LOTC 20

33 5 0
                                    


*TheProgress

Alas dose na nang makarating kami sa bahay. Masyadong napasarap ang bonding nila Mom sa loob ng mansyon nila Tito Rod. Hindi pa rin naman mawala sa isip ko ang nakita ko. Sino nga ba ang babaeng 'yon? Kabit ba siya ni Tito?

"Sabi ni Sarah may emergency daw and kailangan talaga siya sa hospital." Saad ni Mom habang papasok kami sa loob ng aming bahay. Nakasunod lang naman ako sa kanila na parang ilang oras na lang ay tutumba na dahil sobrang antok na talaga.

"Ang hirap talaga ng trabaho niya. Kahit gaano mo pa kagusyong mag-relax ay hindi puwede dahil may responsibilidad."

Nang marinig ko iyon ay parang gusto kong sumabat. Hindi ba nila naisip na ganoon din sila. Buong buhay ko kayang-kaya ko pang bilangin kong ilang beses kami nagkaroon ng masayang bonding together.

Nang makarating sa room ko ay bagsak agad ako sa kama. Hindi naman nagtagal ay tuluyan na akong nilamon ng dilim. Pagmulat ng mata ko ay alas-diyes na ng umaga.

Pagbaba ko ay nasalubong ko si Manang. "Kaaalis lang ng Mommy at Daddy mo."

"Nothing new," tugon ko.

"Intindihin mo na lang sila hijo,"tinapik niya ang balikat ko.

"Anong breakfast Manang?"

"Ayon nagluto ako ng caldereta."

Agad akong pumunta sa kitchen para kumain. Matapos iyon ay bumalik ako sa kwarto at nag-cellphone.  Wala namang nangyari maghapon.

Kinagabihan ay naisip kong kamustahin si Yadler. Alas-diyes na ng gabi at siguradong uwian na niya. Baka kailangan niya ng masasakyan.
Agad kong pinaharutot ang motorsiklo ko papunta sa coffee shop.

At tama nga ako mukhang naghahanap na ng masasakyan si Yadler. Agad kong pina-busina ang motor ko. Nakatalikod kasi siya sa sa pwesto ko. Agad naman itong napaharap nang marinig iyon.

"Hatid na kita,"saad ko habang palapit sa kinatatayuan nita. Sumakay naman na siya agad sa motor at kumapit sa balikat ko.

"Salamat ulit talaga grabe sobrang dami mo na naitulong sa'kin." Hindi naman na ako nagsalita pa at nakapokus lang sa daan. Masyado ng unlimited ang pag-thank you niya.

"First of all hindi mo na ako kailangang bayaran sa mga naitulong ko sa'yo." Saka lang ako nagsalita nang makarating na kami sa tapat ng bahay niya."Sorry ulit sa mga nagawa at nasabi ko sa'yo masyado lang akong nadala ng emosyon ko."

"Okay na napatawad na kita,"tugon niya. Gumaan ang loob ko nang marinig ko iton mula sa kanya.

"Thank you,"ngumiti ako sa kanya. Saglit lang siyang tumingin sa akin at saka tumalikod na para pumasok sa bahay. Nakasakay pa rin naman ako sa motor ko.

"Hmmm Yadler may request sana ako sa'yo. Pero promise hindi ito kapalit ng mga naitulong ko sa'yo sapat na iyong kapatawaran mo para maging kuntento ako." Gusto linawin sa kanya na ang mga tulong na ibinibigay ko sa kanya ay sincere. Huminga muna ako nang malalim bago ituloy ang nais sabihin.

"Ngayong okay na tayo gusto ko sanang tulungan mo ako kay Bridget. Gusto kong maging okay na rin kami at alam kung ikaw lang ang makakatulong sa akin. Sa lahat ng kaklase natin ikaw ang pinaka-close sa kanya kaya sana pumayag ka."

Iyon ang gusto ko mangyari bago man lamang sana kami makatapos sa school. Halos lahat ay close ko maliban kay Bridget. Kaya sana ay pumayag ang taong ito na tulungan ako.

Natahimik lamang siya nang marinig ang sinabi ko. Mukhang hindi niya alam ang sasabihin. Kaya naman naisip kong bumaba muna para maharap siya nang maayos. Nang makalapit sa kinatatayuan nito ay hinawakan ko ang dalawang kamay niya. Tumingin ako nang diretso sa kanya.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon