkukwento siya.
"Awww! Cute!"
"Childhood sweethearts!"
"May past pala sila. Grabe!"
"Sweet!!"
Sari-saring komento ang maririnig mula sa mga manuuod habang nagpi-play ang slideshow ng mga pictures nila.
"According to the seven environmental principles of nature, it is said that the only permanent thing is change. Changes." Sila nang dalawa muli ang nakikita sa LED screen habang naka-indian seat sa pavement ng lagoon. "We were not exempted to that thing. See those pictures earlier? Those were the times when we were still best of friends when we were young but because of changes, it faded." Napabuntong hininga siya pero naka-ngiti pa rin. Masyadong overwhelming ikwento ang nakaraan nila.
"Hey! Why are you talking about changes when out topic is about love?" Reklamo ni Rayne kaya napaisip bigla si Chris at parang narealize niya naman agad na tama siya. Napatawa ang mga nanunuod, ang cute nilang dalawa habang hindi alam kung anong sasabihin, they were really not ready for this.
"Fine. What is Love for you, Ayen?" Tanong ni Chris kaya natigilan si Rayne. Love? Ano nga ba ang love?
"Love? For me it's just a trouble that hurts many people. Because of that so called love, we couldn't avoid being hurt and we couldn't avoid hurting others. Because of that love, we can feel the pain." Wala sa sariling sagot nito. Sa totoo lang, ito ang matagal na niyang pinaniniwalaan. Love is a trouble and because of that trouble, she was ruined. "What about you, what is love for you?"
BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Spiritual"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...
