LOTC 69

8 2 0
                                    

*EveryPiecesOfYou

CHACE

Dalawang linggo na ang nakalipas nang magising ako mula sa coma. Paunti-unti ay bumabalik na ang energy ko. Sumasabak pa rin naman ako sa mga kung ano-anong health related care activities para bumalik agad ang lakas ko.

Pero kahit pa nagiging maayos na ang lahat sa akin may isa pa akong gustong makita at mayakap. Hindi ko alam kung anong meron at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik dito sa Pilipinas. Kahit pa si Tito Rod na naging doctor ko ay hindi na siya macontact. Ayon dito ay may trabaho ito doon sa US na kailangang gawin bago bumalik. Gaano pa kaya siya katagal doon?

Tandang-tanda ko pa kung paano niya ako inalagaan noong may sakit ako. Kung paano niya ako papangitiin sa mga simpleng bagay. Dinala pa nga niya ako noon sa KNH Church. Sobrang saya ko nang araw na 'yon dahil bukod sa nakaakyat kami sa groto ay nakita ko pa si Jayza. Nakapagbonding kami noon. Hindi ko akalaing papalitan agad 'yon ng matinding sakit.

Nandito kami ngayon sa harap ng bahay namin. Naglagay lang ng mga table at upuan. Malawak naman ito kaya tamang-tama lang. Andito ang mga malalapit sa akin. Simpleng salo-salo lang at pasasalamat na rin sa paggaling ko.

"Sissy okay ka lang ba? Maayos ba ang pakiramdam mo?" Sunod-sunod na tanong ni Bridget.

"Oo namimiss ko lang si Zadkiel. Nakakainis na hindi man lang siya mag-update kung anong lagay niya sa US."

"Malay mo bigla na lang siyang sumulpot dito mamaya."

"Ayokong umasa ilang araw ko na ginagawa 'yan."

"Sige kausapin ko lang si Oliver."

Iniwan naman niya ako sa table. Maya-maya ay naupo naman sa tabi ko si Ozzy. "Bakit hindi mo kasama si Cyrus?"

Umiling siya at kitang-kita ang pagdaloy ng kalungkutan sa mga mata. Mukhang may problema na naman silang dalawa.

"Nag-away kayo?"

"Wala na kami Chace,"puno ng lungkot na sambit nito. Hindi ko inexpect na ang ilang taon nilang relasyon ay tapos na pala.

"Anyare?"

"Wala ahmm ano ba 'yan thanksgiving party 'to hindi dapat ako nagdadrama sa harapan mo."

"Sige kung ayaw mong pag-usapan."

"Chace thank you dahil kasi sa kabila ng lahat naging magkaibigan pa rin tayo. Hindi mo ako nilayuan kahit na umamin ako sa'yo noon."

"Ganon naman dapat e. Saka ang swerte ko kaya na naging kaibigan kita. Thankful din ako na bukod kay Zadkiel at Bridget may ikaw pa napagsasabihan ko ng mga problema."

Niyakap niya ako pagkatapos noon. Kumakain na ang iba sa paligid pero ito kami nagdadrama sa isa't-isa.

"Hello madlang pipol," dinig kong sigaw ng pamilyar na boses. Tumingin ako sa may gate at nakita ko siya. Nang makita ko siya ay agad akong tumakbo palapit sa kanya. "Kaloka baka madulas ka."

"Ano na buti nakapunta ka,"sambit nito.

"Lakas mo sa'kin e."

Nakuha ko kasi ang mga contact number at social media ni Jayza noong magkita kami noon. Kaya ayon nagkaroon na rin kami sa wakas ng communication.

"Kanino mo iniwan ang business mo doon?"

"Kila Mon,"tugon niya. Nakakamiss din talaga si Mon.

"Musta pala 'yon si Mon nakahanap na ba ng bebe?"

"Actually meron na asawa na nga niya e. Tagal rin bago siya nakamoveon kay Julia kaloka."

"Grabe lagi tayo magkausap sa phone tapos hindi mo man lang nababanggit."

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon