LOTC 12

46 6 0
                                    

*ComplicatedLove

Buong  morning class yata akong nakangiti dahil finally napatawad na ako ni Bridget. Nasa ibabaw pa nga ng armchair niya ang flowers na bigay ko sa kanya. Lunchbreak na at lumapit ako sa kanya para sana ayain siya na sumabay sa amin.

"Tara sabay ka na sa'min," nakangiti kong sambit.

"Ahmmm sorry may kasabay na ako eh," tugon naman niya sabay lakad palabas. "Teka lang sis," sigaw nito.

Wala naman na akong nagawa doon. Buong akala ko magiging close na kami dahil lang sa apology gimik ko. Matapos mag-lunch break ay bumalik agad ako sa room kasama si Oliver.  "Naks naman todo ngiti na ang hayop," pang-aasar pa nito. Nakaupo siya ngayon sa armchair habang nakataas ang dalawang paa sa isa pang upuan. Naka-crossed arm pa siya ngayon at todo ngisi.

"Ako pa ba! Sure ako mas magiging malapit na kami. Not now but soon!"

"Iba talaga charisma mo noh. Try ko na nga rin magpasalamin." Hindi ko naman ginustong magsalamin. Kaya lang itong mga mata ko talagang weak. Eight years old ako nang laging sumasakit ang ulo ko tapos palaging nahihilo. Nang ipa-check up ako ni Mommy sa doctor ay nalaman na may problema nga ang mata ko.

Sabi nga nila hindi ko naman ikinapangit ang pagsusuot ng salamin na ito. Mas lumakas pa nga raw ang dating ko ayon sa iba.

"Naku bro hindi nakakatuwang magkaroon ng salamin sa mata."

"Pero sa tingin mo ba talaga okay na talaga kayo ni Bridget?"

"Oo naman ramdam kong madali lang paamuin si Bridget. Tingnan mo nga oh kunting effort lang nabigay ko na agad. For sure hindi magtatagal magiging close kami hanggang sa maging kami na talaga."

Natigilan ako nang makita ko si Oliver na nakatingin sa bandang likuran ko. Mukha siya ngayong nakakita ng multo. Nakaramdam ako ng matinding kaba. Dahan-dahan akong humarap at doon nakita ko si Bridget. Ramdam ko ang inis habang tinitingnan ko ang mga mata niya.

"Bridget let me explain," nanginginig kong saad.

Hindi man lamang ako nakarinig ng kahit isang salita sa kanya. Pumunta siya sa upuan niya at kinuha ang bigay kong bulaklak. Lumapit siya sa pwesto ko dala ang bulaklak na iyon. Hindi na ako nagulat pa sa kasunod noya ginawa. Hinampas-hampas niya sa akin ang bulalak hanggang sa kumalat ito sa paligid ko.

"Thank you sa apology gift mo. Baka gusto mo bayaran kita sa pinanggastos mo jan. Hmmpp gusto mong mag-explain? Para saan pa eh ang linaw-linaw ng narinig ko eh. Mas lalo mo lang pinatunayan na hindi mo deserve ang apology at tiwala ko."

After hearing those words from her hindi ko na nagawa pang sumagot. Kung bakit ba naman sinabi ko pa 'yon eh. Masyado pang mayabang ang tono ko.

Mula nang araw na iyon mas lumayo ang loob sa akin ni Bridget. Siyempre ito ako patuloy siyang kinukulit. Pero kahit siguro anong gawin ko hindi na kami magiging malapit sa isa't-isa. Kung alam ko lang na magiging ganoon, hindi na sana kami nag-usap ni Oliver about doon.

Ilang buwan na ang lumipas at marami na ang nangyari  sa buhay ko mula nang tuluyang isara ni Bridget ang puso niya para sa akin. Ilang contest na rin ang nasalihan ko tulad ng poster making pati na mga quiz bee na palagi akong panalo o runner up. Sa tuwing mananalo at matatapos ang laban ko halos lahat ng kaklase ko ay tuwang-tuwa habang puro congratulations  words ang maririnig mula sa kanila. Siyempre wala doon si Bridget. Literal na wala siyang pake sa existence ko.

Sa dami ng achievements ko sa buhay ko bilang pa rin sa daliri ko ang beses na mag-celebrate kami sa bahay nang buong pamilya. Minsan nga iniisip ko kung mas mahal pa ng parents ko ang negosyo nila kaysa sa akin na anak.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon