Rayne's
Nandito kami ngayon ni Nathan sa Zone para mag-practice. Since malapit na ang 'paghuhukom' kung saan makikipag-laban ako para madefend ang position ko, napagdesisyonan naming magpractice pagkakatapos ng klase namin. Si Nathan ang naging sparring buddy ko.
"Suko ka na?" Naghahamong tanong ni Nathan. Ang strikto niya kasi kapag ptactice e, nawawala ang pagka-light ng ugali niya. "Hanggang dyan ka na lang ba? Nasan na ang malakas na Rayne na kilala ko?" Pinipikon niya talaga ako kaya nilabanan ko siya.
Dine-depensahan niya ang sarili niya habang ako, sugod nang sugod. Pabilis nang pabilis ang mga atake ko hanggang sa nakita kong nakabukas ang depensa niya. I took that opportunity to knock him out. Habang sinasalag niya ang mga atake ko, pinatid ko siya. Gamit ang isa kong paa, mabilis kong kinawit ang paa niya kaya natumba siya. Success ang plano haha!
Hindi siya bumangon, marahil napagod na din siya dahil kanina pa kami nagi-sparring dalawa kaya humiga din ako sa tabi niya. I used his one arm as my pillow at tinitigan siya. Ang hot niya lalo kapag pawisan. Boyfriend ko na talaga ang lalaking 'to?
"Ang ganda mo pa rin kahit haggard ka na." He said as he pinch my nose. Mas lumapit ako sa kanya at niyakap siya. We're alone lying down on the center of this training area. "Ang ganda ng labi mo, ang ganda ng ilong mo, ang ganda ng mata mo, even yang buhok mo. Maganda ka ba talaga o nagagandahan lang ako sa'yo dahil mahal kita?--- aray!" Kinurot ko nga. Daldal masyado e.
"'Wag kang maingay. Gusto kong mag-pahinga dito." Sabi ko as I close my eyes. Naintindihan naman niya na napagod ako and he kissed my head before he hugged me.
"I love you, baby."
Naalimpungatan ako nang may marinig na nag-eensayo sa hindi kalayuan samin, medyo malakas lang ang bawat suntok niya sa punching bag. Kakalubog pa lang ng araw at pagtingin ko sa tabi ko, isang poging nilalang ang nasilayan ko. Napangiti ako. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo. Palagi niyang ginagawa sakin yon, it's my first time to kiss him on his forehead. I love you too, baby.
Naalimpungatan ata siya sa ginawa ko pero nang makita niya ako kahit medyo nakapikit pa siya, ngumiti ito.
"Good morning, baby." Medyo husky na sabi ni Nathan.
"Sira, gabi na kaya. Magpalit ka na ng damit, natuyuan na tayo ng pawis." Pero imbes na tumayo at sundin ako, umupo lang siya at iniharap ako sa kanya saka ako niyakap. Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Mukha siyang sawa na nakapulupot sakin. Napatawa na lang ako kasi ang awkward ng posisyon namin.
"Sweet nyo ah." Biglang may nagsalita sa gilid namin kaya napahiwalay si Nathan sakin.
"Charm." Si Mikhaila, ang leader ng gang namin. Napatayo ako habang si Nathan parang wala pa rin sa wisyo at nakatungo lang, parang anytime matutulog na naman siya. Ganon ba siya napagod sa training namin?
"Hi Third, hi Four." Bati samin nito. Siya pala ang nagpapraktis kanina. Wag niyo isipin na madilim dito dahil all white ang 3/4 ng wall nito at ang isang side ay glass. Para lang siyang isang malaking training gym at sa mga gilid nito ang mga gym equipment, sa gitna pwede kang magpractice ng mga martial arts na gusto mo.
"Na'san si Uno?" Tanong ni Nathan na ngayon ay nakatayo na at hawak ang kamay ko. Napatingin si Charm don kaya inalis ko ang pagkakahawak niya sakin.
"Well, I don't know. Perhaps, busy doing his paper works or their business." Inis na sabi nito.
"Ganon ba? Gusto mo ba samahan ka namin dito? Para hindi ka nag-iisa." I offered. Napatingin sakin si Nathan kaya tinaasan ko siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Spiritual"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...
