Trouble 29: Cheater

144 13 0
                                        

Alas tres na ata natapos ang program nila. Ganoon naman palagi, they will be together for eight effin hours just to celebrate and be merry.

"Sama ka na lang sa akin, baby. Ayoko malayo sa'yo ulit." Sabi niya habang pinaglalaruan ang kamay ko. Magkasama kami ni Nathan ngayon sa may porch, sinusulit ang natitirang oras na magkasama kami. Isang linggo kaming hindi nagkita tapos isang linggo na naman kaming hindi magkikita tsk. Magbabakasyon kasi sila sa probinsiya at diretso na sila doon mamayang 5am.

"'Wag ka na lang sumama. Sunod ka na lang kapag malapit na mag-new year." Suggestion ko at napabuntong hininga naman siya.

"Kung pwede lang sana, baby."

"Pwede naman. Hindi ka nga sumasama dati sa mga ganitong gatherings e. Anong pinagkaiba ngayon?"

"Malaki. Hindi na pwedeng hindi sumama kasi future ko ang nakasalalay." Natatawang sagot nito pero bigla siyang naging seryoso at napako ang tingin sa isang direksyon, sa labas ng gate namin kaya napatingin din ako sa tinitingnan niya.

"Future natin." Pagpapatuloy niya at inagaw muli ang atensyon ko sa pamamagitan ng paghawak sa mukha ko para humarap muli sa kanya.

Pero huli na. Nakita ko na kung ano ang tinitingnan niya. He gave me a sweet smile pero hindi noon mabubura o matatabunan man lang kung ano ang nasasaksihan ko.

Ang dad ko kayakap ang mommy ni Mikhaila. He also kissed her head. Wtf.

"Wala ba kayong balak matulog?" Narinig ko ang boses ni mommy sa likod ko and she's talking to us.

"Mamaya na po tita. Sinusulit lang po namin ang time na magkasama kami." Si Nathan na ang sumagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Mas malapit ako kay dad kesa sa kanya but right this moment I wanted to cry for her. I always talked back when she's lecturing me at si dad ang tagapag-tanggol ko kapag pinapagalitan niya ako. I don't know what to feel for her after what I've witnessed.

Niyakap ni dad si mommy pagkalapit sa pwesto namin at hinalikan ito sa pisngi.

"Hon, bakit gising ka pa? Masama sa'yo ang nagpupuyat at napapagod." Pagpapaalala nito kay mom. Hindi ko alam ang ire-react ko. Tngna parang wala siyang ginawang kagguhan kung makapag-alala kay mommy. Ang galing din ng timing niya e. One minute, magkayakap sila ng mom ni Mikhaila then the next minute, nandito na siya, yakap ang mommy ko. Tngna ang galing, hindi nahuli. Naglaho na ang kotse ng kabit ni dad kasama ang babaeng iyon. Tae

"Chini-check ko lang kung ok pa lahat." Sagot naman ni mommy.

"Kaya na naman namin yon, hon. Lika na, pahinga na tayo. Kayo ring dalawa, magpahinga na kayo." Sabi niya at inalalayan si mommy papasok ng bahay.

So this is the man of God who preached earlier? What a hypocrite.

I can't believe I have a father like him. All my life, I dreamed to have a husband like him someday. Maybe it's true that every secret will be revealed.

"You ok?" Hinawakan ni Nathan ang kamay kong handa nang manuntok ng kung sino man ang mangangahas humarang. Gusto kong magwala. Akala ko ako lang problema sa pamilyang ito. Nakakatawa. Kung kailan sinusubukan kong mag-reach out sa kanila, huli na pala. Sira na talaga ang pamilya namin.

"Umuwi ka na Nathan." Maganda nga sigurong malayo ka muna sa akin. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nalaman kong ganon ka din. Gusto ko munang lumayo ka kesa isipin kong you're also cheating behind my back.

"If you're thinking that I will also do that, then I want to assure you that I love you. Ikaw lang ang mahal ko Jazlyn." Hinaplos niya ang mukha ko as if he's telling that it's me alone for him. "Perhaps you're dad has a reason."

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon