LOTC 01

149 11 9
                                    


*TheGirlBetweenUs

Valentines Day na naman at ito ako ngayon papasok na naman para lang makita ang mga couple na naglalandian kung saan-saang sulok ng campus. Maghapon kasi ang program kaya sure na tuwang-tuwa na naman ang mga estudyanteng tamad mag-aral. Ito ako ngayon at babangon pa lang sa higaan ko.

Nandito ako ngayon sa isang apartment na nirerentahan ko. Mag-isa lang ako dito pero kinakaya ko namang mabuhay. Sakto lamang ang laki ng bahay na ito may katamtamang laki ng kwarto, maliit na CR, katamtamang laki rin ng kusina at may munting salas. Kakaunti pa lang ang mga gamit dahil wala ako sa mood bumili. Paglabas ng kwarto ay bubungad agad sa'kin ang munting salas. Sa tabi naman nito ay ang kusina at sa tabi ng kusina ay ang banyo.

Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Kinuha ko ang pitsel sa mesa at kumuha ng baso na nasa tabi lamang din nito nakapatong. Tumigis ako ng tubig at saka uminom. Nakagawian ko ng uminom ng warm water sa tuwing gigising. Matapos maubos ang isang basong tubig ay agad akong pumasok sa banyo dala ang towel.

Mabilis lang ako kung maligo kaya naman matapos ang ilang minuto ay lumabas na agad ako. Tanging towel lang ang nagsisilbing takip sa ibabang parte ng aking katawan. Hindi gano'n kaliit ang katawan ko pero hindi rin gano'n kalaki. Katamtaman lamang at wala akong abs pero hindi naman malaki tiyan ko sakto lang.

Matapos magbihis sa kwarto ay lumabas na ako para kumain. Cup noodles na lamang ang kinain ko dahil tinatamad akong magluto ng sinaing. May nakaimbak na talaga akong grocery dito sa bahay in case of emergency. Nag-init lang ako ng tubig sa heater. Naka-red polo shirt ako at blue pants. May program kasi at magmumulta raw pag hindi sumunod sa rules. Nakakaloka 'di ba sarap hambalusin ng mga officers sa school eh.

Sanay na ako sa mabuhay mag-isa. Palaging nasa trabaho ang nanay ko samantalang ang tatay ko naman ay hindi ko nakilala. Ayon sa nanay ko nabuo lang daw ako dahil sa isang one night stand. So it means hindi love ang naging dahilan ng pagkabuo sa'kin kundi libog! Punyemas pag naiisip ko yon parang gusto kong magwala. Hindi ito ang pinangarap kong pamilya pero ito ang binigay sa akin. Sa ngayon ay nasa Saudi si nanay at pinapadalahan lang niya ako ng panggastos every month. Minsan nga ay nagkukulang pa iyon pero gumagawa na lamang ako ng paraan.

Grade 11 na ako ngayon at kung puwede nga lang hilahin ang araw at maging college na ako para makagraduate na at makahanap ng magandang trabaho. Eighteen years old na ako pero never pa akong nagkakajowa. Iyon ay hindi dahil study first type of student ako kundi dahil closeted gay ako. Wala akong balak manligaw ng babae dahil never pa akong nagkacrush sa babae dahil lalaki ang nagugustuhan ko mahirap mang tanggapin pero iyon ang totoo.


Kagaya ng mga tulad kong closet queen lalaking-lalaki pa rin akong pumorma at kumilos. Kung may award siguro ng best pretender sa school na ito baka panalo na ako! Ewan ko ba kung bakit ako ganito! Mula pagkabata ramdam ko na ang kaibahan ko. Mas nakilala ko lang ang sarili ko nang magbinata ako at magkagusto sa lalaki.


Kung papipiliin ako mas pipiliin kong maging straight na lalaki. Hirap kayang magkaroon ng dalaw buwan-buwan at manganak! Marami diyan na iba na nagpaparetoke dahil gustong maging ganap na babae. Pero ako'y kuntento naman na kung anong meron sa'kin pero at some point palagi kong nararamdaman na I am a dissapointment. Sa tuwing maiimagine ko nga kung anong reaksyon ni Mama pag nalaman niya na ang only son niya ay baklush ay nawawalan ako ng lakas na loob na aminin sa kanya.

May iba diyan na sinasabihan ang mga tulad ko na 'Pakalalaki ka na lang sayang ka', like what the fuck? Kung ganoon ba kadali ang magpakalalaki eh sana noon ko pa nagawa. Sino bang gustong tuksuhin o laitin ng iba? Na palaging gawing katatawanan. Siyempre wala! Hindi naman kasi namin ginusto na maging ganito!

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon