"Pwedeng maki-upo?"
Nabalik ako sa kasalukuyan dahil may biglang tumabi sakin. May pangahas na pumunta sa tambayan ko bukod sakin.
Tiningnan ko lang yung babae na nakatayo sa harap ko. Kahit naman um-oo ako o hindi alam ko namang uupo sya, nagtanong pa tss.
"May talent ka pala sa pagdo-drawing?" Naa-amaze na sabi nito. Napatingin ako sa sketch pad ko at halos maihulog ko ito dahil sa naka-drawing dito. Itinago ko yung sketch pad ko.
"Bakit ka nandito?" Sabi ko nang hindi ipinahalata na nagulat din ako sa drawing ko. SINONG HINDI MAGUGULAT KUNG WALA SA SARILI MO NAI-DRAWING ANG ISANG TAO!? AND OF ALL PEOPLE, IT'S CHRIS! Ang sarap iuntog ng ulo ko argh!
"Napadaan lang." Tiningnan ko siya nang nagdududa. Walang pumupunta dito dahil wala namang masyadong klase sa 4th floor dahil 1st year at 2nd year lang ang gumagamit ng building na ito at konti lang ang estudyante madalas. Huminga siya ng malalim at tumingin sa tanawin sa harap niya, ang lagoon. "Ayos din 'tong napili mong tambayan e, kahit medyo nakakapagod akyatin kasi sira yung elevator, pero worth it naman yung makikita mo." Ngumiti siya at tumingin sakin. Alam niyang naghihintay ako sa totoong pakay niya sa pagpunta dito. "Ang totoo niyan, hindi ako napadaan lang dito, hindi naman kasi ito madadaanan e. Display lang yung elevator dito." Marahan siyang tumawa at tumanaw nang muli sa labas. "Ang totoo niyan, gusto kitang maging kaibigan. Gusto kitang makilala pa. Kasi alam kong sa kabila ng ugaling pinapakita mo, may isang malalim na Rayne, hindi ka man madalas magsalita, I can see it through your eyes. I want to know you more. Ok lang ba?" Nakangiti niyang sabi sakin. Ang ganda niya sa totoo lang, mahinhin, mabait at oo, sikat siya sa college namin. Kaibigan siya ng lahat, maliban sakin. Siguro kaya niya ako gustong maging kaibigan para lahat nasa side na niya.
But I don't want some friend.
I'd rather be alone forever than be friend with someone who won't stay by my side.
Biglang tumunog yung bell. Nice timing, ayoko ring may kausap kaya tumayo na ako at pumasok sa loob ng building pero tumigil ako nung medyo malayo na ako sa kanya.
"Hindi mo magugustuhan kapag nakilala mo ako. Hindi mo rin magugustuhan kapag naging kaibigan mo ako. Madami ka ng kaibigan, hindi mo na ako kailangan."
Konti pa lang yung tao sa room nang dumating ako. Maya-maya lang, dumating yung IgKnights, yung tropa/banda nina Chris na may dalang gitara at beat box at pumwesto sa likod.
Nagsimula silang gumawa ng beat. Pinatay ko yung music na pinapakinggan ko pero hindi ko inalis ang headset na suot ko. Hindi ko rin alam kung bakit pero mas gusto kong mapakinggan ang live na banda sa likod ko kesa sa music sa phone ko. Pero ayokong malaman nila yon. Mas gusto kong manatiling malayo sa kanila. Sikat kasi sila kahit hindi halata, tumutugtog sila everytime na may event sa college namin.
Si Chris? Sa totoo lang hindi naman talaga kami madalas mag-usap at minsan niya lang ako pinapansin kapag bored na siya at wala nang mabwisit pero madalas stranger kami sa isa't isa. At mas gusto ko na hindi na lang kami magpansinan, mas tahimik ang buhay ko.
There's a million pretty girls all over
But they got nothing on you
Been all around the world
And no one gets me like the way you do
Baby I thought that you should know
None of the rest are even close
There's a million pretty girls all over
But you know this song's for you
This song's for you 🎶
Ang ganda talaga ng boses ni Christian, yung leader ng tropa ni Chris. Ang ganda ng pagcover nila sa song. I wonder kung para kanino yung song, feel na feel nila yung pagtugtog at pagkanta e though ganon naman sila palagi kapag tumutugtog.
Biglang may babaeng nagrap. Ang cute ng boses nya e kaya na-curious ako at pasimpleng sinulyapan yung bandang tumutugtog sa likod ko. And there I found Kim na parang aliw na aliw sa ginagawa niya. Pati yung bandang kasama niya at yung ibang tao sa room, naaliw sa ginagawa nila. May nagvi-video pa nga e.
Akala ko maganda na siya pero kapag pala nagra-rap siya mas cool siya. Maybe that's the reason kung bakit magaan ang loob ng mga tao sa kanya, almost perfect na kasi siya. Kung lalaki lang ako, siya yung magiging crush ko.
I mentally asked myself. This woman wants to be my friend? I doubt it.
Ilan pang kanta ang tinugtog nila bago nagkagulo sa room.
"Yaahh! Si sir B nga ang prof naten! Otokeeee!!???" Sir B? Yung legendary prof? Potek! May kumakalat kasi na rumors tungkol sa kanya na kapag bumagsak ka sa subject nya kakatakot-takot na requirement ang ipinapapasa nya. Basta not related sa academic, medyo spg siya. And I hate the thought of it. Kinikilabutan ako pero hindi naman ko katulad ng iba kong kaklase na naghi-hysterical na.
"Andyan na si sir B! Umayos kayo guys! Kailangan nating magpa-impress!" At ayon nga, parang sa isang iglap, may dumaang anghel sa room dahil tumahimik at umayos lahat.
"Okay, define Differential Calculus." Sabi nya agad pagdating sa unahan. Tapos nagturo siya ng sasagot. Nararamdaman ko yung pangingilabot ng mga kaklase ko, yung iba naman kumuha ng notes at nagbaka-sakaling makikita yung sagot. Yung iba naman nagtataka lang at may iba din na nag-rereact.
"Define Differential Calculus. Anyone? You!" Turo niya sa isa kong kaklase na nasa unahan.
"S-sir, Statistics and Probability po ang subject natin." Sagot naman niya. Well, tama nga naman. Stats ang subject namin ngayon.
"Alam ko. Bawal na bang magtanong nang hindi tungkol sa subject natin? Is there any law stating that I will be killed if I ask something out of this subject?"
"None, sir." We said in unison.
"Sinisira niyo deskarte ko e. So define Differential Calculus... Hindi nyo alam? Tapos nagmamarunong pa kayo sakin? Tsk tsk. Define." Then biglang turo sakin. Biglang nagkagulo yung sistema ko. ANO NGA YON!? HINDI KO NAAALALANG DINEFINE YUN NG PROF NAMIN POTEK!
"R-rate of change of functions with respect to thier variable through derivatives and differentials." Pasimple kong binasa yung isinulat ni Kim sa isang papel. After that pinalawig pa nung prof namin yung definition using the formulas and so on.
"T-thanks for earlier." Sabi ko pagkatapos ng klase. Actually, wala pa namang klase dahil orientation pa lang pero kung hindi dahil sa kanya, baka nakatayo din ako buong klase.
"Wala yon. I'm always here to help." Nakangiti niyang sabi na sinuklian ko ng isang matipid na ngiti bago pumunta sa last subject namin.
Hindi ko talaga maiwasang isipin kung kaplastikan lang ang ipinapakita niya. Masyado kasi siyang mabait na hindi na kapani-paniwala. Anyways, I don't care. She's still not my friend.
BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Tâm linh"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...
