LOTC 30

27 4 0
                                    


*OnTheWay

CHACE

Nakasakay ako ngayon sa jeep papunta sa terminal ng bus. Maaga akong gumising pero ito traffic naman ngayon. Nakakairita! Kanina pa nandoon si Zadkiel at si Jayza. Ilang sandali pa ay umusad na rin ang traffic.

"Tabi na lang po Manong,"sigaw ko sa driver. Agad akong bumaba paghinto pa lamang mg jeep. Iginala ko ang paningin ko at nakita ko naman sila na magkatabi sa isang mahabang upuan. Agad akong lumapit sa kanila. Hindi ko alam kung imagination ko lang o sadyang nakatitig lang sa akin si Zadkiel habang palapit ako sa kanila.

"Lezzgoo," sambit ni Jayza sabay hagilap ng dalawa niyang travelling bag. "Uy Zadkiel Jude ano jan ka na lang?"

"Ah tara," biglang tugon ni Zadkiel. Bakit siya nakatitig sa akin? May mali ba sa fezlac ko? O masyado lang akong maganda for today's vidyow!

Agad kaming sumakay sa bus at pinalagay sa konduktor ang ilang gamit sa lagayan sa gilid ng bus. Backpack lang ang pinaiwan namin. Nandito rin kasi ang cellphone, pera at kung ano-ano lang mahalaga. Umakyat na kami papasok sa bus.  Nauuna ngayon si Zadkiel at kasunod ako. Nasa likuran ko naman si Jayza na bulong nang bulong kanina pa. May nakita yatang pogi ang bruha kaya kanina pa siya hindi mapakali.  Marami na ang sakay at hindi ko na alam kung saan ako uupo.

Naupo si Zadkiel sa bakanteng upuan. Nasa tabi siya ng bintana. Ako naman ay humahanap ng bakante dahil ayokong tumabi sa kanya. Nakita ko naman agad ang bakanteng upuan sa may dulo kung saan may makakatabi akong lalaki rin. Mas okay na 'yon kesa dito kay Zadkiel. Kahit nadagdagan na ang closeness namin ito pa rin ako naiilang sa kanya. Siguro dahil ayokong malaman niya na crush ko siya talaga.

"Sis ako dun sa dulo," bulong ni Jayza. Napangiwi na lang ako akma akong maglalakad papunta roon ngunit itinulak niya ako bigla sa tabi ni Zadkiel. Napadagan tuloy ako sa nakaupong si Zadkiel. Para tulpy ako ngayong binuhusan ng yelo sa labis na hiya.  "Jan ka na sis close naman kayo di ba? Wag ka na maginarte jan."

"Sorry,"nahihiya kong sambit dahil napadagan ako sa kanya nang hindi inaasahan. Ngumiti lang naman siya at inayos ang headphone sa tenga niya. Nilagay niya sa bag na kandong niya ang tablet at pumikit na. Kinandong ko na lang din ang bag ko para may sandalan ang ulo ko sa pagtulog mamaya.

Ako naman ay parang istatwa na hindi makagalaw ng maayos dito sa tabi niya.  Hindi kasi ako sanay sumakay sa bus at pakiramdam ko ay masusuka ako sa oras na umandar na ito.

Napalingon naman ako kay Jayza na nakikipagchikahan na ngayon sa katabi niyang lalaki. Ang landi talaga ng bruha. Nahihiya akong magsabi sa katabi ko na palit kami. Gusto ko kasi sanang sa tabi ng bintana para makalanghap naman ako ng hangin at hindi masuka. Walang aircon ang bus na ito kaya sobrang naiinitan na ako ngayon.

"Za—Zadkiel,"tawag ko dito habang tinatapik ang balikat nito. Minulat naman nito ang mga mata  "Pu-puwede bang palit tayo ng pwesto. Mahiluhin ako sa bus eh lalo pag malayong byahe. Okay lang ba?" Nilakasan ko na ang loob na magsabi sa kanya. Baka kasi kapag hindi ko ginawa ay parehas kaming malintikan kapag nasukahan ko siya.

"Okay lang  naman," nakangiti nitong tugon. Tumayo naman ako para makalipat siya. Matapos siyang makalipat ay pumunta na ako sa tabi ng bintana. Muntikan pa ako matumba mabuti na lang at nahawakan niya ako.

"Thank you," sambit ko. Inilabas ko na lang ang phone ko para libangin ang sarili. Hindi ko alam kung bakit sobrang naiilang ako ngayon kay Zadkiel. Ilang sandali pa ay umandar na rin ang bus. Napapikit ako nang maramdaman ko ang hangin mula sa bintana nito. Sarap sa pakiramdam para ako ngayong nakalaya sa sampung taong pagkakakulong.

Ilang sandali pa ay naningil na ang konduktor ng pamasahe. Nang makalapit ay agad kinuha ni Zadkiel ang wallet niya. "Dalawa pong Grand Terminal Lucena,"sambit nito.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon