LOTC 58

22 0 0
                                    


*TasteOfSuccess

10 Years Later

"Chef Palma," dinig kong tawag sa akin ng  kasamahan ko dito sa kitchen.

"Bakit?" Hinalo ko muna ang niluluto ko bago tuluyang patayin ang gasul. Nagpunas muna ako sa nakasabit na tela sa may ref bago harapin ang lalaki.

"O bakit Andy?"

"May naghahanap sa'yo,"tugon niya.

Agad naman akong sumunod palabas sa kanya. Dinala niya ako sa isang babae na ngayon ay nakaupo sa bandang gilid ng restaurant ko.

"Chef Palma,"ngumiti ito sa akin. Sa unang tingin pa lang ay mukhang mayaman ito.

"Hello welcome to La Cocina de Carissa."

Sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ng restaurant ko napapangiti ako. Kung nasaan man siya ngayon sana napapanood niya ako. Unti-unti nang natutupad ang mga pangarap namin noon. At kahit pa wala na siya gusto ko maramdaman ko na andito pa rin siya.

Proud ako sa sarili ko dahil sa kabila ng mga pinagdaanan ko nagawa kong bumangon at muling magsikap. Almost two years bago ako tuluyang nakaalis sa mental facility. Sinigurado ko na bago ako umalis doon ay ready na ako humarap muli sa mundo.

Pinarehistro ako ng bago para magamit ko na ang apelyido ni Papa.
Sa tulong naman ng amo ni Papa na si Sir Armando ay nakapagtapos ako sa kursong Culinary Arts. Kinuha niya akong scholar niya. Napakabait niya sa aming magaama kaya hindi na ako nagtataka kung bakit idol siya ni...

"I'm Winona, birthday kasi ng anak ko sa Linggo kaya naisip kong pumunta dito. Maraming magandang reviews sa restaurant at sa service niyo kaya kayo agad ang hinanap ko. Tama ba may catering service din kayo?"

Tumango lang ako sa kanya. "Good to know."

"Wait lang,"sambit ko sabay tayo.

Kinuha ko ang isang maliit na notebook at ballben sa counter. Bumalik din agad at inabot sa kanya 'yon. "Pakisulat na kang ng address at oras para makapaghanda kami."

"Okay," agad siyang nagsulat doon. "Okay I'll contact you na lang may meeting pa kasi ako later e."

"Sure nasa social media pages ang number namin."

"Ahmm can I get your personal contact number instead?" Inabot niya ang cellphone niya sa akin. Nilagay ko ang number ko doon at muling binalik sa kanya. "Thanks ulit see you sa Sunday," nakangiti nitong saad.

"Ingat," sambit ko na lang. Tuluyan na siyang lumabas.

"Chef Palma," dinig kong boses niya. Napatigil naman ako sa paghiwa ng karne at humarap sa kanya.

"O Engineer Palma napadalaw ka." Naghugas muna ako ng kamay bago tinawag ang isa kong kasama. "Ahmm Sofia puwede ituloy mo na 'to may bisita lang ako."

"Oo naman Chef,"magiliw niyang tugon.

"Thank you so much,"sambit ko na lang sabay sunod sa kapatid ko. Naupo kami sa bakanteng table.

"Ano na akala ko busy ka sa dami ng projects na nabigay sa'yo?"

"Actually pero I can always make time for you sissy,"sambit naman niya.

"Kaloka ka naabala ko pa 'yong isa kong empleyado dahil sa'yo."

"Sige uuwi na ako,"kunyaring nagtatampo niyang saad.

"Gaga bigay mo muna sa'kin 'yang pasalubong mo bago ka umalis." Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya. "By the way musta si Papa?"

" May Art fair kemberloo at ididisplay 'yong new artworks ni Sir Armando e."

Dahil sa sinabi niya ay muli kong naalala si Zadkiel. Siguradong hindi niya palalampasin ang ganitong event para suportahan ang idol niyang si Sir Mando.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon