LOTC 26

25 4 0
                                    




*StrongerFriendship

CHACE

Ilang sandali pa ay halatang lasing na si Zadkiel. Kung ano-anong hinanakit sa parents niya ang sinasabi niya. Pati na ang hindi pagpili sa kanya ni Bridget. Nakatingin lamang naman ako sa kanya habang nagrarant siya sa tabi ko. Alam kong mahirap para sa kanya ang lahat ng pinagdadaanan niya kaya it dinaan niya sa alcohol ang lahat. Ang samahan siya na lang talaga ang kaya kong magawa nang kahit paano ay maramdaman niya na hindi siya nag-iisa.

"Uy hindi mo na kaya,"sabay alalay sa kanya. Bigla kasi siyang tumayo at muntikan ng matumba. Kung magmomotor siya ay delikado.

Ilang segundo pa ay bigla na siyang natumba nang tuluyan sa damuhan dahil sa kalasingan. Hindi ko alam kung paano ko siya maiihatid. Wala naman akong kakilala dito at nahihiya naman ako sa ibang tao na naririto. Naupo ako sa damuhan at kinapkapan siya. Tawagan ko na lang siguro ang kuya niya. Sana lang ay walang password or something sa phone ng taong ito. Nakapa ko sa kabilang bulsa ang phone niya. Naiilang man ay nakuha ko pa rin ito.

Buti walang password!

"Hello po Kuya Ram,"bungad ko nang sagutin nito ang aking tawag.

[Oh Saju nasaan ka na naman?]

"Si Chace po ito iyong kaibigan ni Zadkiel. Andito po kasi kami sa park at lasing na lasing po siya. Hindi ko naman po siya kayang ihatid."

[Ah sige puntahan ko kayo jan. San ba yan?]

Matapos kong sabihin ang address ng park na ito ay ibinalik ko ng muli sa bulsa niya ang cellphone. Napatingin ako sa natutulog na si Zadkiel. Inayos ko ang nakalaylay na salamin niya at muli siyang pinagmasdan. Crush ko siya ng ilang years at kahit na alam kong wala kaming chance na maging higit pa sa kaibigan, patuloy pa rin siyang sinisigaw ng baliw kong puso.

Ilang sandali pa ay dumating na rin si Kuya Ramiel. Tinulungan ko siyang alalayan si Zadkiel papuntang kotse. Matapos naming mailagay sa backseat si Zadkiel nang pahiga ay sinabi ni Kuya Ram na ihahatid na niya ako. Hindi naman na ako tumanggi dahil mahirap nan gang maghintay ng sasakyan sa ganitong oras. Naupo ako sa tabi ni Kuya. Nagsimula ang biyahe at puro kwento si Kuya Ram tungkol kay Zadkiel. Sobrang kulit daw nito lalo noong bata pa siya. Kung ano-anong epic moments daw ang nangyari dito kabilang na ang pagkalunok ng limang piso. Mabuti na lamang at naagapan at hindi umabot sa point na operahan ito.

"Sorry at inabala ka pa ng kapatid ko,"napatingin ako sa kanya.

"Naku ayos lang naman hindi naman po ako busy. Saka marami na ring naitulong sa'kin si Zadkiel at gusto ko lang din bumawi kahit sa simpleng paraan."

"Broken bai to at naisipang uminom?" Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tanong na iyon. Pero mukhang hinihintay niya sagot ko kaya wala akong choice.

"Broken nga po. Hindi siya pinili ng nililigawan niya."

"Naku ngayon lang yan naging ganyan dahil sa babae. Sa mga Ex-girlfriend niya hindi naman yan naglasing nang todo noon eh. Iba talaga ang epekto ni Bridget sa kanya."

Alam ko naman na iyon pero ang sakit pa rin talaga kapag naririnig ko. Mga babae ang tanging nagugustuhan ni Zadkiel. Anong laban ko doon? Isa lang akong bading na para sa kanya ay kaibigan lamang. Gusto kong umiyak pero tinatatagan ko lang ang loob ko. Ayaw kong magtaka si Kuya Ram.

"Salamat Kuya,"sambit ko pagkababa sa tapat ng apartment.

"Wala 'yon salamat din sa hindi pag-iwan sa kapatid ko." Ngumiti siya sa akin at napangiti na rin naman ako. Magkahawig nga sila ni Zadkiel. Parehas singkit ang mga mata nila. Ang kaibahan nga lamang ay wala siyang salamin at mas malaki siya kay Zadkiel.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon