PROLOGUE

288 14 7
                                    




"Chace Yadler please lang harapin mo ako."

Muli nitong sigaw sa likuran ko. Hindi ko siya sinunod bagkus ay mas lalo ko lang binilisan ang paglalakad. Halos patakbo na ako kung maglakad dahil ayaw kong maabutan niya ako. Sasakay na lang ako sa taxi para makauwi na.

Sana lang may dumaan agad!

Napangiti ako nang matanaw ko ang padaang taxi. Kulang na lang ay iharang ko na ang sarili ko sa gitna ng kalsada para lang makasakay ako agad. Gabi na at tanging mumunting mga ilaw sa poste ang nagsisilbing liwanag dito sa kalsada. Naglakad pa ako para salubungin ang taxi nang mas madali akong makasakay. Baka kasi maabutan ako ng hinayupak!

"Thanks God,"bulong ko sa sarili.
Agad namang nawala ang kasiyahang nararamdaman ko nang may humawak sa kaliwa kong braso."Ano ba bitiwan mo nga ako!"

Binitiwan naman niya agad ang braso ko at hinarap ako nang maayos. "Ano bang problema mo ha? Bakit bigla ka na lang nag-walk out sa dinner natin? Emergency?"

"Pagod na ako Zadkiel so please  hayaan mo na lang ako makauwi."

"Umamin ka nga sa akin. Ano bang problema?"

Ngumiti ako ng sarkastiko sa kanya. Seryoso? Hindi niya alam ang problema. 'Yan ang hirap sa kanya eh gusto niyang malaman ang problema pero ang totoo nasa kanya ang problema! Hanggang ngayon friend pa rin ang pakilala niya sa lahat including his family na kasama naming mag-dinner ngayon.

"Alam mo dapat kung ano.  Boyfriend mo ako pero bakit hindi ko 'yon maramdaman? Sa tuwing ipapakilala mo ako bilang kaibigan mo nasasaktan ako. Kasi pakiramdam ko hindi ako deserving ipakilala sa mundo."

Hindi ko na napigilan pang ilabas lahat ng sama ng loob ko. Ang tagal ko na siyang iniintindi at ngayon lang ako sumabog ng ganito. Nagsimula na rin ang pagpatak ng mga luha ko. Kita naman sa mata niya ang guilt nang marinig ang mga sinabi ko.

"I'm sorry."

"Sorry kung hindi ka kailanman magiging proud sa'kin? Hindi mo kayang ipagsigawan sa mundo ang tungkol sa'tin."

"Sorry kasi hindi ako kasing tapang mo."

Ang totoo niyan hindi naman talaga ako ganito katapang noon. Naging matapang lang siguro ako dahil na rin sa mga pinagdaanan ko. "Sorry din kasi hindi ko na kinaya ang gusto mo. Ang hirap ng ganito, Zadkiel. Para bang nakatago lang sa closet ang relasyon natin na ikaw lang ang bukod tanging makakapagbukas dahil nasa iyo ang bukod tanging susi. I just want to experience a relationship outside the closet, Zadkiel."

Nakatingin lang ngayon si Zadkiel sa kung saan. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Alam kong takot pa rin siya sa kung anong consequence kapag pinakilala niya ko sa pamilya at mga kakilala niya.

"Kung hindi mo kayang gawin ang gusto kong mangyari mas mabuting tapusin na natin kung anong relasyon ang meron tayo."

Mula pa noon expected ko na aabot kami sa puntong ito. Una pa lang kasi hindi na kapani-paniwala na magiging kami, na magkakaroon ng label ang relasyon namin. Hanggang ngayon nga tandang-tanda ko pa kung paanong nagsimula ang lahat sa pagitan namin.

*LOTCPrologue

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon