Trouble 46: Coming Back

214 11 3
                                    

Nagkatinginan kami pagkatapos ng kanta at napangiti sa isa't isa. Nagpalakpakan naman ang mga taong hindi namin alam na nanunuod pala sa amin habang kumakanta.

"Bomoboses si gerpren!" Malokong sabi ng Papa niya kaya napatawa kaming lahat, pinapanuod pala kami ng family niya at hindi ko man lang namalayan na may iba palang tao dito bukod sa amin.

"Group devotion na lang tayo." Excited na sabi ni Jill at itinuro ang notebook at Bible na dala pala ni Nathan, ngayon ko lang napansin.

"Oo nga, kuya. Share mo sa'min devo mo." Nakangiting sabi naman ng Mama niya. Napakamot naman ng ulo si Nathan at parang biglang napressure na nandito ang family niya. Haha!

"Aish! Kay Rayne ko lang ishi-share to eh!" Reklamo niya kaya napatawa kami.

"Gusto rin naming marinig." Pagpupumilit pa nila kaya walang nagawa si Nathan kung hindi umayos ng upo at kinuha ang Bible at notebook na dala niya sa table sa gitna.

"Ayst. Wag nyo akong tatawanan." Banta niya sa pamilya niya at doon pa lang ay natawa na sila kaya napasimangot siya. Pumikit siya saglit at bumuntong hininga.

"Alright. The title of my devotion this morning is Faith Through the Storm." Everyone was quiet as Nathan share his so called 'devotion'.

"Faith. The Bible says, Faith means being sure of the things we hope for and knowing that something is real even if we do not see it. And that same faith, when we were in trials, is being tested, right? And this is the revelation God has given me earlier. So ayon, since ako lang ang may dalang Bible, babasahin ko na lang nang malakas." Sabi niya nang mapansing nakikinig lang kami sa mga pinagsasabi niya.

"I know everyone here was familiar with the story of Jesus walking on the water." Sinulyapan niya pa ako na parang sakin naman niya talaga pinaparating ang mga salitang iyon. But who wouldn't know that? "But let's read it on Matthew 14:22-33. Immediately Jesus made the disciples get into the boat and go on ahead of him to the other side, while he dismissed the crowd. After he had dismissed them, he went up on a mountainside by himself to pray. Later that night, he was there alone, and the boat was already a considerable distance from land, buffeted by the waves because the wind was against it. Ito yung time after nilang magpakain ng thousands of people sa isang remote area using five loaves and two fish. Meaning kakatapos lang magperform ni Jesus ng miracles and the disciples witnessed it at dala-dala pa nila sa bangka ang leftovers na iyon bago sila maghiwalay ni Jesus. Leftovers, hindi iyon ipinadala sa kanila para itapon lang, it is a reminder of the miracles He did.

What I've realized is, we were constantly feed with miracles everyday, we were still blessed kahit hindi natin naaappreciate yon. At lahat ng nangyaring miracles sa buhay natin, those were the leftovers na dapat magreremind sa atin kung sino talaga si Jesus. At noong time na malayo na sila sa pampang, nang hindi na nila kasama si Jesus physically, nang hindi na nila nararamdaman ang presensya ng Lord, doon nila naramdaman ang malakas na hangin at ang alon na bumabagyo sa kanila. Yes, may blessings but time will come that we will be bombarded by problems. We will be tested in life. Ganon kasi yon, parang sa school lang, there will always be a test after the chapter. Kapag madami na tayong narecieve na words from Him, kapag madami na tayong natutunan, it's time for a test. And that test will evaluate kung talagang naabsorb mo lahat ng natutunan mo. And in testing, kahit sa examination sa school, hindi ka papakialaman ng teacher mo, they will only be quiet at hihintaying makatapos ka.

Going back to the story, Shortly before dawn Jesus went out to them, walking on the lake. When the disciples saw him walking on the lake, they were terrified. "It's a ghost," they said, and cried out in fear. Okay aminado na ako na iyakin ako kapag nasasaktan pero hindi ako bakla!" Napatawa kami sa depensa niya. "But imagine these men. Binabagyo sila at madilim ang paligid since gabi pa. Naalala ko nga yung isa dyan, and siga siga pero takot naman sa dilim --- aray!" Sinuntok ko siya dahil alam kong ako ang pinaparinggan niya. Kaines. Napayuko naman ako bigla at nagpatay-malisya ng marealize na table lang ang nakapagitan sa amin ng family niya.

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon