LOTC 24

35 4 3
                                    

*HopeAndAssumptions

CHACE

Ilang araw na ang lumipas at masakit pa rin sa akin na malamang nanliligaw na si Zadkiel kay Bridget. Alam kong aabot talaga sa puntong ito pero sadyang mahirap maging handa sa ganoong klaseng pagkakataon.

"Anyare sa'yo hindi pa Biyernes Santo sis," bati ni Jayza sa akin na kadarating lamang.

"Ang sakit kasi na wala akong magawa."

"Naku move-on ka na rin sis. Marami namang ibang mas deserving mahalin. And speaking of..."

Bigla siyang napatingin sa pintuan ng coffee shop. Kaya naman sinunod ko rin siya at doon nakita ko si Ozzy. Todo ngiti ito habang pumapasok. Kung pagmamasdan wala talagang bakas ng kabaluktutan ang talng ito.

"Good evening guys," agad nitong bati nang makalapit sa aming pwesto.

"Good evening Sher Oshie," maarteng sambit ni Jayza. Ngumiti lang naman ako sa kanya bilang bati.

"Musta ka Cheese?"
Napakunot bigla ang noo ko nang marinig iyon. Cheese ang palagi niyang tinatawag sa akin imbes na Chace.

"Okay naman, po Oishy" ganti ko sa kanya.

"Cute niyo daig niyo pang mag-jowa may pa-call sign na eyyy." Binatukan ko si Jayza matapos niyang sabihin iyon. Baka kung ano pang isipin nitong si Ozzy.

"Manahimik ka jan Jayza," bulyaw ko.

"Tara," muli akong napabaling kay Ozzy. Tama ba ang pagkakarinig ko?

Nang mga nagdaang araw ay palagi siyang pumupunta dito at masasabi kong close na nga kami. Marami na kaming na-share sa buhay ng isa't-isa.

"Saan?"

"Basta," tugon niya.

"Sir Ozzy nagtatrabaho po ako dito. Nakakahiya naman po kay Ma'am Yvonne."

"She's my Mom at ako ang bahala sa'yo. Gusto ko lang mag-enjoy ngayong gabi at magagawa ko lang iyon kung kasama ka."

Sa sinabi niya ay para bang wala na akong choice. Kaya naman agad kong inalis ang apron na nasa harapan ko.

"Sorry sis ha," paalam ko kay Jayza.

"Keribels para sa lovelife," biro niya pa.

"Gaga friends lang kami okay! Bye na ulit."

Agad na akong sumunod kay Ozzy palabas. Kung saan kami pupunta, wala akong idea. Ayaw ko nga sana pero sadyang mapilit ang isang 'to. Mukhang wala siyang dalang sasakyan at hanggang ngayon ay naglalakad kami.

"Ahmmm saan tayo pupunta?" tanong ko. Hindi ko na napigilan pa dahil kanina pa kami tahimik pareho habang naglalakad sa madilim na kalye.

Pero imbes na sumagot ay kumaway lang siya kung saan. Nang lumingon ako ay tricycle iyon at pinapara niya pala. Mabuti naman at medyo nakakangawit din talaga ang maglakad.

Sumakay kaming pareho sa loob. "Alam kong pagod at puyat ka na. Ganoon din ako sa school works kaya naisip kong isama kita sa lugar na magpaparelax sa'tin."

"Okay," tipid kong tugon. Ilang minuto rin ang naging biyahe namin.

"Para na po Manong," sabay baba niya at pumunta sa driver. Nagbayad siya at ako naman ay bumaba na rin.

Nasa isang parke kami kung saan wala na masyadong tao. May malaking fountain sa gitna at may iba't-ibang kulay ng ilaw sa paligid.

"Tara," sambit niya sabay hawak sa kaliwang kamay ko.

Ayaw kong mag-isip ng kung ano pero hindi kaya may something siya sa'kin. Assuming na kung assuming pero sa bawat titig niya at paghawak sa akin mayroong kakaiba. Kapag tatanungin ako ngayon kung ano nararamdaman ko sa taong ito, siguro pagmamahal bilang kaibigan. Sobrang bait niya sa akin at para akong nagkaroon ng kapatid sa kanya. Katulad lang ng kay Bridget. Pero hindi ko naman isasarado ang pintuan. Sa sobrang kabaitan niya baka mahulog din ako sa kanya at tuluyan ng kalimutan ang nararamdaman ko kay Zadkiel.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon