Trouble 31: Amazing Grace

152 13 0
                                        

"Tyler, this is Rayne. Rayne, this is Tyler. Be good to each other." Pagpapakilala ni Chris sa amin ng Siberian husky niya na tinahulan lamang ulit ako kaya nag-indian seat ako sa upuan para hindi niya ako maabot. Hayup na Chris Gabriel, sinabi ng ayoko sa aso. We will never be friends even for seconds especially this kind of dog. It's scary!

"Ilalayo mo 'yan o papatayin ko 'yan!?" Napasimangot naman sya sa banta ko kaya umalis siya ng living room nila kasunod ang aso niya.

"Kain muna tayo bago mag-isip ng gagawin." Suhestiyon niya pagbalik niya at dumiretso na sa kusina. Sumunod naman ako. Wala ng hiya-hiya. Feeling ko naman siya lamang at mga katulong ang nandito e. Bayad na rin niya sa pagkain sa bahay namin noh!

"Wait lang, ipapatikim ko sa'yo ang specialty ko." Sabay kindat sa'kin kaya napairap ako at umupo sa pinakadulong upuan, malayo sa kanya.

"Peram phone ah." Sabi ko nang pinapakialaman ko na ang phone niya. Nalobat kasi yung sa'kin, nakalimutan kong i-charge. Hindi ko alam kung narinig niya o hindi dahil hindi siya nag-react.

Walang password si koyah mo kaya naopen ko kaagad. Pero lock screen lang pala ang walang password. Kailangan ng fingerprint sa lahat ng apps na bubuksan ko. Hindi mabuksan ang social media accounts niya even messages. Ok. Walang kwenta phone niya. Ibinalik ko na lang sa table.

Lumapit siya sa akin na sobrang lawak ng ngiti dala ang sinasabi niyang specialty niya. Kumakalam ang tiyan ko sa amoy ng niluto niya. Naghain din siya ng kanin at iba pang ulam tapos juice. Gusto ko na talagang itanong kung si Chris pa ang kasama ko e. Hindi naman talaga halata sa kanya na marunong siyang magluto at saka yung ginawa niya kanina sa laundry area.

"Here, eat this." Ipinaglagay niya ako ng niluto niya at ngiting ngiti siya habang pinapanuod ako habang kumakain. "Masarap?" Excited na tanong niya. Tss parang bata -_-

"Anong karne to?" Tanong ko habang kumakain pa rin. Hindi kasi lasang baboy lalo namang hindi manok, pero masarap naman.

"Kabayo." Ngiting-ngiting sabi niya. Napatitig ako sa kanya at nailuwa ang pagkain ko. Wtf!

"Papatayin mo ba ako!?" Inis na sabi ko at inihampas sa kanya ang kutsara ko.

"Bakit naman kita papatayin? Masarap naman di ba?" Nakasimangot na sabi niya habang hinihimas ang braso niya. Pero tama siya, masarap naman but the thought na hindi ordinaryong karne ang pinakain niya sa akin, kinikilabutan ako.

"Nawalan na ako ng gana." Nilayasan ko siya doon habang ipinaglalaban niyang masarap naman ang niluto niya. Gusto kong masuka sa thought na nakakain na ako ng karne ng kabayo. Yuck! Muntik ko ng maubos ang pagkain sa plato ko. T.T

"Doon tayo sa studio." Sabi ni Chris pagkapasok sa sala nila at dumiretso na sa taas. Sumunod naman ako sa kwartong pinasukan niya. Wew. Almost complete music instrument.

Isa-isa kong hinaplos ang mga stringed instruments hanggang sa makarating ako sa violin.

"Tugtugin mo yan." Napabitaw ako sa violin nang magsalita si Chris sa tabi ko.

"H-Hindi ako marunong." Sagot ko at nagtingin-tingin pa ng ibang instruments.

"Really?" I can hear the doubt in his voice. "But the way you hold it." he trailed off. "So what's your talent then?"

"Matulog nga."

"Eh ayon naman pala e. Ano pang ginagawa natin dito? May ipe-present na tayo. Magpaka-sleeping beauty ka sa stage then I'll try to wake you up by kissing you. Uwi ka na." Sinamaan ko siya ng tingin pero inirapan niya lang ako tapos dumiretso na siya sa drum set at nagsimulang tumugtog.

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon