Pumasok ako na medyo mugto ang mata. Nakatulog ako sa kakaiyak kagabi at buti na lang wala ng tao sa bahay nang magising ako. Nag-iwan lang sila ng note sa ref saka pagkain.
"Good morning Rayne!" Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa biglang nagsalita sa tabi ko. Sinamaan ko ng tingin ang ngiting-ngiting si Chris. Sarap alisin ng ngiting yon, gusto kong manapak. "Bad mood? Anyare? Sinong kaaway mo? ... Tss dyan ka na nga! Snowbear!" Sabi niya at nauna na sakin maglakad papasok ng building.
Napabuntong-hininga na lang ako. Gusto kong kahit papano gumanda yung araw ko pero hindi ko alam kung paano. Hindi ako nakapunta sa puntod ni kuya dahil malelate na ako sa unang klase ko, hindi rin ako nakapagdrawing at hindi ko alam kung saan ko ilalabas yung inis at frustration ko.
Nang malapit na ako sa room, may commotion na nakaagaw ng atensyon ko. Isa na namang eksena na pinagbibidahan ni Chris Gabriel tsk.
At dahil gusto kong ilift up yung mood ko, nakisali ako.
"Babe? What's happening here?" Sabi ko pagkalapit sa kanila. May kaharap kasi siya na couple I guess at katulad ng madalas niyang gawin, umieksena siya kapag may nakita siyang nag- PDA, pero buti na lang pala hindi na katulad ng ginawa niya dati sa may lagoon kung sakaling totoo man yon.
This is the right time para bumawi sa lahat ng pambubwisit niya sa akin. *evil laugh*
"Babe? You called me babe?" Hindi makapaniwalang sabi niya tas bigla siyang tumawa. Sa inis ko sa reaksyon niya, sinapak ko siya sa tiyan. Lokong 'to sa halip na gumaan ang loob ko mas lalo akong nabadtrip sa kanya tsk.
"If you want to cheat on me, wag sa lugar na makikita ko ha!" Ha! Wait! Feel na feel ko yung sinabi ko hahaha! Pwede na ako sa drama class lols. Mas epektib yung drama kapag may walkout scene kaya naman dumiretso na ako sa room.
Napangiti ako pag-upo ko. Ang sarap sa feeling gumawa ng eksena kaya naman pala gustong gusto ni Chris umiepal at gumagawa ng eksena. Tsk
Biglang nagvibrate yung phone ko and I saw Nathan's picture on the screen kaya mas lalong lumawak yung ngiti ko. Sinuot kong muli yung headphones ko at nagtungo sa may bintana.
"Yow! Good morning!" Kahit nasa kabilang linya, alam kong nakangiti siya.
"Good morning Tantan."
"Stop calling me Tantan. Ambading pakinggan. Hindi na ako bata." Ewan ko, pero siguro dahil kilala ko na siya kaya alam kong naka-pout siya sa puntong yon. Haha!
"Cute kaya!"
"Whatever. So.. Bakit ang saya mo ata?" Tanong niya
"Not really. May sinubukan lang ako and then boom! Ang saya pala." Natatawa-tawa kong sagot.
"Aww. It hurts. Hindi na ako yung nakakapag-pasaya sayo." Malungkot na sabi niya
"Is it a big deal? Tsk Kailangan ko lang kasi ng pampa-good vibes."
"Why? Something happen?"
"As usual, family thing." Sabi ko at napabuntong hininga. Buti na lang talaga nag-eexist si Nathan. May napapaglabasan ako ng sama ng loob minsan kaso hindi ko naman siya palaging kasama kaya medyo nami-miss ko rin siya.
"Ok ka lang ba? Puntahan kita dyan. I can sense that you need me." Tapos may nagtanong kay Nathan kung saan siya pupunta sa kabilang linya. "I'll be there in 15 mins."
"Are you going to ditch your class to get here?" Hindi makapaniwalang tanong ko. May pagka-gc yon e.
"Yeah."
BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Espiritual"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...