LOTC 08

46 5 0
                                    


*FindingMoney

Si Zadkiel ang nagsiwalat sa mga kaklase ko ng tungkol sa pagkatao ko. Hindi pa ako handa ng mga panahong iyon kaya sobra akong nasaktan na 'di niya ako hinayaang ipakilala ang sarili kong pagkatao. Pinangunahan niya ako sa karapatan kong iyon. Kaya naman pinangako ko sa sarili ko na kakalimutan ko ang espesyal na nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang sa ayon siya bigla na lang naging sobrang nice sa akin. Kaya naman hindi ko siya magawang paniwalaan. Baka kasi ginagawa niya lamang iyon para maging malapit kay Bridget. Na hindi talaga siya sa sincere at ang gusto niya lang ay mapatawad na rin siya ni Bridget sa ginawa niya sa akin.

Ngunit sa mga ginagawa ni Zadkiel ngayon parang unti-unti niyang napapatunayan na sincere siya sa akin. Kanina nga ay ang dami niyang nagawang kabutihan sa akin eh. Mula sa pagiging lutang ko sa pagbibigay niya ng tanghalian at sa pagtatanggol niya sa akin laban kay Darwin. Kanina nga ay parang nagbalik iyong feelings ko para sa kanya or should I say never naman talaga iyong nawala dahil pilit ko lang iyong tinatanggi.

Bukas na ang deadline na binigay sa akin ni Aling Tess. Natatakot ako dahil hanggang ngayon wala pa rin akong hawak na pera. Naiisip ko na nga na magbenta ng katawan para magkapera. O kaya naman ay magtulak ng droga para instant kita. Masyado na akong nababaliw dahil na rin  siguro sa gutom na nararamdaman ko.

Kinabukasan ay hindi ko alam kung papasok ako o hindi. Parang mas gusto kong maghanap ng pagkakakitaan. Sure kasi akong darating na si Aling Tess anytime kaya mas mabuti kung humanap na ako ng maiibayad sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako hahanap ng limang libo. Bahala na siguro si batman. Naisip kong hindi na muna  pumasok. Nagkape na lamang ako bago umalis kahit pa wala itong asukal. Ang hirap ng buhay ano na kayang nangyari kay Mama?!

"Please po tanggapin niyo na ako kailangan ko lang po talaga ng pera."

Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob kong iyon. Ganito talaga siguro kapag sobrang kailangan mo na ang isang bagay. Nandito ako ngayon sa isang karenderya nagsasabi ako sa may-ari na tanggapin na ako. Ngunit hindi pa raw nila kailangan ng tao dahil kumpleto pa naman daw.

"Sorry hijo maghanap ka na lang sa iba,"sambit ng babaeng may-ari ng karenderya.

Wala akong choice kaya naglakad na ako palayo para muling maghanap. Ilang karenderya, coffee shop at sari-sari store na ang napuntahan ko ngunit wala kahit isang tumanggap pa sa'kin. Nahihilo na nga ako dahil sa gutom sobrang init pa ng singaw ng kalsada. Naririndi pa ako sa ingay ng mga dumaraang sasakyan. Naupo na lang ako saglit sa isang tabi at napahawak sa noo.

Lord tulungan niyo naman po ako hinang-hina na po talaga ako.

Para bang narinig talaga ng Diyos ang dasal ko dahil isang lalaki ang nasa harapan ko ngayon. May hawak siyang burger at soda. Lumingon muna ako sa paligid ko kung sa akin ba talaga niya binibigay ang mga 'yon.

"Sa'kin?"nahihiya king tanong.

"Yup nakita kasi kita kanina at mukhang anytime tutumba ka na. Busog naman na ako kaya sa'yo na lang itong sobra sa nabili ko."

Isa yatang anghel ang kaharap ko ngayon. Bilugan ang mata niya matangos ang ilong at manipis na labi. Maputi rin siya at mas nakadagdag sa kaguwapuhan niya ang kulot niyang buhok. Minsan talaga naiinis aki sa sarili ko mas inuna ko pa talaga tingnan ang kabuuan ng lalaki kaysa sa tiyan ko. Kaya naman agad kong tinanggap ang bigay niyang burger at soda in can nang matauhan ako.

"Thank you,"nakangiti kong tugon.

"Sige kain ka na hinihintay na ako ng mga kasamahan ko."

Umalis na siya sa harapan ko at bumalik sa convenient store. Mukhang nandoon ang mga kasama niya sa loob. Sayang nga lang at hindi ko naitanong ang pangalan niya.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon