LOTC 38

26 4 0
                                    


*TheSuddenChanges

CHACE

"Oo sige po maraming salamat," dinig kong sambit ni Mama. May kausap siya ngayon sa phone at wala akong idea kung sino. Kakagising ko lang ngayon at siya ang bumungad sa akin sa kusina. Mukhang katatapos lang din niya magluto ng almusal.


Ito ang namiss ko talaga ang makita si Mama tulad noong bata pa ako. Palaging amoy ng niluluto niya ang gumigising sa akin sa umaga noon. At ngayon parang ibinalik ako sa panahong bata pa ako. Amoy na amoy ko nga sa ngayon ang sinangag at tuyo.


Umupo na ako at sumandok ng sinangag mula sa isang malaking plato. Nagtimpla na rin ako ng kape at saka naupo. Nakatayo naman si Mama sa may harap ko habang pumipindot sa phone niya. Mukhang may ka-text ito.

"Ma sino kausap mo?"tanong ko.

Lumingon siya sa akin at hindi pa rin naaalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Naupo ito sa may harapan ko at saka nagsalita. "Mag-almusal ka na anak lilipat na tayo ng bahay mamaya."

Natigilan ako sa sinabi niya. Ang ibig sabihin iiwan na namin ang apartment na 'to? Saan siya kumuha ng pera ngayong wala pa naman siyang trabaho?

"Ma saan ka po kumuha ng pera?"

"May trabaho na ako anak,"mahahalata talaga sa boses ng nanay ko ang labis na saya. "Natanggap ako sa isang canteen bilang waitress. At 'yong may-ari mayroong bahay na puwede nating tirahan. Doon na lang daw tayo kaysa magtiyaga sa mahal na apartment na 'to."

"So patitirahin niya tayo sa balor niya ng libre?"

Tumango naman agad si Mama. Ang saya sa pakiramdam na hindi na namin kailangang umupa sa mahal na apartment na ito.

"Malayo po ba dito?"

"Oo nakshie e pero ayos lang 'yon ang mahalaga hindi na natin poproblemahin ang pambayad sa bayad."

Inubos ko na ang pagkain sa plato at ang kape sa tasa ko. Tumayo na rin ako agad para mag-impake na ng mga gamit ko. Mamimiss ko ang lugar na ito pero mas makakabuti na ang paglipat namin kung saan man 'yong bahay ng amo ni Mama.

Alas-tres na ng hapon nang nakabiyahe kami papunta sa bago naming tirahan. Nagpaalam muna kami kay Aling Tess bago tuluyang umalis. Mamimiss niya raw ako sabi nito pero halatang plastik lang ang bruha. Muntikan pa nga niya akong mapalayas noong nalate ako ng bayad.

"Tabi lang po Manong," sambit ni Mama sa jeepney driver. Agad naman itong huminto sa tabi. Hinila ko na palabas ang ilang bagahe namin ni Mama. Tinulungan pa nga ako ng ibang pasahero sa pag-usod ng mga iyon.

"Salamat po,"sambit ni Mama. Agad namang umandar ang jeep nang makababa kaming parehas.

"Mudracles saan 'yon?"

Iba pa rin talaga ang pakiramdam ngayong very open na ako sa aking ina.

"Jan lang sa may kulay pink na gate," napatingin naman ako sa gilid at doon ko nakita ang gate na tinutukoy ni Mama. May isang matandang babae na may puting buhok na ang narinig namin.

"Uy Ysay anjan na pala kayo,"sambit nito.

"Aling Cedes,"bati ni Mama.

Pinasunod lamang kami ni Aling Mercedes. hanggang sa marating namin ang bahay. Bumungad sa'min ang dalawang palapag na bahay. May pintura iyong kulay pink. Mukhang hilig talaga ni Aling Cedes ang pink.

Dinala kami nito sa likuran at doon makikita ang simpleng bahay na gawa din sa semento. Malaki na rin iyon para sa amin. Higit na mas okay sa inuupuhan ko noon. May dalawa iyong kwarto at malawak na sala. May mga lumang gamit din doon si Aling Cedes kagaya ng sofa at apador.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon