The Side of an End

11 2 0
                                    


CHACE YADLER

Naglalakad ako sa isang malawak na damuhan. Ang sarap sa pakiramdam ng pag-ihip ng hangin para bang pinapatulog ako nito. Makikita rin sa paligid ang nagagandahang mga bulaklak. Maririnig din ang mga huni ng ibon. May mga kuneho ding naghahabulan.

Anong lugar ito?

Napatanong na lang ako sa aking sarili dahil wala naman akong makitang ibang tao na naririto. Bigla kong naalala lahat ng nangyari nitong nagdaang mga araw. May brain tumor ako kaya sobra-sobrang sakit ang nararamdaman sa bawat araw. Pero ngayon wala akong maramdamang kahit anong sakit.

Ang gaan lang sa pakiramdam dito sa lugar na ito. Kung puwede lang manatili na lang dito.

Wait! Bigla kong naaalala na ooperahan na ako. O naoperahan na kaya nandito na ako? Baka hindi naging successful ang surgery kaya nasa langit na ako? What ganito ba ang itsura ng langit?

"Anak," ang malambing na boses na 'yon ang nagpatigil sa akin. Agad akong lumingon para hanapin kung tama ba ang naiisip ko. Doon nakita ko ang isang babaeng nakaputing kasuotan.

"Ma,"hindi na ako nagdalawang isip pang tumakbo at yumakap sa kanya. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ang mayakap muli ang nanay ko! "Sa wakas Mama nakita na kita."

Bumitaw muna ako sa pagkakayakap sa kanya. Hinarap ko siya at tiningnan sa mga mata. Nakangiti siya ngayon sa akin. Para bang buhay na buhay siya ngayon. Sana totoo na lang lahat ng 'to. Kung panaginip man ayoko na magising. O kung nasa langit na ako at susunduin niya na willing na akong sumama.

"Anak successful ka na a. Natupad mo na mga pangarap natin."

Walang tigil sa pag-agos ang luha mula sa mga mata ko. Ang saya-saya ko ngayon dahil naririnig ko ulit ang nanay ko.

"Ma ang daya lang dahil hindi na kita nakasama sa mga panahong 'yon. Mas masaya sana kong habang natutupad ko ang mga pangarap natin nasa tabi kita. Sabay nating isi-celebrate ang bawat tagumpay. Sana nakikita mo man lang lahat ng 'yon."

Pinunasan niya ang basa kong pisngi. Ngumiti siya muli sa akin. "Sino bang may sabing hindi ko nakikita ang lahat ng achievements mo? Kung alam mo lang kung gaano ako kaproud sa'yo."

"Talaga? Pero Ma nasaan ba tayo? Susunduin mo na ba ako? Baka puwedeng magpaalam muna tayo kay Papa."

"Marami ka pang mararating sa buhay. Hindi pa dito natatapos ang lahat para sa'yo."

"Mama puwedeng bang bumalik ka na. Baka may paraan pa. Gusto ka pa naming makasama."

Ang bigat sa dibdib na baka ito na ang huli naming paguusap ng nanay ko. Gusto ko pa siyang makasama nang matagal.

"Hindi puwede e. Pero ito ang lagi mong tandaan. Mahal na mahal kita at palagi lang kitang pinapanood mula dito. Sa bawat achievements mo sa buhay isipin mo na masayang-masaya din ako."

Niyakap ko na lang ulit siya. Kung huli na 'to gusto kong sulitin. Ang iksi lang ng panahong nagkasama kami ng nanay ko. Kahit sa panaginip mayakap ko man lang siya nang matagal. Maramdaman kong buhay pa siya.

Natigilan ako nang unti-unting naglalaho ang imahe ng nanay ko. Ngumiti siya sa akin at ito ako naluluha na naman.

"Mama mahal na mahal din kita. Kung puwede lang mabuo pa ulit ang ating pamilya. Mas masaya kung kasama ka namin." Bago pa man siya tuluyang naglaho sa paningin ko ay sinabi niya ulit na mahal na mahal niya ako. "Ma," sigaw ko na lang.


Matinding liwanag ang sumilaw sa aking mga mata. Napapakit na lamang ako dahil doon. At nang unti-unti kong imulat ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang puting kisame. Tunog ng mga machine ang nangingibabaw ngayon.

"Sis,"masayang sambit ng kapatid ko. Kita sa mata nito na galing siya sa pag-iyak. Ngayon ay napalitan ng saya ang ekspresyon niya dahil gising na ako. Tinawag niya ang mga nurse at doctor para icheck ako. Maya-maya pa ay pumasok na rin si Papa. Kita rin sa mukha niya kung gaano siya kasaya.

I'm back! Pero nasaan siya?

LOVE OUTSIDE THE CLOSET

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon