LOTC 63

9 1 0
                                    


*NeverForget

"I'm sick,"sambit niya na na nagpatigil sa mundo ko. "Ayaw ko lang na maiwan ka at maramdaman mo ulit ang sakit na pinaramdam ko sa'yo noong hiniwalayan kita."

Tuluyang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa narinig. May sakit siya?!

"Sasamahan kitang labanan kung ano mang sakit ang meron ka."

Umiling siya. "Zadkiel hindi. Hindi ganoon kadali!"

Ano nga bang magagawa ko? Wala naman akong kapangyarihan para gamutin siya. "I love you," tatlong salitang namiss kong sabihin sa kanya.

"I have to go,"agad siyang tumalikod ng sabihin niya iyon. Naglakad na  siya papasok sa loob ng venue at naiwan akong tulala. Siguro nga huli na ang lahat para sa'min.

Umuwi na rin ako agad. Hindi ko na alam kung anong dapat gawin. Tama ba na layuan ko na siya at tuluyang magmove on? Pero ngayong nalaman ko ang dahilan ng pag-iwas niya may kung ano sa loob ko ang mas nagtutulak na huwag siyang sukuan.


Kinabukasan ay naisip kong puntahan siya ulit. Baka sakaling maging okay ulit kami. Dumaan muna ako sa palengke para bumili man lang ng prutas sa para kanya.

Naglalakad ako sa hanay ng mga prutas at namimili kung saan bibili nang may mabangga akong ale. Napaupo tuloy ito at pinulot ang mga dalang gulay na natapon dahil sa akin.
Medyo magulo ang buhok nito dahil hindi nakatali kaya natatabunan din nito ang kanyang mukha.

"Sorry po,"sambit ko habang inaalalayan siya tumayo.

"Okay lang hijo,"nang marinig ko ang boses niya ay natigilan ako. Bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil doon.

Hindi pa ako handang makaharap ka ulit!

Nang unti-unting nag-angat ng tingin ang ale ay napaiwas ako ng tingin. Sana ay hindi siya ang iniisip ko.

"Anak," doon muli ko siyang tiningnan. Tama nga ako! Ang taong matagal ko nang kinalimutan. Sa mga nangyari sa buhay ko masasabi kong mas naging masaya ako nang nawala siya sa buhay ko.

Hindi ko siya agad nakilala dahil ibang-iba na siya. Wala na ang mga mamahaling alahas sa katawan niya at mga mararangyang kasuotan. Simpleng bestida ang suot nito na kulay asul at may design na mga bulaklak. 

Walang lumabas na kahit ano sa aking bibig. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang kausapin at tawagin man lang na ina.

"Namiss kita sobra anak,"niyakap niya ako pagkasabi pa lang. Hindi ako nakagalaw. Ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ay walang balak na suklian ang yakap niya. "Anak puwede ba tayo kumain doon sa karenderya. Libre ko na anak. Namiss lang kita sobra. Sa social media lang kita nakikita palagi."

Hindi ko na maalala kung kailan ko siya huling nakita. Basta ang alam ko mula kinalimutan ko na siya at ang asawa niya. Pinatay ko na sila sa isipan ko.

Dinala niya ako sa isang karenderya. Bumili siya ng pagkain. Sinigang na baboy at adobong manok ang inorder niya.

"Anak kain na,"sambit niya.

"Anong nangyari sa'yo?" Iyon agad ang pumasok na tanong sa isip ko nang makita ang itsura niya.

"Ah hindi na ako nakapag-ayos kanina. Kailangan ko kasing makapagluto ng maaga para sa mga pasyente."

"Pasyente?"

"Ah doon sa mental na pinagdalhan sa'kin ng Kuya mo. Nang naging maayos na ang kalagayan ko naisip kong magtrabaho na lang doon."

Mental? Bakit hindi ko alam 'yon. 'Di man lang nabanggit ng kapatid ko sa akin.

"Bakit hindi ka bumalik sa bahay natin? O sumama man lang kay Kuya?"

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon