LOTC 42

10 0 0
                                    

*OutOfControlRevelations

"Kayo po ang tatay ko?" tanong ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagawa ko iyong itanong. Basta ang alam ko matagal na akong nangungulila sa isang ama. Isang ama na ipinagkait sa akin ng tadhana. 

"Hindi," ang isang salitang iyon ang bumasag sa lahat ng imagination ko. Bakit ko nga naman magiging tatay ang isang doctor. E sa isang one night stand lang naman ako nabuo. At mukhang hindi pa kilala ng nanay ko!

"Ysay is my friend since highschool. Nito lang ulit kami nagkita nang makita ko siya sa hospital. Sumabog pala ang sinasakyan niyang eroplano. Anak she's not my mistress. And first of all wala akong kabit so please stop overreacting."

Nagulat ako nang biglang magsalita si Zadkiel. Nasa may tabi ko nga pala siya ngayon na nakalimutan ko na rin dahil busy ako maki-Marites sa pagtatalo ng mag-ama. At mukhang kanina pa rin focus ang loko sa pakikinig. 

"All this time hindi ko alam kung bakit parang familiar ka sa'kin Tita Carissa now narealize ko na ikaw ang nakita kong kausap noon ni Tito Rod sa may labas ng bahay nila noon," sambit ni Zadkiel. Hindi naman na nagsalita pa ang dalawa sa sinabi ni Zadkiel.  

"So Dad you want me to believe na friends lang kayo?"

"Because that is the truth," ramdam ko na naiinis na rin ito kay Dara. "You wanna knows my true secret? Ang sikretong matagal kong kinikimkim sa loob ko?"

Nagulat ako sa narinig mula sa Dad ni Dara. Para tuloy akong nanonood ng isang teleserye kung saan may malaking rebelasyon. Nanatili ang akong nakatingin sa kanila habang nagaabang sa mga susunod na sasabihin ni Tito Rod.

"Matagal kong itinago ang sikretong ito. Kahit pa namatay na ang mga magulang ko na nagtulak sa'king gawin ito. Anak the main reason kung bakit magkiabigan kami at pinagkamalan akong may mistress ng Mom mo ay dahil..." Hindi agad masabi ni Tito Rod ang kasunod na mga salita. Kahit ako ay kinakabahan para sa kanya. Imagine sa likod ng pagiging successful niyang doctor may malaki pala siyang sikreto. 

"Dahil what? I'm fucking tired of this. Pagod na akong makinig sa mga palusot mo."

"Anak I'm gay! A closetted gay." Nang marinig ko 'yon ay nagulat ako. Ang totoo lahat ng tao dito ay nagulat sa narinig. Sinong mag-aakalang ang doctor na nasa harapan namin ay part pala ng community. 

Napatingin ako kay Dara na basang-basa na ang pisngi sa pag-iyak. Alam kong ayaw niya sa mga bading na tulad ko pero ano kayang gagawin niya ngayong nalaman niyang pareho kami ng Dad niya. 

"Matagal kong itinago ang lihim na 'to kasi ayaw kong masaktan ko kayo. This is my secret since nalaman at nakilala ko ang sarili ko. Nagpakasal ako kahit hindi ko mahal ang Mommy mo kasi iyon ang matagal ng desisyon ng mga parents namin. Pero kahit na wala na sila hindi ko magawang ipakilala sa'yo ang totoong ako kasi natatakot ako na baka pati ikaw mawala sa'kin. Tumigil man ang Mommy mo sa pang-aaway sa'kin after kong aminin ang totoo lumayo naman siya sa'kin. I'm sorry anak kung bakla ako."

Pati ako ay naiyak na sa mga sinasabi ni Tito Rod. Ramdam na ramdam ko ang bawat salitang binibitawan niya dahil napagdaanan ko din 'yon. Mahirap magtago sa closet lalo na kung alam mong marami ang maaapektuhan once na mag-out ka. Gusto ko tuloy siyang yakapin ngayon kahit hindi kami close. Gusto kong iparamdam sa kanya na magiging okay din ang lahat.

"What? Are you kidding me? I-ikaw? Bak-" Hindi na siya makapagsalita nang maayos dahil sa pagkabigla. Agad siyang tumalikod at unti-unting naglakad palayo. Bigla naman itong tumigil matapos ang ilang hakbang. Humarap ito sa tatay niya at muling nagsalita. "So all this time I am hating on gays like Chace Yadler without knowing that my father is also gay! I'm so stupid na paniwalaan kong I have the perfect father. Pero hindi! Wala akong tatay na sinungaling at bakla!"

Tuluyan na siyang tumakbo palabas. Napatingin naman ako kay Tito Rod na umiiyak pa rin hanggang ngayon. Ang sakit naman kasi ng mga sinabi ni Dara. Kahit na ganito ang tatay niya hindi pa rin 'yon sapat na dahilan para pagtaasan niya ng boses ito. Bali-baliktarin man ang mundo tatay niya pa rin ito.

Naglakad si Zadkiel palapit kay Tito Rod at niyakap ito. "Everything will be okay. Hindi man ngayon pero balang araw matatanggap ka rin ng mga mahal mo."

"Tama siya Rody matatanggap ka rin nila,"sambit naman ng nanay ko.

"Sana nga," tugon ni Tito Rod.

"O anong nangyari?"walang idea si Aling Cedes sa kung anong ganap sa canteen niya dahil natutulog siya kanina sa bahay niya.  Kaya ngumiti na lamang kami sa kanya.

---------

Nagmi-meryenda kami ngayon ni Bridget at Zadkiel dito sa school canteen. Magkatabi kami ni Zadkiel dito sa upuan at katapat naman namin si Bridget na kumakain ngayon ng burger.

"Cute niyo pero huwag naman magsubuan sa harap ko," saad ni Bridget.

"Gaga baka marinig ka ng mga estudyante dito kung ano pa isipin."

"Ng pagkain kasi, grabe ang green minded mo talaga Chaddy."

Kahit magkatabi kami ni Zadkiel ngayon ingat pa rin kami sa mga kilos namin. Alam kong maraming mata ang nakapiligid sa amin. Ayokong malaman nila ang tungkol sa amin dahil hindi pa ready ang boyfriend ko.

"Si Ivan okay lang ba na kami ang kasama mo at hindi siya?" tanong bigla ni Zadkiel. 'Yon nga din ang nasa isip ko. Alam kong hindi pa rin okay si Ivan at Zadkiel at kapag nakita niya kami na kasama ni Bridget baka magalit ito. And speaking of the devil andito na nga siya.

"Bridget tara na," sambit nito. Iyong sa tono na para bang walang ibang choice si Bridget kundi sumama sa kanya. 

"Mam-" hindi na nakapagsalita pa si Bridget nang hilahin siya nito. Nagulat ako sa ginawa ni Ivan kaya napatayo na agad ako.

"Ivan ano ba huwag mo ngang ganyanin si Bridget,"inis kong bulyaw. Wala naman itong pakialam at hinila pa palabas ng canteen si Bridget. Agad naman kaming sumunod at pinabyaan na ang mga natitirang pagkain sa table.

Naabutan namin sila sa likod ng isang classroom at mukhang nagtatalo sila. Agad akong lumapit doon para awatin ang dalawa. Buong akala ko ay magiging okay na sila dahil ayon kay Bridget nagbago na raw ito. Ngunit ngayon mukhang wala pa ring pinagbago ang kayabangan ng isang 'to.

"Tigilan mo na nga si Bridget!" Sigaw ko.

"Oo nga wala naman siyang ginagawang masama. Kung ano mang issue mo sa'kin sana kalimutan mo na 'yon. Matagal na akong nakamove-on sa kanya." Napatingin ako kay Zadkiel. Ramdam ko sa tono ng boses niya na inis na siya sa mayabang na ito.

"Wala akong pakialam. Mas mabuti pa kung umalis na kayo dito. Iwan niyo kami!"

Mabuti na lamang at walang tao sa paligid namin ngayon dahil karamihan ay bumabalik na sa mga room nila. Kami na lang nga yata ang natitira dito at dahil 'yon sa bwiset na 'to. Wala na kaming sinabi pa dahil mukhang sarado ang maliit na utak ng gunggong na 'to.

"Kung ganyan ka mas mabuti  na ngang tapusin ang kung anong meron tayo. Akala ko noon nagbago ka na mali pala ako. Hindi na talaga ikaw ang kababatang nakilala ko noon."

"Talaga? Hihiwalayan mo ako? Kaya mo?"

"Oo! At mula sa araw na ito  tinatapos ko-" hindi na natapos pa ni Bridget ang sasabihin nang  muling magsalita si Ivan.

"Kapag nakipagbreak ka sa'kin ipagkakalat ko sa buong school at sa lahat ang relasyon ng mga baklang mong kaibigan."

Matapos kong marinig ang sinabi ni Ivan ay nakaramdam ako ng kaba. Alam na niya ang tungkol sa'min! Sinabi ba ni Bridget? Paano kapag pinagkalat niya ang tungkol sa'min?  Hindi pa kami handang ihayag ang kung anong meron kami!

LOVE OUTSIDE THE CLOSET











Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon