LOTC 22

29 5 4
                                    


*SilentlyHurt

CHACE

"Uy teh anyare sa'yo abot heaven ang smile mo jarn," napatingin naman ako sa katabi ko nang ma-realize ang ginagawa ko.

Nasa coffee shop ako at kanina ko pa pala nakangiti sa kawalan. "Wala," kunyaring seryoso kong tugon.

"Telege be,"hinawakan niya ako sa baba at tinitigang mabuti ang mukha.

" Uy ano bakit,"inalis ko ang kamay niya sa baba ko.

"Siguro pinakilig ka ng crush mo."

"Huh? Hindi ah."

"Ganyan din sinabi ng kakilala ko na hinalikan ng crush niya."

"Anong halik ka jan walang halik."

"Eh ano lang?"

Hindi ko na napigilan pang muli ang ngiti nang maalala ang nangyari kanina. Mababaw na kung mababaw pero kinilig talaga ako nang tanungin niya kung magugustuhan ko siya. Dinagdagan niya ng kung babae ako pero ayos lang. Iba pala talaga ang dating kapag narinig ang mga katagang tulad no'n sa kanya.  Pero nasabi kong iba ang crush ko at hindi siya sa sobrang kaba.

"Wala back to work na oh may customer,"sabay tayo at harap sa customer.

Natapos ang shift at ayon talagang napilit niyang i-kwento ko sa kanya. 'Yon tama ako sa  inaasahan kong reaction niya. Masyado nga talaga akong mababaw para kiligin nang todo sa ginawang 'yon ni Zadkiel.

"So dito na rin siya mag-aaral next year?"tanong ko kay Bridget. Nakaupo kami sa bench dito sa court habang naghihintay sa bell. Kinuwento  niya sa'kin iyong about kay Ivan na childhood friend niya. Ilang taon na raw ang lumipas nanag napagdesisyunan ng pamilya nito ng lumipat. At ito nagbabalik sila sa luma nilang bahay dahil sa paghihiwalay ng parents niya. Nanay na lamang nito ang kasama niya at ang kapatid naman niyang lalaki ay nasa tatay niya kasama ng kabit nito.

"Oo kakatapos  lang ng moving up niya sa school niya dati bago pa sila lumuwas dito."

"Crush mo siya?"tanong ko.

"Hindi... grabe ka Chaddy  parang kapatid ko na 'yon."

"Ah gano'n ba,"ngiwi kong tugon. So malaki pa rin talaga chance ni Zadkiel sa kanya. Akala ko pa naman ngayong may Ivan na mawawalan na ng chance ang mokong.

"Ikaw ba sinong crush mo?"Natigilan ako nang itanong niya 'yon. Dapat ko na nga bang aminin sa kanya? Hindi na lang muna siguro. Itatago ko na lang muna ang nararamdaman ko dahil iyon ang nararapat.

"Huh? Wala pa sa isip ko mga ganyan."

"Eh talaga ba Chaddy,"pangaasar pa niya. Mabuti na lang at biglang sumulpot si Zadkiel at Oliver. Punong-puno pa yata ang bibig ni Oliver dahil nakaumbok ang magkabilang pisnge nito.

"Oh andito pala kayo,"masiglang bati ni Zadkiel. Bigla niyang iniabot kay Bridget ang isang plastik. Habang pinapanood ko sila may kung anong kirot sa loob ko. Alam kong darating ang puntong ito kung saan masasaktan ako nang sobra pero hindi ko akalaing kaibigan ko ang magiging dahilan. "Tig-isa kayo ni Yadler jan."

Binigay sa'kin ni Bridget ang isang bote ng softdrinks. Ngumiti naman ako para ipakita sa kanila na wala akong nararamdamang selos. "Grabe hindi pa rin ako makapaniwala na hindi ka na galit kay Zadkiel, Bridget." Sambit ni  Oliver na mukhang kakalunok lang ng kinakain.

"Naisip ko kasi wala na rin namang sense kung magiging masungit ako kay Zadkiel."

"By the way free ba kayo sa Saturday night? Manonood kasi kaming sine."

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon