Trouble 12: IgKnights

323 26 4
                                    

Chris'

Nandito kami ngayon sa ECCESS office, tambayan nila. Dito na rin ako tumatambay, simula nang huling nag-usap kami ni Rayne sa lagoon, hindi ko na binuksan yon. Ayoko lang maalala ang mga nangyari pero heto ako, kahit malayo na sa lugar kung saan ipinamukha niya sakin na wala na lang ako sa kanya, naaalala ko pa rin ang eksenang yon.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Lalim ng buntong-hininga natin ah. Hindi ka ba masaya na kapartner mo ang labidabs mo?" Pang-aasar ni Sean na kakapasok lang ng headquarter.

"Ikaw masaya ka ba na mag-isa kang magpi-perform?" Balik na pang-aasar na tanong ko sa kanya.

Ganon pa rin naman lahat, pero hindi na ako lumalapit kay Rayne. Masakit kasi kapag ipinapamukha sa'yo ng isang tao na hindi ka niya kailangan e.

"Oo naman. Hiniling ko kaya na masolo ko ang stage hahaha." Mayabang na sagot nito. Napa-shrug na lang ako. "Ikaw, hindi ka ba masaya?" Tanong nyang muli. Kaming dalawa pa lang ang tao dito dahil bumibili pa sila ng pagkain namin.

"Neutral lang." Nakangising sabi ko. Part of me was happy dahil makakasama ko siya nang matagal bago ako umalis pero may part din sakin na ayaw mag-take ng risk dahil tatapusin ko na lang ang sem na ito at lilipad na papuntang US. Si Christian pa lang ang may alam na aalis ako at wala akong planong sabihin sa kanila na aalis ako.

"NANDITO NA ANG PAGKAIN!" Masayang sabi ni Cedric na kakapasok lang kasunod ang iba pang miyembro ng banda. Lahat sila nakipag-fist bump sa akin maliban kay Christian na tinanguan lang ako. Hindi naman kasi kami ang magkapatid na sobrang close, barkada kami pero katulad ng posisyon namin sa banda, nasa likod lang ako palagi at siya ang bida. Hindi ko siya ganon kinakausap, kung ano lang alam ng banda, yun lang din ang alam niya tungkol sakin maliban na lang sa pag-alis ko at kay mama. Pero alam nilang kambal kami.

Pagkatapos magpray ni Christian, sinimulan na rin naming kumain.

"May cell group daw mamaya after class sabi ni kuya Ethan." Sabi ni Sean habang kumakain. Si kuya Ethan ang cell leader ni Cedric at Sean. Ewan ko rin kung bakit niya kami cini-cell e magkakaiba na naman church namin. Nang buhay pa kasi parents ko, sa church din nina Sean ako umaattend kasama sina Rayne, Sunday Schooling lang kami non pero since kina Christian na ako tumitira, ibang church na rin ang pinupuntahan ko. The other one was Catholic. We're five in the group.

Christian Orense, the vocalist of the band, ECESS and Class Presisdent. How did he handle those? Madali lang maging presidente kapag pito ang vice president mo, ikaw lang taga-baba ng instruction at may mag-aasikaso na non. Ez life, credential pa. Bibo e -_-

Sean David Biscocho, the lead guitarist. I think nag-gigitara din siya sa church nila kaya magaling siya. May pagatahimik pero hindi naman kj. Motivator namin.

Cedric Luke Arcega, the bassist of the band. The joker, pinaka-madaldal pero hindi mo mamamalayan, about kay God na pala ang pinapakinggan mong kwento niya.

"Cool, baka time na para mag-open up ang iba dyan." Napatawa ako nang mahina. Ambading lang magparinig tss

"Ako ba ang pinapatamaan mo Christian?" Naghahamong tanong ni Aldrin

Aldrin Lee, Keyboardist ng banda. Pinaka-tahimik, pinaka-kj, pinaka-masungit. Kung ako maloko, siya yelo. Counterpart ni Rayne -_- minsan lang magsalita at ngumiti pero kapag nagsalita naman parang matanda sa dami ng pinaghugutan. Emo ng barkada.

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon