LOTC : The Other Side

59 5 3
                                    

"Mabuti sumama ka dito hijo," sambit ni Mom.

"Hindi ko naman po kasi kayang tiisin ang anak niyo. Maha—"

"Kain na tayo baka lumamig ang pagkain," awat ko sa kanya. Hindi ko na alam kung paano pa ihahandle ang mga ganitong klaseng eksena. Maling desisyon ata na isama ko siya dito ngayong hindi pa naman ako ready ipakilala siya.

"Our son is right puwede naman tayong kumain habang nagkukwentuhan." Pagsang-ayon naman ni Dad sa akin.

"Ano ulit sinasabi mo na hindi mo natuloy hijo?"Mom asked Yadler again.

Hindi na alam ang gagawin ko sa sitwasyong ito. Kinakabahan ako nang sobra sa hindi ko malamang dahilan. Medyo matagal na rin naming itinatago ang relasyon namin ni Chace Yadler. Siguro dahil masyado akong duwag para harapin ang panghuhusga ng iba. Kaya mas pinili kong itago ang kung anong meron kami.

"Siyempre po kaibigan ko po ang anak niyo. Iba po kasing magalit yan kapag hindi nasunod ang gusto."

Many thoughts came to me when I heard what he said. I've been in a lot of relationships, but this one with this man is unique. Pero andito kami sa mundo kung saan lahat ng kakaiba ay pag-uusapan at may masasabi palaging masama ang mga tao. Kaya mas mabuti na ang itago ang dapat itago sa kanila. Baka hindi rin ako matanggap ng parents ko kapag nalaman nila ang totoo. Kilala ko sila at alam kong dissapointment lang ang mararamdaman nila sa oras na malaman nila ang katotohanan.

"Ganyan talaga yan hijo," nakangiting tugon ni Mom. "Anyway may girlfriend ka na ba?"

"Wala pa po eh," tugon ni Yadler. Nang tumingin ito sa akin ay binalik ko ang atensiyon ko sa pagkain.

"Gwapo mo hijo wala ka pa bang nililigawan kahit isang babae?"

I tried everything I could to get them to stop talking about it, but I couldn't. At the moment, it feels as if my heart is racing too quickly. Hindi pa ako handang magsabi ng totoo. Naiinis na nga ako sa sarili ko dahil hindi naman talaga ako ganito. Kilala ako sa school bilang lalaking mataas ang self confidence pero pagdating sa sitwasyong ito nawawala lahat ng iyon.

"Wala po eh pero may nanligaw po sa akin na babae kasi masyadong complicated." Now Yadler is more courageous than me. "Saka may lalaki nga rin po eh."

"Aba hijo siguradong bakla iyon kaya niligawan ka. Huwag kang papatol hijo sayang ang lahi." I made a noise as I dropped my spoon on the plate. They then turned to face me.

"Hindi naman po masamang sumubok ng bago," nakangiti nitong tugon. " 'Di ba Zadkiel?"

In response, I simply nodded. Even though the air conditioning is freezing, pakiramdam ko ay pawis na pawis ako.

"Ikaw ba Zadkiel may karelasyon ka na ba ulit?" Tanong naman ni Dad.

"Wala po," I quickly respond.

Natigilan ako sa biglang pagtayo ni Yadler. "Sorry po may kailangan pa po pala akong gawin. Baka magalit ang nanay ko pag 'di ko nagawa."

After he spoke he went straight out of the restaurant. I thought of following him because I knew in myself I was the only reason why he suddenly walked out.

"Sandali," sigaw ko dito ngunit hindi man lang ito lumingon.

"Chace Yadler please lang harapin mo ako."

I shout again as I chase him. This made my walk even faster. Sinundan ko lang siya upang magpagusapan kung ano mang problema. Kita sa mukha niya ang saya nang makita niya ang parating na taxi. Agad akong tumakbo palapit sa kanya para pigilan siya.


Nang maabutan ay hinawakan ko siya sa kaliwa niyang braso. Binitiwan ko naman siya agad at hinarap sa akin. "Ano bang problema mo ha? Bakit bigla ka na lang nag-walk out sa dinner natin? Emergency?"

"Pagod na ako Zadkiel so please  hayaan mo na lang ako makauwi."

"Umamin ka nga sa akin. Ano bang problema?" Ngumiti siya ng sarkastiko sa akin.

"Alam mo dapat kung ano.  Boyfriend mo ako pero bakit hindi ko 'yon maramdaman? Sa tuwing ipapakilala mo ako bilang kaibigan mo nasasaktan ako. Kasi pakiramdam ko hindi ako deserving ipakilala sa mundo."

When I heard that I didn't know what my response should be. I'm so weak that I can't even express my love for him to the rest of the world. Parang may tumusok sa puso ko nang makita ko ang sunod-sunod na pagpatak ng luha niya.

"I'm sorry." That was the only words I uttered.

"Sorry kung hindi ka kailanman magiging proud sa'kin? Hindi mo kayang ipagsigawan sa mundo ang tungkol sa'tin."

"Sorry kasi hindi ako kasing tapang mo." Iyon na siguro ang pinaka-honest na salitang nasabi ko sa kanya ngayon.

"Sorry din kasi hindi ko na kinaya ang gusto mo. Ang hirap ng ganito, Zadkiel. Para bang nakatago lang sa closet ang relasyon natin na ikaw lang ang bukod tanging makakapagbukas dahil nasa iyo ang bukod tanging susi. I just want to experience a relationship outside the closet, Zadkiel."

I just stared at him, unsure of what to say. Takot pa rin ako sa consequence kung sakali mang umamin na ako. Pero bakit ko nga ba siya minahal at niligawan pa kung hindi ko naman siya ipapakilala sa iba.

"Kung hindi mo kayang gawin ang gusto kong mangyari mas mabuting tapusin na natin kung anong relasyon ang meron tayo."

Gusto kong tanungin ang sarili ko kung kaya ko na nga ba pero wala pa akong makitang sa sagot sa ngayon. Ayaw kong matapos ang kung anong meron kami pero paano pa nga ba siya kakapit kung duwag ang boyfriend niya hanggang ngayon.

Right now, I have to choose whether to fight for what we have or just give up. Can I really proclaim my true identity to the world? Could I tell my parents that I am bisexual and my boyfriend, Chace Yadler, whom I presented as a friend, is actually my boyfriend?

*LOTCTheOtherSide

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon