Mabilis lumipas ang mga araw simula ng pununta ako sa bahay nina Nathan sa Batangas. Nagdinner ako doon kasama ang mga kamag-anak niya. Somehow I felt like I belong to his family already.
Midterms is approaching at nandito ako ngayon sa isang study haven kasama si Nathan para magreview. Ayaw niyang pumayag na magrereview akong mag-isa dahil matutulog lamang daw ako kaya sabay kaming nagrereview, ako para sa midterms ko at sya para sa incoming Intellects Competition niya. Kapag naipanalo niya ito, three consecutive years na siyang champion in national level. Oh yeah, I have a genius boyfriend. *flips mah hair*
Tinuruan niya ako kanina sa lahat ng math at applied science subjects ko at ngayon ay tinambakan niya ako ng mga problem solvings na kailangan kong matapos in four hours without looking in any formulas at walang calculator! Ganon siya kastriktong magturo bes. Sabaw na sabaw na ang utak ko T.T
Calculus na lang ang wala kong sagot at hindi kinakaya ng utak kong alalahanin ang lahat ng formulas ng Integration. Napahalumbaba na lamang ako dahil sa frustration. Bakit ang dali lang kapag itinuturo nila pero ang hirap kapag ikaw na lang ang nagsasagot!?
Pinagmasdan ko na lamang ang lalaking nasa harap ko na busy magcompute without using calculator. Ang gwapo niya lalo na kapag kumukunot ang noo niya.
I absentmindedly got my phone and took a picture of him.*click*
Napapikit ako nang tumunog ang shutter ng camera ko. Stupid Rayne. He looked at me and smile as he slightly shook his head. I pretended that I didn't do anything. Nagsulat na lang ako kunwari at pasimpleng itinago ang phone ko. Bakit ba ako nahihiya e boyfriend ko naman yan!? Mukha akong kriminal sa pagnakaw ng picture niya ha.
Maya-maya pa ay naramdaman kong tumabi siya sa akin kaya umusog ako palayo sa kanya pero hinuli niya ako at inilapit sa kanya. Nakayakap na siya ngayon sa tagiliran ko.
"Miss mo na ako no?" Nangaasar na tanong niya kaya inirapan ko siya.
"Bakit namimiss kita kahit kasama naman kita?" He said as he hug me."Kasi wala naman sa'kin ang attention mo." I sounded bitter. Pero totoo naman! Puro siya aral!
"Don't worry, this would be the last time na sasali ako sa Intellect's." Napatingin tuloy ako sa kanya. Wala akong masabi, mukha lang akong isda na ibubuka ang bibig tapos isasara lamang ulit. That's his dream! Hindi ko naman siya pinapatigil.
"Itikom mo 'yan bibig mo. Halikan kita dyan e." Utos niya pa kaya napaiwas ako ng tingin.
"Hindi naman kita pinipigilan sa acads mo ah." Atlast nasabi ko rin. Nabaling sa akin ang atensyon niya na kanina ay nasa answer sheet ko.
"Hindi nga but I want to. Ayoko ng feeling na parang ang layo mo sa'kin kahit malapit ka lang naman. Sobrang namimiss kita." He said as he caressed my face. Napangiti na lang ako. Hindi ko napigilang halikan siya sa pisngi na ikinabigla niya. Minsan talaga mukha kaming new couple.
Chineckan niya muna ang mga papel ko at itinuro ang tamang sagot sa mga mali ko tapos itinuro niya ulit sa'kin ang Integ. Oh I hate this subject.
Nasa gitna ng page-explain si Nathan nang tumunog ang phone ko. Nag-gesture ako ng 'sadali lang' sa kanya bago sinagot ang tawag and it turned out na si Chris pala.
"Where are you!?" May halong inis sa boses niya.
"Nakikipag-date. Why?" Pinapanuod lang ako ni Nathan habang kausap si Chris sa kabilang linya.
"ANONG NAKIKIPAG-DATE!? NAUNA MO PANG MAKIPAG-DATE KESA SA GRADES MO!?" Inilayo ko ang phone ko sa tenga ko. Ang sakit niya sa tenga.
"Wag ka ngang sumigaw!" Inis na utos ko.
BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Espiritual"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...