LOTC 13

46 4 1
                                    

*HurtfulIntention

Matapos mag-relax sa park ay umuwi na rin ako. Hindi ako totally narelax dahil sa mga couple na naglalandian sa paligid ko. Pakiramdam ko ako na langa ng single sa mundo at kailangan kong magmadali na. Sana nandito ulit sa bahay sila Dad baka sakaling sumaya ako at malimutan ang problema.

"Oh Saju bakit ka nakasimangot jan?"tanong ng kuya ko.

"Kelan ba uwi nila Dad?"

"Ewan 'di ko rin alam." Naiintindihan ko naman na ginagawa nila iyon para sa future namin pero bakit kailangang palagi sila parehong wala.

"Alam mo Saju masanay ka na sa parents natin."

"Ang hirap din naman kasi nang ganito."

Tumingin na lang ako sa pinapanood sa tv. Si kuya naman ay busy sa paglalaro ng online game sa kabilang sofa. Nang mabored ako ay pinatay ko na lang ang tv at umakyat sa kwarto ko.

Naisip ko na lamang i-chat ang pinsan kong si Ozzy. Baka sakaling may maganda siyang advice na mabigay sa akin. Ozzy nickname niya lang 'yon ang real name niya ay Zedric naging Ozzy lang siguro dahil sa Z na start ng name niya. Hilig talaga sa Z ng pamilya namin.

Zadkiel Jude : psstt insan musta?

Seen

Zedric: ayos naman kaw ano kelangan mo at napachat ka bigla?

Seen

Zadkiel: love problem dude

Seen

Zedric: ito ba 'yong nakwento mo sa'kin noon 'yong sinapak ka

Seen

Zadkiel: oo siya nga ang kaso may nililigawan siyang lalaki

Seen

Zedric: aruy saklap bro hanap ka na lang ng iba

Seen

Zadkiel: siya lang sapat na

Seen

Zedric: ang korni mo na insan

Seen

Zadkiel: palibhasa happy ata lovelife mo ngayon eh

Seen

Zedric: kung alam mo lang

Hindi ko alam kung anong oras kami natapos mag-usap ni Ozzy. Kahit papaano ay nawala ang bigat sa loob ko. Kinabukasan ay maaga akong nag-jogging sa subdivision kung saan nandoon ang bahay namin. Panay kamustahan lang kami sa buhay ng isa't-isa. Sayang nga lang at magkaiba kami ng school dalawa. Mas masaya siguro kung magkasama kami.

"Zadkiel," dinig kong boses ng babae. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Kilala ko na kung sino iyon at ayaw ko siyang makita. Siguradong masisira lang ang araw ko dahil sa kanya.

Nang makarating sa tapat ng gate namin ay doon pa lamang niya ako naabutan. "Pinagod mo pa talaga ako," saad niya habang humihingal. Aba wala naman akong sinabing sundan niya ako.

"Oh andiyan ka pala," kunyaring gulat kong saad.

"Tara sa mall, Kiel."

"Sorry busy ako eh maraming assignments."

"Haler Sabado pa lang ngayon,"tugon niya.

"Dara wala ako sa mood lumabas today. Kung gusto mo mag-mall pumunta ka mag-isa or hanap ka ng ibang makakasama. Basta ako unavailable ako sa ngayon."

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon