Trouble 9: Gabriel's Tale

226 16 3
                                    

Chris'

Hindi na rin ako pumasok pagkatapos nang paguusap namin ni Kim. Naiinis na nga ako, mas nakakainis pa yung mga pangaral niya. Tsk

Umuwi na lang ako ng bahay at since wala naman dito ang magaling kong ina, malaya ako. Nagtungo ako sa studio room namin sa bahay. Yes, meron nito dito dahil musically inclined si mama, magaling siyang mag-piano at namana yon ni Christian kaya siya ang paborito. Ako? Marunong naman ako, nung bata ako tinuturuan na ako ni mommy tumugtog ng mga instruments, yun na rin ang bonding naming pamilya. Pamilya.. Wala na ako non.

Kahit gaano pa kalakas ang music na pinatugtog ko, kasabay ng pagtambol ko, wala nang mas lalakas pa sa idinidikta ng isip ko.

Mag-isa na lang ako.

Wala na ang perpektong pamilyang meron ako noon.

Wala na ang mga kaibigan ko.

Wala na yung buhay na pinangarap ko.

Hindi ko naman akalain na sa isang iglap, mawawala lahat e.

Nakakatawa nga e, muling nagtagpo ang landas namin ng childhood best friend ko. I met her, I knew her eversince that encounter but she didn't even recognize me. Hindi ko na magawang makapasok sa buhay niya. Hindi ko magawang magpakilala sa kanya.

Hindi ko masabing miss na miss ko na siya. Na siya na lang yung dahilan kung bakit pa ako nagpapatuloy. Makita ko lang siya kahit hindi niya ako kilala, ok na, nawawala na yung galit ko sa mundo.

Pero ang sakit kasing makita na may iba nang nagpapasaya sa kanya. Parang dati lang ako yon e. Ako yung kasama niya sa mga kalokohan, ako ang kasama niya sa tawanan. Ako lang. Ang Iyel niya.

Pero ngayon, isang malamig na pakikitungo na lang ang ibinibigay niya sakin. Nakilala niya ba ako kaya ganon siya? Galit ba siya?

Gusto kong magpakadesperadong kausapin siya pero putek lang, mukha na talaga akong tnga. At ayoko ring may makakakita ng kahinaan ko.

Ako si Chris Gabriel Castillo, ang black sheep sa bago kong pamilya. Ang pinakag*go sa barkada. A good for nothing. Basagulero.

Oo nga no. May pachurch-church pa akong nalalaman e pang-impyerno naman ginagawa ko.

Mas nilakasan ko ang pagpalo sa instrumentong nasa harap ko. Kaya ito ang paborito kong tugtugin e, I can release all my frustrations. Gusto ko ng sumunod sa mga magulang ko pero hindi naman ako tatanggapin kung nasan sila e, at nandito pa si Rayne.

Si Rayne, nandito siya pero ang layo na niya sakin. Ang hirap na niyang abutin.

Isang malakas na kalampag ang umalingawngaw sa buong kwarto ngunit hindi non matatalo ang lakas ng musikang tumutugtog, isang masiglang musika na kabaliktaran ng nararamdaman ko. Nabali ang drum stick na hawak ko at tumalsik ito sa kung saan. Pang-ilan na ba yon? Every two weeks ata akong bumibili ng drum sticks.

Sinipa ko ang bass drum bago ko iniwan ang lugar na 'yon.

Gusto ko ng sariwang hangin. Gusto ko silang makita. Gusto ko silang makasama.

'Mom, Dad, siguro kung nandito kayo, ako pa rin ang dating Chris na kinagigiliwan at mahal ng maraming tao hindi lang dahil sa itsura ko pero dahil ako si Chris.'

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon