Trouble 20: Confronted

167 15 0
                                    

Pagkauwi ko, nadatnan ko si dad sa sala na hinihintay ako.

"Come with me." Sabi niya bago ako tinalikuran. Bakit ang seryoso niya? Parang kanina lang nakikipagkulitan siya kina Nathan e. Dahil kaya sa pagamin namin kanina? I don't think so.

Tumigil si dad sa harap ng kwarto ni kuya at binuksan yon. Naghehesitate akong pumasok doon. Mas gugustuhin kong pumunta sa puntod niya linggo-linggo kesa pumasok sa loob ng kwarto niya. Hindi ko kayang makita ang mga bagay nagpapa-alala na minsang naging alive ang bahay na ito. Nang huli kasi akong pumasok dito, ang bigat sa pakiramdam. Kahit tahimik dito, hindi ko maramdaman yon. Kaya mas gusto ko sa puntod niya na lang pumunta dahil mahangin, kahit mabigat sa pakiramdam, at least nakakahinga ako.

But part of me says, it's time. It's his death anniversary today and I did celebrate my birthday.

After arguing with my mind, I decided to enter his room. And I didn't expect what I saw. Hindi na siya katulad ng dati. Wala na ang mga gamit ni kuya na naka-display dito. Yung kama na lang at table ang natira.

"We've decided to hide his things. Alam kong iyon din ang gugustuhin ni Zayne. We should all move on."

"Bakit kailangan niyo pang alisin ang gamit niya dito?" Walang buhay kong tanong. Hindi ko magets ang logic niya.

"Your mom always breakdown kapag nakikita niya ang loob ng kwarto ni Zayne but she couldn't help it but to visit his room every morning. Your mom misses him so much. Akala mo ba ikaw lang ang nasaktan nang mawala ang kuya mo? Then you're wrong. I was hurt, too. He's my only son. And your mom was hurt as well. Hindi natin alam kung gaano kasakit para sa isang ina ang mawalan ng anak na inalagaan niya mula sa sinapupunan niya. But we chose to move on. Dahil kahit wala na siya, may reason pa para ipagpatuloy ang buhay. Just like a river, dadaanan lang natin ang mga sitwasyon pero hindi tayo mananatili doon. We have to move forward. I'm telling you this because we want you to move forward, too."

"How can I move forward if I'm the reason why he died?" A tear fell on my eye. Ako naman talaga dapat ang mamamatay noong gabing iyon at hindi si kuya Zayne. Bakit ko nga ba naisip na ang gabing ito ang isa sa pinaka-masayang gabi ng buhay ko? Wala nga pala akong karapatang maging masaya. Kung maging masaya man ako, pandalian lang.

My dad hugged me. "Wala kang kasalanan, princess. Tama na ang paninisi mo sa sarili mo sa mga nangyayari. Everything happens for a reason. Hindi mo man naiintindihan ngayon, someday you will."

Ilan pang pang-aalo ang ginawa ni dad sa'kin bago ako iniwan sa kwarto ni kuya Zayne.

We used to play here kuya. I missed playing chess with you. I missed hearing your stories, even your voice. Nakaka-miss ang mga pangaral mo na akala mo naman matanda ka na ekspiryensado na sa mga bagay-bagay. Nakaka-miss ang mga bondings natin dati. I miss you so much kuya. Sana alam mo.

I went to his cabinet after I calmed myself from crying. There, I saw boxes — kuya's things.

Kinuha ko ang isang box na hindi kalakihan at dinala sa kama niyang wala na ring bed sheet ngayon. Pagbukas ko ng box, I saw his collection of books. Fan siya ni Rick Riordan at updated siya sa mga books niya dati. Nang kukuhanin ko ang isa sa mga books niya, may notebook na nakaagaw ng atensyon ko. Ano 'to?

Nang kuhanin ko, may nalaglag na picture. Picture ni kuya habang naka-akbay sa isang babaeng mukhang anghel na nakabraid ang buhok. Pareho silang nakasuot ng Camp half-blood shirt na kulay orange.

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon