"For unto us a Child is born, Unto us a Son is given; And the government will be upon His shoulder. And His name will be called Wonderful, Counselor, Mighty God, Everlasting Father, Prince of Peace."
(Isaiah 9:6)
❄❄❄❄
Dalawang oras ang itinagal ng performance nina Chris at sa dalawang oras na 'yon, halos mabingi ako dahil sa ingay ng crowd. Nagtataka nga ako kung bakit hindi gumuho ang lugar na ito or kung bakit walang na-report na nahulog sa tubig e ang gulo nila lalo na nang mga kantang pamasko na ang kinakanta nila, may mga nagtatapon pa talaga sa stage ng pera. Hindi ko naman agad nakuha na mangangaroling lang pala talaga sila dito tsk.
"Mga pre, kina Jazlyn kami magpa-pasko gusto niyong sumama? Welcome lahat don tsaka kasama si Al." Gusto kong kurutin nang mahigpit si Nathan nang inanyayahan niya ang Igknights sa bahay na parang kanila iyon habang nagpa-pack up sila ng gamit nila. Gusto ko mang gawin, but that's the only reason why we stayed, because he wanted to invite them. -.- And here I am silently wishing that they would refuse his proposal. 'Pasko'. They also need to be with their family.
"Gustuhin ko man pero family day kasi namin e. Sa bahay ako magpapasko." Sagot ni Sean pagka-sukbit ng gitara sa balikat niya at nginitian ako.
One down.
"Me too. May family gathering din kasi kami." Sabi ni Cedric.
"Hindi rin ako pwede." Sabi namin ni Orense nang makalapit din sa amin. Pinipigilan ko ang pagngiti dahil hindi sila pupunta. Ayoko kasi sila doon. Ayoko na nga sa event na 'yon dadagdag pa sila.
Tinalikuran ko na sila at pumasok sa loob ng TriNoMa. Tae na naman kasi, ano bang naisipan ng mga magulang ko at pumayag silang gawing party venue ang bahay namin? Akala naman nila nakakatuwa tss
Mabuti na lang at hindi sila sumama. Si Al, well, part na siya ng family ni Nathan kaya understandable naman na kasama palagi siya even sa mga gatherings. They were childhood best friends anyway.
Pero ang mas nakakapagpa-init ng ulo ko ay ang pag-payag ni Chris. Like seriously, sa dinami-dami ng miyembro ng IgKnights bakit siya pa ang may kakapalan ng mukhang sumama!? Ano? Wala siyang pamilyang uuwian, ganon? Edi sana nakipag-landian na lang ulit siya sa mga babae niya total pasko naman e, malay natin may mabuo sila. Gawin niya lahat 'wag lang ang pagsama sa bahay namin. Kairita e.
"Baby, ang tahimik mo." Puna ni Nathan habang nasa byahe kami pauwi. Sinulyapan ko lang siya at ibinalik ang tingin sa labas. "Baby, galit ka?" Hinawakan niya ang kamay ko habang nagpo-focus sa pag-drive at pasulyap-sulyap sakin.
Napabuntong hininga na lang ako nang halikan niya ang kamay ko sabay hingi ng sorry kahit wala naman talaga siyang ginagawang mali. Pumayag din naman ako thinking na hindi sila sasamang lahat. Stupid me.
"I'm not. May iniisip lang." Wala naman talaga akong karapatang magalit kahit inis na inis na ako, ayoko pa ring masira ang gabing 'to.
"Oh, hi Rayne. Nagsisimula na ang program sa likod." Salubong sa akin ng mama ni Nathan pagkapasok ko sa bahay at nakipagbeso. I just awkwardly smiled at her.
Obviously, nagsisimula na talaga dahil pagpasok pa lang namin ng gate ay naririnig na namin ang tawanan na nagmumula sa likod ng bahay. I guess they're playing some parlor games or whatever. Christmas party nga di ba? What do you expect?
"Mama!" Masayang bati ni Nathan pagkakita sa mama niya. Pumunta pa siya sa likod nito para yakapin at halikan ito. Napairap na lang ako, parang bata talaga tss. Mama's boy. Kundi lang talaga siya cute. Ewan ko ba, kapag si Nathan ang gumawa ng isang bagay kahit nakakahiya para sa iba, nagiging cute pagdating sa kanya.
"Kasama pala namin si Al. Andd.. That one is Chris Castillo." Dagdag pa nito habang nakayakap pa rin sa mama niya at nakaharap sila sa amin nina Al.
BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Spiritual"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...