LOTC 19

36 5 1
                                    


*HappinessInYourEyes

Saturday morning at maaga akong bumangon. Hindi ko alam pero may kung anong pwersa ang nagtulak sa'kin na lumabas. Pagbaba ko ng hagdan ay nasalubong ko si Manang. Kukunin na raw niya ang mga sinuot kong dami para labahan. "Sige po," sabay lakad muli pababa.

"Mag-almusal ka roon hijo may sinangag at hotdog."

Naglakad naman na ako papuntang kusina para kumain. Masaya ako na nakatulong ako kay Yadler kagabi. Alam kong kapag nagkita kami ay puro pasasalamat ang lalabas sa bibig niya.

Matapos kumain ay agad akong bumalik sa kwarto ko. Nag-shower ako at nang matapos ay agad nagbihis.
Pagbaba ko ay nagpaalam ako kay Manang.

Alam kong hindi magugustuhan ni Bridget ang gagawin ko pero gusto ko lang sumubok. Pupunta ako as a classmate na gusto siyang damayan ngayong naka-confine ang tatay niya.
Mabuti at nalaman ko kung saang hospital siya dahil sa isa naming classmate.

Ang problema ko lang ay hindi ko sure ang name ng father niya. Hindi ko tuloy malaman kung anong sasabihin ko mamaya. Nang makarating sa hospital ay nasalubong ko naman na agad si Bridget. Mabuti na lamang at hindi ko na kailangang magtanong pa.

Dala ang isang plastic ng fruits ay naglakad ako palapit kay Bridget. Hindi niya namalayan ang paglapit ko kaya halata ang pagkagulat sa mulha niya nang makita ako sa harapan niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I just want to give this for your father,"I said with a nervous tone.

"Okay salamat." Tinanggap niya ang fruits at ngumiti naman ako. "Oh ano pa hinihintay mo?"

"Ah—," hindi na alam ang sasabihin pa. Mukhang wala siyang balak ayain ako sa kwarto ng father niya.

"Sige mauna na ko," sambit ko na lang.

Bakit pa kasi nag-expect pa ako na aayain niya. Hindi naman kami close ng father niya to begin with. So I have no reason para kamustahin ito. Kelan ba ako magiging close sa kanila. Damn!

Is that Yadler? Napatanong na lang ako sa sarili ko nang makita ang isang lalaking kamukha o si Yadler na nga. Tinigil ko ang muna ang motor sa tabing-kalsada. At naglakad papunta sa kanya. Bigla siyang huminto sa paglalakad at napahawak sa noo. Ilang segundo pa ay bigla na lang siyang natumba. Agad naman akong tumakbo palapit sa kanya upang tulungan siya. 

Dahil sa sobrang kaba ay binuhat ko na lamang siya sa malapit na parke. Alam kong mas mahihirapan lang si Yadler kapag dinala ko siya sa hospital. Kailangan pa niyang isipin ang pambayad. Gustuhin ko mang tumulong ay wala na rin dahil ayokong humingi ng pera sa parents ko at magtataka na sila. Inihiga ko siya sa isang mahabang upuan dito sa parke. Bumili ako ng ointment upang makatulong sa madali niyang paggising.Gamit ang bulak pinaamoy ko sa kanya ang ointment.

Ang kabang nararamdaman ko ay nawala nang imulat niya ang kanyang mga mata. Tumingin siyasa paligid niya hanggang sa magtagpo ang aming mga mata.

"Okay ka na ba?"

"Zadkiel,"bumangon siya at muling humarap sa akin."Anong nangyari bakit ako nandito?"

"Nakita kita sa daan na bigla na lang nawalan ng malay sa daan."

"Ah salamat,"nahihiya niyang tugon. 

"Salamat hindi mo ako dinala sa hospital. Wala kasi akong pambayad doon."

"Naisip ko rin 'yan kaya dito na lang kita dinala. Maayos naman ang paghinga mo kanina. Siguro ay nalipasan ka lang ng gutom or na-dehydrate."

Ilang saglit siyang tulala kaya naisip kong ikaway-kaway ang kamay kol sa harapan niya.

"Okay ka lang ba?"tanong ko. "Tara sumama ka sa'kin." Naisip kong dalhin siya sa isang karenderya dahil alam kong gutom na siya. Tumayo na ako at naglakad palayo. Natigilan ako nang hindi ko na maramdaman ang presensiya niya. Mukhang nanghihina pa nga ang loko.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon