Trouble 5: Third

289 21 1
                                    

Napa-awang yung bibig ko sa sinabi niya. Siya? May ari ng school na 'to? Nag-papatawa ba siya!?

"Okay, that's insane. Don't expect me to believe that." Tumingin ako sa wrist watch ko. "5 mins na lang magri-ring na yung bell. Una na ako sa'yo." Sabi ko at iniwan na siya don.

"Yah! It's true! Why don't you believe me? I'm telling the truth! Itanong mo pa sa tropa ko." Sabi niya nang maabutan niya ako. At ipinaglalaban niya talaga yon habang naglalakad kami papunta sa room namin, nag-eskandalo na naman siya kaya isinuot ko na lang yung headphones ko bahala siya dyan.

Nang malapit na kami sa room namin, bigla niya akong inakbayan, yung nakakasakal na akbay. Inipit niya ako sa underarm niya. Muntik na akong matumba sa ginawa nya, natanggal din ang headphones ko.

"Get off me Chris Gabriel! Yah! You wanna die!?" Naglalakad kami sa hallway na ganon yung posisyon, hindi pala naglalakad ang tamang term, siya, naglalakad habang ako, kinakaladkad niya.

"We're friends, right?" Sabi niya.

"Friends your face!"

"Okay, I wont let you go." Tsaka niya ginulo yung buhok ko.

"The ef!"

"Ano, friends or not?" Tanong niya ulit nang nasa may pinto na kami.

"Argh! Fine!" Sabi ko na lang para bitawan na niya ako. Hinampas ko yung kamay niya na iginulo na naman niya sa buhok ko at tinalikuran na siya don.

Pagkapasok ko sa room namin, bigla akong tumigil at hinarap siyang muli. Nginitian ko siya at pinalapit sakin, lumapit naman siya na ngiting ngiti rin. Bigla ko siyang sinapak pagkalapit niya. Bigla namang naghiyawan yung mga nakakita at ang iba inasar pa siya. Kala niya ha.

Lumapit ako sa napaupong Chris at bumulong yung siya lang yung makakarinig. "Sana sapat na yan para ipalimot yung mga nangyari kanina." Sabi ko bago siya iniwan don.

"Bakit mo naman gustong ipalimot sakin yung nangyari kanina? Natatakot ka bang may makaalam na hinalikan mo ako?" Sabi niya nang makalapit ako sa upuan ko. Bigla akong napaharap sa kanya at nakita yung mapang-asar niyang ngiti. Nyeta siya. Oo na, gumagawa kami ng eksena sa classroom namin at naghihiyawan na yung mga kaklase namin. Pero ayoko na siyang patulan kaya I just show him my middle finger.

"Third, may war game ngayon, gusto mong manuod?" Sabi ni Nathan over the phone pagkatapos ng klase namin.

"Who?" Tanong ko naman sa kanya.

"Two strong gang, fighting for the rank. Sunduin ba kita?"

"Aight. What time?" Matagal na rin akong hindi nakakanuod ng war games e. Tingin ko naman exciting manuod ng mga desperadong tao na nagpapatayan para lang makilala yung gang nila pero mas masaya kasi laro lang talaga.

"On the way na ako papunta sa school niyo. Wait me there." And then he hung up.

You can say that I am a gangster pero I'm not like them. Hindi ako nakipag-away para mapasama sa kanila. I just found myself being one of the important member of the most powerful gang here. Napanuod kasi ng leader namin kung paano ko nilabanan yung gang na na-encounter ko dati, then they haunt me. Kung akala nyo na papatayin nila ako, then no, they wanted me to join them. I became the second in command, next to the royalties (so called king and queen) na nagpapatakbo ng pinaka-malakas at pinaka-maimpluwensyang gang.

But being a gang member is our top secret. We were paid by elite people with bad intention to their enemies, sila ang boss namin pero pag-aari kami ng isang pamilya na nasa likod ng pagbuo ng organization na ito. They prefer gang compose of youth instead of mafia or assassin, mas deceiving daw kasi kami. No one would believe that we exist and we're part of a gang.

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon