Trouble 18: Happy Birthday

164 16 0
                                    


Pinabalik ko si Nathan sa kotse niya. Kailangan na rin naming umalis dito dahil baka maabutan kami ng mga kagrupo ng gang na pinatulog ko.

Nagi-inarte pa siya e. Kesyo hindi daw siya makakapag-drive dahil may sugat ang kamay niya. If I know, ayaw niya lang talagang umalis sa tabi ko. Ilang argumento pa ang nangyari bago siya sumuko at pinaandar ang kotse niya. Sinabayan ko ang kotse niya, just in case. Pero ang bagal niyang magpatakbo. Nang-aasar ata ito e. -.-

Bigla siyang tumigil sa isang tabi nang malayo na kami sa pinanggalingan namin kanina kaya napatigil din ako. Problema ba nito?

Bumaba ako para puntahan siya.

"Babe, dumudugo na naman ang kamay ko." Nakapout na sabi niya. Naawa naman ako bigla.

"Kaya mo pa bang mag-drive?" Umiling lang siya. Nagpaalam ako saglit at itinabi ko ang kotse ko sa daan na pwedeng pagparkingan bago ko siya binalikan.

Pinalipat ko siya ng upuan para ako na ang magdrive ng kotse niya. Babalikan ko na lang mamaya ang sa'kin.

"Baby, hindi ka na galit di ba?" Hindi ako sumagot. "May tiwala ka pa rin sa'kin di ba?" Kanina pa siyang paulit-ulit na itinatanong yan. At kanina pa siya baby nang baby diyan.

"Kapag hindi ka talaga tumigil sa pangungulit diyan hindi na talaga kita papansinin." As if kaya ko haha! Pero nakakaasar na kasi e.



Itinigil ko ang kotse niya sa parking lot ng ospital at pinagbuksan siya ng pinto.

"Nathan, dito ka muna ah. Balikan ko lang kotse ko." Sabi ko habang tinitingnan na ng doktor ang sugat niya.

"Iiwan mo ako baby?" Bakit ba ang hilig magpaawa ng isang 'to!? Parang bata.

"Baby Nathan, nasa tabi ng daan ang isa ko pang baby ok?" Napabuntong-hininga siya.

"No. Stay. Ako na magpapakuha ng kotse mo. Gusto ko, dito ka lang." Niyakap niya ako gamit ang isa niyang kamay at pinaupo sa tabi niya. Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Hindi man lang siya nahiya sa doktor na gumagamot sa sugat niya.

May mga pagkakataong humihigpit ang yakap niya sa'kin. Nakapikit lang lang siya sa balikat ko pero pawis na pawis na. Naawa na talaga ako sa baby ko.

Kinailangan kasing tahiin ang palad niya dahil malalim daw ang natamong sugat nito. Ikaw ba naman kasi ang humawak sa blade ng isang espada tapos hiniwa ko pa siya. T.T
Naguiguilty ako. Gusto kong maiyak. Nagiging iyakin na ako dahil sa lalaking ito.

"B-baby, I'm here ok?" Wala akong masabi para mabawasan ang nararamdaman niya. Pinunansan ko na lang ang butil butil niyang pawis. Hindi siya nagsasalita.

After ilan pang tahi ang ginawa sa palad niya, binendahan at nilagyan ng cast ang kanang braso niya para daw hindi ito mapwersa. Nakangiti na ulit siya pagkalabas namin ng room.

Niyakap ko siya bigla habang nakaakbay siya sakin. I feel so sorry.

"Nag-alala ako ng sobra sa'yo." Kahit ako ang may gawa ng mga sugat mo.

"Tapang ko di ba, babe? Hindi ako sumigaw o umiyak hehe"

"Tss. Oo na." Magkatitigan lang kami habang yakap ko siya sa gilid. Hindi naman kasi pwedeng yakapin siya sa harap dahil nandoon ang kanang braso niya. "I love you." I said those words with sincerity na nagpalawak lalo sa ngiti niya.

"I love more, baby." Then he kissed me on my forehead again.

"Tss. Kailangan lang pala masasaktan ako para mapatawad mo ako e. Next time na mag-away tayo magsu-suicide attempt ako — aray!" Binatukan ko nga. Akala naman niya magandang biro mga pinagsasabi niya.

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon