LOTC 06

61 7 1
                                    


*TrustIssues

Parang kidlat lang na dumaan ang weekend dahil Monday na naman at kailangan kong pumasok ulit. Gusto kong simulan ang week na ito nang masaya at kaaya-aya. Sapat na iyong tinamo kong sakit last week na kagagawan lang naman ng isang bwiset na lalaki. Crush ko pa naman siya tapos kaya niya palang gawin ang bagay na iyon para lang sa gusto niya. Wala siyang pakialam sa mararamdaman ng iba ang mahalaga sa kanya ay mapatunayang siya ang mas deserving piliin at hindi ako.  Pinalampas ko iyong ginawa niya noong mga nakaraan pero ngayon ibang level na ito.

Major turn off to the highest level mga sis!

Naalala ko nga pala nag-chat siya sa akin kagabi. Nag-sorry ang hinayupak sa akin. As if naman paniniwalaan ko pa siya matapos ng mga panlilinlang niya sa akin. Sinama pa niya ako sa bahay nila para lang humanap ng alas laban sa akin. Kaya naman hindi niya ako masisisi kung hindi ko siya kayang paniwalaan. Baka nga nag-sorry siya sa akin para lang ma-impress si Bridget.

Maaga akong pumasok sa school dahil nga gusto kong simulan ang week na ito na puno ng positivity. Ngumiti muna ako saglit nang makarating sa may gate ng school. Tumingin ako sa pangalan ng school  na nasa bandang taas ng gate.

Kalayaan National Highschool

Simula ngayon wala ng pagpapanggap na magaganap. Hindi ko na kailangang magpakatigas sa harap ng iba. Makikilala na nila ngayon ang totoong Chace Yadler Derama. Hindi pa man ako nakakapasok ng gate ay biglang may humawak na sa braso ko. "I'm sorry,"sambit niya. Napatingin ako sa kanya at hindi ko napigilan ang ngumiti.

"Bakit ka nagsosorry ako nga ang dapat humingi ng tawad sa'yo kasi hindi ko sinabi sa'yo ang totoong pagkatao ko. Binigyan pa kita ng hope na magiging tayo."

"Pero sorry din kasi hindi kita pinansin agad. Sobrang nagulat kasi talaga ako sa nalaman ko about you."

"So friends?"nahihiya kong tanong.

"Friends,"ngumiti siya sa akin na para bang sinasabing okay na ang lahat. "Alam mo kung sinabi mo sa akin agad noon eh 'di sana naging besties na tayo agad. "

Sabay kaming pumasok sa loob ng campus. This is a new beggining! Magandang simula para sa bagong linggo. Masaya ako na okay na kami ni Bridget. Mula ngayon hindi ko na kailangang magpanggap na matigas!

"Chaddy blooming ka ngayon. Seryoso ba wala na akong chance sa 'yo? Kasi kahit ano ka pa man tanggap kita at mahal kita."biglang saad nito.

"Uy gaga okay na ako sa friends noh nandidire ako sa gusto mong mangyari. At oo nagpagupit na nga ako para sa bagong simula ng buhay ko."

"Buti naman pumasok ka na. Masaya akong makita kang nagiging okay na. At hayaan mo akong samahan ka sa bagong journey mo bilang ikaw."

"Pero promise walang malisya yan?"

"Joke lang yung kanina gusto mo hanapan pa kita ng boylet."

"Naku wala pa sa isip ko yan,"tugon ko.

Pumasok na nga kami sa loob at inaya niya ako sa canteen. Hindi kasi siya nag-almusal sa bahay nila. No choice naman ako kundi ang samahan siya.  Fried rice at hotdog ang binili ni Bridget. Ibibili nga niya sana ako kaso tumanggi ako dahil kumain naman ako kanina. Ang ending binilhan niya na lang ako ng limang pirasong puto.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon