Hindi ko akalaing darating sa puntong mare-realize ko lahat ng pagkukulang ko sa pamilya ko. Hindi ko akalaing mami-miss ko sila nang sobra dahil lang sa isang araw kong pag-stay kina Nathan. Seeing how Nathan value his family, seeing how much they love each other, it reminded me na dapat ganon din ang family namin.
Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ng parents ko at agad naman akong pinagbuksan ng pinto ni Dad.
"Ahhm. Pwedeng makitulog?" Nahihiyang tanong ko habang ipinapakita ang dala kong unan. Napangiti naman si Dad at pinapasok agad ako sa kwaro nila.
"Oh, Rayne. What brought you here?" Tanong naman ni Mom na kakalabas lang sa CR nang makita ako. Halata na rin ang malaki niyang tiyan since 6 months pregnant na siya ngayon. (Oo na, buntis siya tapos ini-stress ko siya palagi, kaya nagi-guilty ako.)
"Dito ako matutulog." Sagot ko naman at sumampa na sa kama nila. Napangiti siya at dinaluhan ako sa kama. Hinaplos niya ang mahaba kong buhok at kahit hindi siya magsalita, ramdam ko at kita sa mga mata niya na napi-please siya dahil gusto ko silang makatabi pagtulog.
Ewan, simula kasi ng makipagkwentuhan kami kanina sa isang pamilyang magsasaka na nag-aayos ng kalakal nila, sobra sobra kong na-miss ang parents ko. I'm so blessed na hindi ko naranasang magbungkal ng lupa para lang makakain sa araw-araw. Seeing those families being contented and happy by what they have, seeing them loving each other and building each other's life, gusto kong batukan ang sarili ko. Why didn't I appreciate my own family? Masyado kasi akong nagpakain sa guilt na minamasama ko na hindi nila ako sinisisi sa pagkamatay ni kuya Zayne.
"I miss this." Bulong ni mommy at konti na lang ay maiiyak na. Hinaplos-haplos niya din ang mukha ko na parang ngayon lang kami nagkita, napangiti naman ako. My mom is such a caring and loving mother but I chose to talk back whenever she's lecturing me.
Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto at iniluwa si Shayne na may dala ring unan.
"Gusto ko rin ditong matulog." Parang batang sabi niya at patakbong sumampa sa kama para tumabi sa amin kaya napatawa kami. Déjà vu?
It's been a while since this kind of gathering happen. Nasa gitna kaming magkapatid nina Mom and Dad at si mommy ang katabi ko as usual.
"Dad, can you tell us some stories please? I missed hearing your stories." Shayne requested the reason why I smiled. Same old Shayne, the baby of our family.
"Hmmn. Sige. You probably know this story but I will tell you again since nagrequest ang baby natin." It's overwhelming na sinasakyan nila ang trip namin at parang nagustuhan din nila.
"This is a story of a boy and his boat." Pasimula niya. Nakatingin kami sa kanya habang nakikinig sa kwento niya habang pinapanuod din siya ni mommy at nakangiti dito as if she's supporting my dad.
"There was a boy who made a toy boat, hindi ito yung boat na gawa lang sa papel ah, isa itong magandang bangka. It's a wooden boat and he made it wholeheartedly with the help of his father. At araw-araw pagkakatapos ng klase ay nilalaro niya ito sa ilog. He will put it in the river and will come running down the stream to catch it." Dad told us as if his talking to a little kid and I found it relaxing hearing his soft voice again.
"But one day.." He trailed off as if he's expecting us to get excited to his story medyo napatawa pa ako. "Habang naglalaro siya sa ilog, nagkaroon ng malakas na wave, stronger than the usual and the boy couldn't get to where his boat is heading. Tinangay ng strong wave ang bangkang gawa niya." Hindi ko alam kung narinig ko na ang story na ito dati pero parang bago lang siya sa pandinig ko, refreshing.
"The boy got home very sad. Wala na kasi yung bangkang ginawa niya, wala na ang bagay na nagpapasaya sa kanya every uwian. His dad tried to comfort him but it was useless. He will just cry remembering it. Maybe the boy is thinking what if he didn't play that time? What if he stayed at home after school? What if he swim against the strong wave to save his boat? But what if's were also useless already." Aww regrets. Di naman ako to, di ba?
BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Spiritual"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...
