Trouble 17: Forgiven

172 16 0
                                        

Rayne's

Umakyat ako sa tambayan ko, sa fire exit ng 4th floor kung saan matatanaw ang lagoon. Mas ok pala na mas malayo kang tinatanaw na lang ito kesa sa malapit ka pero hindi mo na maramdaman ang kapayapaan nito.

Hahayaan ko nga bang mawala sa akin si Nathan? Wala na si kuya, wala na rin si Iyel. Parang hindi ko kakayanin na mawala din sa akin si Nathan. Pero nakakatampo naman talaga siya e.

For two years na pagkakakilala ko sa kanya, akala ko alam ko na ang lahat. Kilala ako ng magulang niya at kilala rin siya ng magulang ko dahil nagpa-alam siya two years ago na liligawan niya ako. They knew him ever since pala dahil bestfriends noong college ang dad ko at daddy niya even iyong dad ni Iyel. Actually, NRC na acronym sa name ng company namin stands for 'Nathan and Rayne Concatenated' daw pero hindi inilalabas sa publiko ang meaning non. Basta NRC lang, tapos.

Pero hindi nila kami ipinakilala sa isa't isa dahil bukod sa mailap sa tao si Nathan at hindi siya sumasama sa mga gatherings namin, ay gustuhin man daw nila kaming magkatuluyan para sa company, kami pa rin daw ang masusunod kung sinong pakakasalan namin. At kung kami nga ang meant to be, si Lord 'daw' ang magga-guide sa amin para mahanap ang isa't isa. Mga wierdong tao. -.-
Walang ganon chong!

Buntong-hininga.

Alam ko ang pinagdaanan ni Nathan para lang makapasok sa buhay ko. Walang tulong ng magulang namin o ng kahit na sinong kilala namin. Palagi ko siyang itinataboy kapag lumalapit siya sa akin noong sa school pa nila ako nag-aaral. I always end up beating him dahil sa kakulitan niya at dahil doon, madalas din akong mapaaway sa mga fan girls niya.
Sa pagkakaalam ko, fan girls niya ang nagpetition na patalsikin ako sa school na iyon. Tss pathetic nila.

I appreciated his effort pero... Nasasaktan na naman ako. Akala ko buo na ako pero bakit ganito? Guilt is eating me up again.

Kinuha ko ang phone ko.

"Hi Iyel." Panimula ko. It became a habit na kapag gusto ko siyang kausapin ay inirerecord ko ito sa phone ko. Umaasa ako na sa huling pag-record ko ng mga rants ko sa kanya, marinig niya na gusto ko siyang bumalik sa akin kahit isang minuto lang basta magkaroon ako ng chance na makausap siyang muli.

"It's been a while... Nasan ako? Nandito sa pagitan ng ok ako at pinipilit maging ok. Nakakatawa. Gusto kong magalit sa lahat, gusto kong magalit sa kanya pero mahal ko siya e. At nasasaktan akong makita siya dahil naaalala kong naging parte din ako ng organisasyong sumisira sa buhay ng ibang tao. Galit ako sa pumatay sa inyo pero narealize ko, wala pala akong pinagkaiba sa kanila. Iyel, mamamatay tao ako. Sinira ko na lahat, sinira ko na ang buhay ko at sumisira ako ng buhay ng ibang tao. Tch. Miss na kita. Sana nandito ka para pagaanin ang loob ko katulad ng palagi mong ginagawa dati every time na umiiyak ako."

Mahal mo ba siya?

Biglang pumasok sa isipan ko ang isang tanong na nagpagulo sa akin. Mahal ko ba siya? Oo, mahal ko ang bestfriend ko dahil bestfriend ko siya. But more than that? I don't know.

Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Nathan kanina habang yakap ako. Nasaktan na naman ako. Kaya ko ba siyang mawala sa akin dahil lang hindi ko kayang makita siya?

"I don't know." I stopped the recording at bumaba na para sa next subject ko.

Ten minutes before my next subject ay nakarating na ako sa room ko. As usual, maingay pa rin at magulo sa loob. Buti na lang suot ko ang headphones ko at kahit magulo sila ay hindi ako naiistorbo.

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon