Trouble 2: First Encounter

422 20 6
                                    

Nasa 4th floor ako ngayon sa may emergency exit. Dito ako madalas tumambay dahil peaceful at mahangin. Wala ding pumupunta dito dahil rooftop na yung sunod na floor at restricted area na yon.

Pinagmasdan ko yung lagoon sa baba na tanaw na tanaw mula sa kinauupuan ko kahit may glass wall pa sa harap ko.

Bahagya akong napangiti sa alaalang pumasok sa isip ko. My first encounters with Chris.

Flashback
(Freshman, mid-2nd sem)

"Rayne, wag na wag kang makikipag-away." Nagbabantang saad ng daddy ko.

"I'll try."

"Anong-" lumabas na ako ng kotse nya bago pa sya makapag-react.

Another school again. Sanay na naman akong mapatalsik ng school nung high school at nadala ko pa ngayong college.

But I want something different this time. Gusto kong magtapos ng college sa school na 'to not because I want to but because I swear that this would be the last time na lilipat ako ng school. Maliban kasi sa nakakasawang maging transferee e ayokong mapatapon sa malayong lugar para lang magtino katulad ng plano ng magulang ko.

Medyo maaga pa para sa unang class ko kaya naghanap muna ako ng bagong matatambayan. Nakarating ako sa likod ng building namin kung saan may lagoon. Ang presko sa pakiramdam dahil parang nasa isang park lang ako, para syang mini artist's haven sa Luneta Park tapos ang nasa pinaka-gitna ay lagoon imbes na malaking puno.

"Aahhh." Bigla akong naalarma ng makarinig ng isang impit na boses dahil walang ibang tao dito kundi ako.
"T-tulong"

Hindi kaya may mga ligaw na kalukuwa dito kaya kahit maganda ay walang tumatambay? Shems. Kinilabutan ako sa thought na pumasok sa utak ko though hindi naman talaga ako matatakutin.

"A-aahh." W-white lady? Diba 'awuu' yung sinasabi ng white lady? Kingna lalaki yung boses e ano yon baklang white lady? Kapre? Maligno? Kngna talaga tanghaling-tanghali ay minumulto ako.

Hindi ko pa rin nililingon yung tumatawag sakin nang biglang may kamay na humawak sa balikat ko—duguang kamay kaya napatili ako at napaupo sa pavement sa lagoon.

"Wag pooo! Shet! Kingna! Lumayas ka sa harap ko kundi gugulpihin talaga kitang multo ka! H-hindi ako natatakot sayo!" Kahit nasa sulok pa rin ako at nangangatog. Sanay akong makipag-away pero first time kong makakaencounter ng multo bes!

Biglang bumagsak yung multo sa harap ko. "T-tulong. P-please."

Napa-angat ako ng ulo at nakita ang isang duguang lalaki. Duguan yung mukha nya kaya nagpanic ako.

"D-dadalhin kita sa clinic." At dali-dali akong lumapit sa kanya para alalayan siya.

"W-wag!" Bigla siyang umupo sa gilid ng lagoon. "H-hindi pwedeng may iba pang makakita sakin na g-ganito. P-please dalhin mo ako sa ospital."

"W-what!? Baliw ka ba? Malayo ang ospital sa school na 'to at wala akong kotse! Dadalhin na kita sa clinic." Pagpupumilit ko kesa naman maubusan sya ng dugo dito, hindi pa naman tumitigil sa pagdugo yung temple nya.

"Hindi pwede! Sira na nga yung mukha ko, masisira pa yung image ko? No.way! Dalhin mo na lang ako sa ospital, pwede mo na akong iwan don. Please."

"Ina ka! Bahala kang matuyuan ng dugo dyan, hindi naman kalakihan yung sugat mo sa noo at kamay. Napaka-oa mo. Hmp!"
Nakita kong mangiyak-ngiyak na siya na parang nag-mamakaawa.

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon