LOTC 04

57 6 0
                                    


*BehindTheSuddenChanges

Nagising ako na sobrang bigat ng ulo ko. Nang tumingin ako sa paligid ay natigilan ako. Hindi ito ang apartment ko. Ilang segundo pa ay naalala ko na ang nangyari kagabi. Nandito pa rin ako kila Zadkiel at hindi na nakauwi dahil sa labis na kalasingan. Ang huling naalala ko ay nang mag-ayang mag-inom itong si Zadkiel. Dahil nga patay na patay ako sa mokong na 'yon ay hindi ako nakatanggi. First time kong uminom.

Sa sofa nila ako nakatulog. Napalingon ako sa may hagdanan nang marinig ko ang mga yabag. "Oh Chace buti gising ka na. Sabay na tayong mag-almusal."

"Ah Kuya Ramiel si Zadkiel po?"tanong ko.

"Kanina pa pumasok sa school. Hindi ka na ginising at mukhang may hang-over ka pa."

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ako nakapasok dahil nalasing ako. Kung alam ko lang sana hindi na lang ako sumama. Teka bakit kaya hindi nalasing nang bongga yung dalawa. Dinaya ba nila ako o sadyang malakas lang ang tolerance nila sa alak at ako'y baguhan pa lang.

Hindi na ako sumabay pa magalmusal kay Kuya Ramiel. Umuwi na lang ako dahil kailangan kong pumasok. May quiz pa naman kami ng umaga! Pagdating sa apartment ay sobrang late na talaga. Medyo natagalan pa kasi bago paandarin yung jeep dahil kinailangan pa yung punuin. Mabuti at tinuro ni Kuya Ramiel ang sakayan kaya hindi na ako nahirapan pang maghanap. At dahil late na naisip kong mamaya na lang pumasok kahit half day.

Habang naghihintay mag-afternoon class ay naupo muna ako sa kama ko. Naisip kong tawagan si Mama. Hindi ko siya macontact. Kung kelan need ko na ng pera pambayad next week sa bahay. [Hello nak?"]

Finally!

"Ma kelan ka magpapadala? Lapit na kasi bayaran eh."

[Sa Linggo anak!]

"Sige po."

Binaba ko na ang cellphone ko sa kama at kumain na. Sobrang sakit ng ulo ko hanggang ngayon. Epekto pa rin ng bwiset na alak! Humigop ako ng kape baka sakaling mawala ang sakit na iyon. Kakainis sana talaga hindi na lang ako sumama kay Zadkiel!

"Oh Chace,"bati ni Bridget nang makita ako.

"Brid nagquiz kayo kanina?"tanong ko. Nandito kami ngayon sa room at katatapos lang maglaunch ng iba ang iba naman ay nasa labas pa dahil hindi pa naman time.

"Hindi natuloy wala si Sir Cruz."

Hays buti naman!

"Maka-Brid ka naman jan ano ako tinapay? Tulay ako noh." Pabiro pa niyang sambit. "So kung Brid ako tawagin naman kitang Chad!"

"Bakit Chad?"tanong ko.

"Pinaghalo ko lang first and second name mo. Anyway bakit di ka pala nakapasok kanina?"

"Mahabang kwento,"natigilan ako nang pumasok ng room si Zadkiel at Oliver. Wala talagang bakas na nalasing sila. Feeling ko talaga dinaya ako ng dalawang mokong na to.

"Zadkiel,"tawag ko dito pero hindi ito lumingon man lang. Hanggang sa pumasok na ang next teacher namin.

Iniisip ko kung anong kasalanan ko at hindi man lang siya namansin. Akala ko ba okay na kami? Kung may dapat mainis dito ako yon eh ako ang dinaya nila sa inuman.

Parang kidlat lang na dumaan ang pagpasok ko ng half day. Uwian na at ito ako ngayon inaayos ang mga gamit sa locker ko. Nang matapos ay sinara ko na iyon. Nakita ko si Zadkiel na kakasara lamang din ng locker niya. Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya.

"Zadkiel sandali,"pigil ko dito. Humarap siya sa akin nang may blangkong ekspresyon. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Hindi ako sanay makipagusap kaya hindi ko malaman kung saan nagmumula ang lakas ng loob na ito."May problema ba? Akala ko ba okay na tayo? Inaya mo pa nga ako sa inyo hindi ba? Pero bakit parang bumalik tayo sa dati na hindi mo ko pinapansin?"

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon