Trouble 34: His Life

161 16 2
                                    

"Argh! Ang lagkit ko na!" Reklamo ko pagkababa namin ng jeep. We're now here in Batangas at kakababa lamang namin sa harap ng isang mataas na kulay itim na gate.

"Okay lang 'yan. Maganda ka pa rin naman tsaka mahal pa rin kita." Sabi niya bago nagsalita sa intercom. "It's Joash." Nakarinig ako ng nagbukas na lock at maya-maya pa ay bumukas nang konti ang mataas na gate na ito. Hinawakan ni Nathan ang kamay ko at pinapasok ako.

Akala ko bubungad sa amin ang isang napakalaking bahay pero mali ako. Isang daan ang nandito na napapagitnaan ng mga puno. Ang payapang tingnan tsaka ang presko. Somewhere in my sketch pad, I knew I drew something like this, a scenery that speaks peace and calmness.

May naghihintay sa aming na sasakyan na sa tingin ko ay umiikot lamang sa buong lugar. Inalalayan ako ni Nathan paakyat.

"Manong Ed, pakidiresto na lamang po sa bahay." He said full of courtesy. Nginitian niya naman kami at pinaandar na ang sasakyang hindi ko alam ang tawag.

"Nobya niyo ser?" Tanong ni Manong Ed daw ang pangalan.

"Opo. Ganda no?" Pagmamalaki ni Nathan kaya namula ako. Iba kasi kapag ipinagmamalaki ka ng mahal mo sa ibang tao.

"Ay maganda nga. Bagay na bagay kayo." Napahalakhak si Nathan at inakbayan ako sabay halik sa pisngi ko.

"Mahal na mahal ko ito e." Inilayo ko siya sa akin dahil nakakahiya naman ang ginagawa niya kaya napangiti lalo si Manong Ed.

"Ay nako mam, wag niyo ng papakawalan si ser. Napakabait ng batang iyan kahit sa mga empleyado lamang nila. Tapos magalang pa at responsable." Napangiti naman si Nathan sa komento ni manong.

"Kayo talaga Manong Ed. Salamat po sa bola." Napahalakhak naman silang dalawa. Mukha nga silang close kahit hindi naman madalas umuuwi si Nathan dito.

"Sa inyong lupa ito?" Tanong ko nang medyo makalayo na kami sa gate at hindi na sila nagsasalitang dalawa. Hindi siya creepy kahit mukha kaming papasok sa gubat dahil sa taas ng mga puno na nagbibigay silong sa dinadaanan namin.

"Yup." Hinalikan niya ang kamay kong hawak niya para makuha ang atensyon ko. "They might interrogate you but just be yourself." Sasagot na sana ako nang mag-iba ang paligid. May mga puno pa rin ngunit mga mabubulaklak na halaman na ang nasa gilid ng daan.

"Woah." I exclaimed. Bumungad sa amin ang isang fountain na humahati sa daan at sa likod noon ang isang napakalaking mansion. Ang hirap paniwalaan na ganito ang bahay nila sa probinsya gayong common house lamang naman sa subdivision ang tinitirahan nila. Seriously, ang humble ng pamilya niya.

"Welcome to our humble home, baby." Sabi niya pagkapasok namin sa loob. Kung maganda sa labas, mas maganda ang loob, ang laki tapos ang elegante. Nagmukhang bahay ng aso ang bahay namin. "Nakarating ka na dati dito di ba?"

"Yeah. Noong pinalayas mo ako." Napakamot naman siya sa ulo dahil sa sagot ko.

"Hi." May isang red haired guy ang bigla na lamang sumulpot sa harap namin.

"Off limits. Taken by me." Niyakap ako ni Nathan or should I say itinago ako ni Nathan at itinulak si red head nang akmang hahalikan ako nito. "Don't you dare touch my girl, Kyle." May pagbabanta sa boses ni Nathan.

"You're so possessive. That's one way of greeting a lady in Italy!"

"You're not in Italy and she's mine alone so back off." Iniwan namin siya doon na dismayadong dismayado.

Ang daming display sa bahay nila. Agaw pansin din ang collections of pictures nila na nasa living room. Malaki ang bahay nila pero napaka-homey. You won't feel alone, you won't feel scared.

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon