Ako ang aalis ng mga ngising iyon sa labi ni Al. Nakakairita lang makita. Parang kanina lang kasama pa namin siya at ang sweet pa niya. Ito ba ang dahilan? Dahil pati sila magiging kalaban namin? Ang saya naman pala. Sana sinabi na lamang niya para hindi ko nararamdamang tinraydor niya kami.
And this people around us now who happened to be our friends suddenly became our foes. Great.
Nakarinig kami ng isang malakas na tunog ng horn na nagsasabing simula na ng totoong laban. Napaka-unfair. Gusto ko na lang mag-collapse sa sobrang panghihina pero heto ang mas marami pang kalaban na handa kaming patayin anumang oras.
"Rayne, mahal na mahal kita."
"Buset ka Nathan! Mahal rin kita kaya kailangan mong mabuhay." Asar na sabi ko habang inihahanda ang sarili ko. Anong chance naming manalo sa mga ito?
Sabay-sabay silang sumugod sa amin. Niyakap ako bigla ni Nathan at pinayuko. Nakikita ko ang mga nangyayari sa paligid ko kahit yakap ako ni Nathan.
Ang gangs namin ay sinugod kami hindi para patayin kundi para protektahan kami sa mga gang na nasa likod nila kanina. Sila na ngayon ang lumalaban sa ibang gang. Bumwelo sila pasugod sa amin tapos biglang talikod para labanan ang ibang nasa likod nila.
A tear fell in my eye.
Akala ko kalaban din namin sila. But that means they also against the secret organization. Kinakalaban nila ang king and queen and their leaders which are Uno and Charm.
Inilayo kami ni Aldrin at Faye (isa sa mga gangmates ko) sa pinangyayarihan ng gulo. They're protecting us hanggang mapunta kami sa gilid.
"W-what's happening?" Naguguluhan ako. Hindi ko akalaing kakalabanin din nila ang organisasyong naging parte ng buhay nila.
Parehong nag-bow sa amin si Faye at Aldrin na animo'y nagbibigay galang. Mas lalo akong naguluhan. Ano bang nangyayari!?
"Third and Four, kayo ang kinikilala naming leader." Napanganga ako sa sinabi ni Al.
"Yeah. There's no point of being on that org if you're not there anymore. And besides, we don't want to kill innocent people. We want some freedom too." Pahayag naman ni Faye.
"Tngna niyo." Natatawa kong sabi para pigilan ang nagbabadyang mga luha ko habang niyayakap sila. Wala akong masabi. Kahit hindi pa tapos ang laban, tiwala akong mananalo kami. "Thank you." Sabi ko pagkaalis ng yakap ko sa kanila. Ngumiti sila bago bumalik sa pakikipaglaban.
Kung pagbabasehan ang dami, talo talaga kami. Two gangs vs the secret org gangs. Pero hindi sila napasama sa pinaka-maimpluwensiyang gang nang wala lang. They're strong enough to win this battle. They will not be over powered.
Napaupo ako bigla. Ngayon ko lamang naramdaman ang pinaghalong sakit, pagod at panghihina.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Nathan. Hindi lamang pala braso ang napuruhan sa akin, may sugat din ang binti ko. Pero napatitig ako kay Nathan. May sugat siya sa temple at putok ang gilid ng labi niya at dumudugo rin ang kaliwang pisngi niya. Napansin kong may dugo din sa may balikat niya at sa tingin ko na-open muli ang sugat sa palad niya na gawa ko dati. Napapikit ako. Paano mo nagagawang alalahanin ako kung mas malala ang tama mo kesa sa akin?
Hinawakan ko ang mukha niya.
"I'm sorry, baby." Ako na naman ang dahilan kung bakit ka nasaktan.
"I love you na lang sabihin mo baby, mas matutuwa pa ako." Malokong sabi nito. Hinawakan ko ang sugat niya sa gilid ng labi na nagpadaing sa kanya.
"I love you, Nathan." I love you to the point na ayokong makita kang ganyan. It's breaking my heart.
Bigla kaming may narinig na putok ng baril. Patapos na ang laban nila, marami ang nakahandusay na at ang iba naman ay hinihingal na.
BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Spiritual"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...
