LOTC 33

23 4 0
                                    

*BeforeHeRealize

CHACE

Iminulat ko ang mga mata ko dahil sa kung anong naramdaman ko. May kung anong matigas akong naramdaman sa bandang likod ko. Napatingin ako sa braso ni Zadkiel na ngayon ay nakayakap sa akin. Kainis lang na may harang na ngang mga unan sa gitna namin ay nauwi pa rin sa ganitong eksena. Ito iyong cliche na eksena sa mga pelikula na hindi ko bet pero nangyayari na sa akin ngayon.

Mukhang alam ko na kung ano ang matigas na iyon! Kalerke mga vebs!

Dahan-dahan kong inalis sa katawan ko ang braso ni Zadkiel. Kanina pa yata ako namumula dahil sa mga narealize at naramdaman ko pagmulat pa lamang ng mga mata ko. Mukhang masarap naman ang tulog niya kaya nagawa ko agad ang nais ko. Lumayo ako ng kaunti sa kanya at pinagmasdan siya. Hindi niya suot ang salamin niya kaya sobrang gwapo niya ngayon. Mula sa mga matang nakapikit hanggang sa labing mukhang masarap humalik.

Perfection! Iyan ang katagang deserve niya talaga. Nagalit ako sa kanya dahil noon dahil sa pag-out niya sa akin sa classroom pero nabawi naman niya iyon sa mga pagtulong niya. Mabait naman siya talaga kaya lang siguro nadala ng emosyon dahil sa labis niyang pagkagusto kay Bridget.  Sana nga ay totoo iyong sinabi niyang unti-unti ng nawawala ang feelings niya doon. Ayokong magaya siya sa akin na patuloy na umaaasa sa taong imposibleng maging akin.

I love you, Zadkiel. At mananatili lamang sikreto ang pagtingin ko sa'yo.

Si Jayza lamang ang nakakaaalam ng tungkol sa pagtingin ko sa kanya. Sana lang ay hindi siya atakehin ng malalang kadaldalan para manatiling sikreto ang lihim kong iyon. Ayokong ipaalam pa sa taong ito ang tungkol doon dahil halata namang walang patutunguhan ang bagay na iyon.

"Baka matunaw ako niyan,"halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses niya. Sa sobrang pagnanasa este pagdi-daydream ko ay hindi na namalayan pa ang pagmulat niya.

"Kakamulat ko lang din,"palusot ko sabay talikod sa pwesto niya. Ayokong makita niya ang pamumila ng pisnge ko. Baka mahalata niyang kinikilig ako at mag-conclude na siya na may gusto ako sa kanya.

"So assuming pala ako," alam kong iyon ay biro lamang pero may kung ano sa loob ko ang nagwala dahil lamang sa mga katagang iyon.

"Hilamos na ko,"sambit ko naang sabay bangon sa higaang iyon. Mabilis akong naglakad papunta sa banyo. Pagpasok sa banyo ay napatingin ako sa salamin. Ang dugyot ko tapos nakita ako ng crush ko na ganito itsura!

Paglabas ko ng banyo ay naabutan kong tulala sa kawalan si Zadkiel. "Okay ka lang?"

"Huh?"

"Tulala ka e."

"Bagong gising effect," tumayo na rin siya at pumasok sa banyo.

"Good morning," nagulat ako sa bumungad sa akin paglabas ko. Masiglang si Jayza iyon na para bang hindi tinamaan ng sakit.

"Wow magaling ka na nga,"natatawang sambit ko.

"Opkors lagnat lang 'yon e diyosa aketch," proud nitong saad. "Tara na nagluto na si Ate Sylvia ng almusal."

Agad kaming pumunta sa kusina upang mag-almusal. Ilang sandali pa ay kasama na rin namin si Zadkiel. Apat lang kami dito dahil umuwi si Ate Sylvia sa kanila matapos magluto ng almusal.

"Musta ka naman hijo? Okay ka lang ba. Alam kong hindi ka sanay sa ganito."Tanong ni Lola Inta.

Napatingin naman ako kay Zadkiel hinihintay ang magiging sagot niya. Baka nga nahihirapan na siya sa ganitong buhay. Hindi naman kasi siya sanay dahil laki sa yaman ito.

"Ang totoo niyan mas nagugustuhan ko pa nga dito kaysa sa totoong buhay ko."

"Mamatey?" Paninigurado ni Jayza.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon